CHAPTER 4

22 0 0
                                    


BUMANGON si Cage nang makarinig ng mga kaluskos mula sa sala. Nagdesisyon siyang lumabas mula sa kanyang silid upang silipin kung ano ang nagyayari.

Nadatnan niya si Janelle na nakasubsob ang mukha sa center table habang napapalibutan ng mga lata ng beer na binili kahapon. Kahit magaling na siya ay paminsan-minsan ay hindi pa rin siya makatulog kaya beer ang naisip niya nahihiya na rin kasi siya kay Janelle sapagkat parang siyang sanggol na kailangang patulugin nito.

Napansin niya ang tatlong lata ng beer na wala nang laman, habang sa kamay nito ay may hawak pa ito na nakabukas na.

"Janelle?"

Nag-angat ng mukha ang dalaga at ang laki ng ngisi nito nang makita siya.

"Cage! 'Lika upo ka dito." Tapik nito sa tabi niya. Batid niya na lasing na ito.

Nakaupo ito sa sahig na nilatagan nito ng comforter habang nakasandal naman ito sa paanan ng mahabang sofa.

Umupo siya sa tabi nito kahit na hindi niya alam ang rason kung bakit ito naglalasing ngayon.

"May problema ka ba?" Tanong niya.

Bahagyang napaatras ang ulo niya nang bigla siyang nilingon ng dalaga sa mga mapupungay na mga mata. Hindi niya maiwasang mapalunok sapagkat ang lapit ng mukha nito.

"Alam mo..." Usal ng dalaga habang hinahaplos ang kanyang mukha.

Ang lakas ng kabog ng dibdib ni Cage. Hindi tuloy siya makahinga nang maayos.

"Mas gwapo ka noong natatakpan ang kalahati ng mukha mo." At malakas na humalakhak si Janelle saka uminom sa hawak nitong beer.

What the hell!

Inis siyang umayos sa pagkakaupo at magkasalubong ang kilay na binawi ang hawak nitong beer.

"Bakit ba? Kung gusto mong uminom pwede ka namang magbukas ng bago." Nakangusong wika nito.

Halos mabato ang binata nang biglang yumakap sa kanya si Janelle at isinubsob ang mukha nito sa dibdib niya.

"Ang bango mo naman." Puri ng dalaga sa kanya.

"Lasing ka na nga talaga kung ano-anong ginagawa mo."

"Uminom ka din kasi."

"Ayoko." Tanggi niya.


Something might happen 'pag pareho tayong lasing.


Nakaramdam ng inis ang binata dahil sa pagiging careless nito. Paano kung ibang lalaki ang kaharap nito ngayon? Naisip niya rin na hindi pwedeng malasing si Janelle nang mag-isa sa mga lugar na tulad ng bar lalo na kung ganito ito.

Napalunok ang binata nang magsimulang gumuhit ang dalaga gamit ang daliri nito ng kung ano-anong hugis sa dibdib niya. Mabilis na inabot ni Cage ang throw pillow at itinakip iyon sa kanyang pagkalalaki na dahan-dahan nang nagigising dahil sa ginagawa ni Janelle.

"Stop doing that." Nahihirapang usal niya.

Narinig niya ang hagikhik nito saka pasimpleng inaabot ang beer na binawi niya mula dito. Mabuti na lamang ay nailayo niya iyon sa dalaga.

"Awat na Sweetheart, tama na 'yang nainom mo."

"Nag-kiss na ba kayo ni Sofia, Cage?"

Nagsalubong ang dalawang kilay niya at inisip kung saan nito napulot ang tanong nito.

"Ano?"

"Sabi ko..." Inilapit pa nito ang bibig sa kanyang tenga.

"Nag-kiss na ba kayo?" Naramdaman niya ang mainit nitong hininga at ang saglit na pagdampi ng labi nito sa kanyang tenga.

CageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon