EPILOGUE

20 0 0
                                    


MASUYONG hinahalikan ni Cage ang natutulog niyang asawa. Sobrang saya niya sapagkat habangbuhay niya nang makakasama si Janelle.

Mahina siyang tumawa nang may isang tagpo siyang naalala.

-

Nakaupo si Cage sa isang maliit na upuan. Kinapa niya ang kanyang harapan nang mahawakan niya ang isang timba at tabo. Dahil may bandage pa ang kanyang mga mata ay tanging ang katawan niya lamang ang binabasa hindi kasama ang kanyang ulo.

"Boss, alam n'yo ang ganda ni Janelle." Saad ni Anton na nasa labas ng pintuan ng banyo niya.

Ito ang naghahanda ng pangligo niya at hinahatid siya nito sa banyo at aabangan sa labas ng pinto kapag tapos na siya. Ito rin ang naghahanda ng susuotin niya.

"Gusto mo bang ipaalam ko ito sa asawa mo?" Banta niya.

"Hindi 'yon ang ibig kong sabihin boss. Ang sinasabi ko ay maganda siya at mukhang bagay kayo. Pati mukhang may crush 'yon sa 'yo boss."

Natigilan siya sa pagsasabon sapagkat naagaw nito ang kanyang atensyon.

"Sinabi niya ba sa 'yo na may gusto siya sa akin?"

"Hindi. Pero kahapon boss kitang-kita ko kung paano siya tumitig sa 'yo. Basta ang payo ko sa 'yo boss ay kilalanin mo siya mukhang magugustuhan mo siya."

Ngayon nga ay asawa niya na ito. Naramdaman niya ang paggalaw nito at mukhang nagising ito mula sa mga halik niya.

"I love you." Sabay halik niya dito.

Gumanti rin ng halik sa kanya si Janelle hanggang sa maramdaman niya ang haplos ng asawa sa kanyang tiyan. Bahagya siyang lumuhod sa paanan nito at hinubad niya ang suot na T-shirt.

Natawa naman si Janelle. "Agad-agad?"

Humalakhak siya at muling pumaibabaw dito.

"Sabi ko naman sa 'yo 'di ba na hindi na ako magpipigil kapag naging asawa na kita."

Nagtawanan silang dalawa at mainit na pinagsaluhan ang gabi.


~ WAKAS

CageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon