CHAPTER 2

30 0 0
                                    


MALALIM na ang gabi pero hindi makatulog si Cage sa hindi niya malamang dahilan.

Napaupo siya sa kama at napahawak sa kanyang dibdib na sobrang bilis ng tibok. Nang makita niya ang ginawa nina Sofia at Chase sa mismong bahay ng dating nobya ay mabilis siyang umalis sa lugar na iyon at halos paliparin ang sasakyan kahit hindi niya pa alam kung saan papunta at naganap nga ang aksidente.

Hindi niya nakita na may kotseng sasalubong sa kanya. Dahil sa lakas ng impact ay nabasag ang windshield ng kanyang sasakyan at ang ilang bubog nito ay tumama sa kanyang mukha at sa palibot ng kanyang mga mata. Kailangan niya ring sumailalim sa operasyon dahil nasugatan ang gilid ng kanyang mga mata.

Dahil sa mga lalim na sugat ay nagkaroon siya ng mga peklat sa mukha kaya ipina-surgery niya at ngayon nga ay natatakpan pa ng bandage ang mga mata niya dalawang linggo na lang ang hihintayin at makakakita na siya ulit.

Simula nang mangyari ang aksidente ay palagi siyang nakakaramdam ng kaba o takot nang wala namang dahilan.

Tuluyan na siyang tumayo sa kanyang kama at nagbilang ng hakbang sa kanyang isipan papunta sa pintuan.

Nang makalabas siya ng kanyang kwarto ay muli siyang bumalik sa umpisa sa pagbibilang ngayon naman ay papunta na siya ng kusina.

Kinapa-kapa niya ang mga gamit sa kusina na nahahawakan niya.

"Cage?"

Natigilan siya nang mabosesan ang taong 'yon. Si Janelle.

"Tulungan na kita, nauuhaw ka ba?" Tanong nito.

Kung ibang tao ang nagtatanong sa kanya ay marahil nagalit na siya ngunit hindi niya kayang magalit sa dalaga lalo na kapag ganito itong magsalita. Napakalambing nito kung kausapin siya at napakaganda rin ng boses nito na parang inaakit siya.

Tumuwid siya sa pagkakatayo.

"Y-yes."

What the heck? Why are you stuttering?

Sigaw ng kanyang isipan.

"Wait ikukuha kita ng tubig."

Sinusundan niya ang kaluskos at mga tunog na likha mula sa pagkilos ng dalaga. Ang tunog ng pagkuha nito ng baso, pagbukas ng ref, at ang pagsalin nito ng tubig.

"Heto, Cage."

Hinawakan nito ang kamay niya at ipinahawak sa baso. Dahan-dahan siyang uminom ng tubig mula dito pagkatapos niyang uminom ay kinuha agad ni Janelle ang baso mula sa kanya.

"Anong oras na?" Tanong niya.

"Twelve fifteen." Kaagad na tugon nito.

Napailing ang binata sapagkat batid niyang mahihirapan siya sa pagtulog nito lalo na ngayon na umaatake na naman itong kaba niya.

"Hindi ka makatulog, Cage?" Tanong ng dalaga.

"Yeah." Pag-amin niya dito.

"Pwede ko bang haplusin ang buhok mo?"

Kung walang bandage ngayon si Cage ay marahil nagsalubong na ang dalawang kilay niya dahil sa itinanong ni Janelle.

"My what?" Tanong niya.

"Sabi ko pwede ko bang haplusin ang buhok mo?" Pag-uulit pa ng dalaga.

Kahit ay naguguluhan tumango na lamang ang binata dahil gusto niya ring malaman kung ano ang gagawin nito.

Natigilan siya nang marahang hinaplos ni Janelle ang buhok niya. Marahan din hinihila nito ang ilang hibla ng buhok niya saka parang gumuguhit ng kung ano-anong hugis sa ulo niya. Nakikiliti siya na parang nare-relax. Sa sandaling iyon ay nakaramdam siya ng antok.

CageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon