CHAPTER 3

23 0 0
                                    


HALOS mahilo si Janelle sa kasusunod ng tingin kay Cage. Abalang nagluluto ang binata ng spaghetti at saka niya lamang nalaman na isa palang dating chef ito.

Naging maayos naman ang recovery ng mga mata ng binata kaya ngayon nga ay ipagluluto daw siya nito bilang celebration nila sa paggaling nito.

Nagsalubong ang dalawang kilay ni Janelle sapagkat wala siyang ideya kung ano-ano ang mga inihahalo ng binata sa spaghetti. Isang simpleng spaghetti lang naman kasi ang alam niyang lutuin kaya excited siyang matikman ang mga niluto nito.

"Matagal pa ba 'yan?" Naiinip niyang tanong sa binata.

Tumawa naman si Cage. "Bakit nagugutom ka na ba?"

Nakatitig ito sa kanya habang may pilyong ngiti sa mga labi nito. Iniiwas niya ang tingin dito at inilipat ang atensyon sa mga pagkain na natapos na nitong lutuin kanina.

"Medyo. Hindi naman kasi ako nananghalian kanina." Tugon niya.

"Bakit hindi ka kumain kanina?" Seryosong tanong nito.

"Nagda-diet kasi ako." Nahihiyang pag-amin niya.

"Feeling ko kasi tumataba na ako dahil ang sasarap ng mga luto mo."

Simula kasi nang gumaling ang mga mata ng binata ay ito na ang palaging nagluluto. Nahihiya na rin siyang ipagluto ito dahil isa nga itong chef.

"Janelle, kaya nga kita ipinagluluto para mabusog ka hindi para palipasin ka ng gutom." Magkasalubong pa ang mga kilay nito.

"Tapos na ito, ihanda mo na ang mesa."

Sinunod niya ang sinabi nito. Inihanda niya nga ang mesa kumuha siya ng tatlong plato at mga kubyertos. Tatawagin niya na rin sana si Anton pero bigla itong pumasok ng bahay.

"Boss, may bisita... ka." Nag-aalangang wika ni Anton.

"Sino?" Takang tanong ni Cage.

Sasagot pa sana si Anton pero pumasok na ang taong tinutukoy nito.

"Cage!" Bulalas nito at mabilis na lumapit kay Cage at yumakap dito nang mahigpit.

"I miss you babe!"

Nanlaki ang mga mata ni Janelle dahil ngayon niya lang din nalaman na may nobya pala ang binata.



MARAHAS na kumalas ang binata mula sa yakap ng kanyang dating nobya na si Sofia.


"What are you doing here?" Hindi niya mapigilan na mapagtaasan ito ng boses.

Para sa binata ay ang kapal ng pagmumukha nito na magpakita muli sa kanya pagkatapos ng lahat ng mga nangyari. Matapos siyang traydurin at lokohin nito ay bigla na lamang itong susulpot nang walang pasabi?

"Masama bang dalawin ang boyfriend ko?" Nakangiting tugon ni Sofia sa kanya.

Labis-labis ang pagpipigil ni Cage na wala siyang masamang magawa kay Sofia. Nagpupuyos siya sa galit ngayon. Napatingin siya kay Janelle na naguguluhan habang nakatingin sa kanilang dalawa.

"Let me remind you Sofia, I am not your boyfriend."

Lumapit siya kay Janelle at hinapit ito sa baywang.

"Si Janelle nga pala, girlfriend ko." Naramdaman niya ang lihim na pagsinghap ni Janelle at gulat na gulat na napatitig sa kanya.

"Oh." Bulalas ni Sofia.

CageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon