CHAPTER 1

39 0 0
                                    


"Get the hell out of here!" Sigaw ng binatang si Cage Iver sa babaeng kausap nito.

"Pero Sir..."

"Anton!" Malakas nitong tawag sa kanyang driver.

Narinig niya na nagbukas ang pintuan ng kanyang kwarto.

"Boss bakit?" Tanong ni Anton.

"Paalisin mo ang babaeng 'yan dito at siguraduhin mong hinding-hindi na babalik dito." Mariing utos niya kay Anton.

Narinig niya ang mga hakbang at pagtutol ng babae ngunit wala na itong pakialam pa doon. Nang tumahimik ang paligid ay nahiga na siya sa kanyang kama.

"Fuck you, Chase!" Mura niya sa kanyang kapatid kahit wala naman dito.

May babaeng dumating kanina at sinabing ito ang magiging bago niyang kasambahay na kapalit ni Nanay Cecile. Natural na tatanggapin niya ito pero wala pang isang araw ay inaakit na siya ng babae at nang hindi niya ito pinapansin ay narinig niya mismo mula sa mga bibig nito ang mga salitang;

"Gwapo ka sana pero mukhang totoo nga ang sinabi ni Chase na mas magaling siya sa kama kaysa sa 'yo."

Sumasakit ang ulo niya dahil sa nangyari.

Hindi pa ba ito kuntento sa mga nagawa nito sa akin?

Tukoy niya sa kanyang kapatid.

Si Sofia. Ang pinakamamahal niyang si Sofia, kitang-kita mismo ng mga mata niya kung paano ito nasarapan sa paggiling sa ibabaw ni Chase. Si Chase Iver na kakambal niya.

Dalawang buwan na ang nakalipas nang mangyari pero ramdam na ramdam niya pa rin ang sakit at galit sa mga ito.



ILANG minuto na rin nakaupo si Janelle Imperial sa magandang sofa na pagmamay-ari ng magiging amo niya. Napansin niya rin kanina na nag-aalangan ang lalaking nagbukas ng gate na papasukin siya.

Napatayo ito nang dumating ang lalaking nagbukas ng gate sa kanya kanina may kasama itong isa pang lalaki.

Natigilan siya nang matitigan niya ang lalaking kasama nito. Hindi ito nabanggit sa kanya ni Nanay Cecile. Ang nasabi lamang sa kanya ay Cage Iver ang pangalan ng amo niya at nasangkot daw ito sa isang aksidente dalawang buwan na ang nakararaan kaya kailangan ay doble ang gawin niyang pag-aalaga at pagsisilbi dito. Ito na marahil ang naging resulta ng aksidenteng nabanggit ni Nanay Cecile.

May puting bandage ang nakapalibot sa ulo ng binata na tumatakip din sa mga mata nito. May hawak din itong kulay puti na parang stick na siyang ginagamit ng mga bulag kapag naglalakad.

"M-magandang araw po." Bati niya.

"Ako po pala si Janelle, magiging kapalit ni Nay Cecile."

Sa tulong ng lalaking kasama nito ay napaupo ito sa one seater sofa.

"Hi Janelle, and I am Cage." Pakilala nito.

"So what is your proof na ikaw nga ang ipinadala ni Nanay Cecile?" Halos mapasinghap siya sa lamig at lalim ng boses ng taong ito.

Mabilis siyang nag-isip kung ano ang isasagot niya hanggang sa naalala niya na nag-voice record pala si Nanay Cecile sa cellphone niya. Iparinig niya daw ito kay Cage.

Kaagad niyang hinugot ang cellphone mula sa bulsa saka inilapag sa maliit na mesa na nasa sentro nila.

"Heto po." Tugon niya sabay play sa record.

"Cage..." Boses iyon ni Nanay Cecile.

"Cage, iho, pasensya ka na talaga kung hindi na kita maaalagaan. Si Janelle siya ang papalit sa akin at magtiwala ka dahil mabait itong batang 'to at aalagaan ka rin nang mabuti nito. Pakisabi mo na rin kay Anton na si Janelle na ang bahalang magluto diyan sa bahay mo kasi masarap itong magluto. Kung si Anton kasi siguradong mas mangangayayat ka."

Napatingin ang dalaga sa lalaking nakatayo at nakita niya na napakamot ito ng ulo. Sigurado siyang ito ang tinutukoy na Anton.

Nalipat naman ang tingin niya kay Cage at kulang na lamang na mapatulala siya nang makita ang nakangiting labi nito.

"Mag-iingat ka palagi at 'wag masyadong mainitin ang ulo. Oh sige iyon lang iho."

Doon natapos ang voice record. Kinuha niya ang cellphone at muling isinilid sa bulsa.

"Anton, dalhin mo siya sa magiging kwarto niya." Utos nito kay Anton.


DAHIL hindi naman siya nakikita ni Cage ay sinamantala iyon ni Janelle upang titigan niya itong maigi. Kahit natatakpan ang mga mata nito ay lutaw pa rin ang kagwapuhan ng binata.

Nasa hardin silang dalawa ngayon ni Cage sa likuran ng bahay nito. Nakaupo ito sa isang duyan na gawa sa kahoy na may sandalan, habang siya naman ay nakaupo di kalayuan sa binata. Sa katunayan ay masaya siya dahil naisipan ng amo niya na magpahangin dahil simula nang dumating siya dito ay palaging nasa kwarto lamang ang binata, hindi naaarawan at hindi nakalalanghap ng sariwang hangin.

Napatayo siya nang akmang tumatayo si Cage. Nilapitan niya upang itanong kung may kailangan ba ito.

"Sir Cage, may kailangan po ba kayo?' Tanong niya.

"I'm hungry."

"Sige Sir, ipaghahanda ko po kayo."

Naunang maglakad ang binata at kahit isang linggo na siya dito ay hindi niya pa rin maitago ang pagkamangha na kabisado ni Cage kung ilang hakbang ang kailangan nitong lakarin kung nais nitong pumunta sa isang bahagi ng bahay. Binalaan rin siya ni Anton na 'wag na 'wag niya raw itong hahawakan o aalalayan kapag naglalakad dito sa loob ng bahay dahil nagagalit raw ito.

Pagdating nila sa hapag ay tinulungan niya itong makaupo pagkatapos ay kaagad niyang inasikaso ito. Nilagyan niya rin ng pagkain ang plato nito at nagsimula itong kumain.

"How old are you, Janelle?" Biglang tanong nito sa kanya.

"Twenty four po Sir Cage."

Nakita niyang tumango-tango ang binata habang patuloy pa rin sa pagkain.

"Just call me Cage, dalawang taon lang ang tanda ko sa 'yo and masyado kang pormal."

"Okay Si—Cage." Tugon niya na lamang.

CageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon