CHAPTER 6

21 1 0
                                    


KATATAPOS lamang maligo ni Janelle at nasa harapan ng salamin. Isinukat kasi niya ang isang dress na ibinigay sa kanya ni Cage dito sa loob ng silid ng binata. Kaaalis lamang nito dahil may aasikasuhin na naman daw muna ito. Palagi siyang nireregaluhan ng mga kung ano-anong bagay ng binata, nahihiya na nga siyang tanggapin ang mga ito pero nagtatampo ang kanyang nobyo kapag hindi niya tinanggap ang mga ibinibigay nito.


Hindi niya maiwasang mailang sa suot na dress. Hapit ito sa katawan niya kaya na-emphasize ang curves niya pero hindi naman ito masikip 'yong halos hindi na siya makahinga. Sa katunayan ay hindi lang talaga siya sanay magsuot ng ganito at maikli rin ito para sa kanya dahil sa hula niya ay halos seven inches above the knee ito.


Mabilis niyang hinubad ang damit at iniitsa ito sa kama.


"Puro ka kalokohan talaga Cage." Bulong niya sa sarili at nahiga sa kama ng binata kahit na ang tanging suot niya lamang ay ang nag-iisang munting saplot niya pang-ibaba.


Hindi niya napigilang mapayakap sa unan nang maamoy dito ang amoy ng nobyo. Maya-maya pa ay nakaramdam siya ng pagbigat ng mga mata at nagdesisyong umidlip muna.


PAGKAGARAHE ng sasakyan ay mabilis na bumaba si Cage bitbit ang pagkaing tinake-out niya. Tinatawagan niya si Janelle kanina upang sabihin na 'wag na itong magluto pero hindi naman sinasagot ng nobya kaya nag-iwan na lamang siya ng mensahe dito.


Mabilis niyang inilapag ang mga supot sa mesa at nagtungo sa banyo katabi ng pinto ng kwarto niya. Maliligo muna siya sandali dahil batid niyang nangangamoy kusina siya. Galing siya sa kanyang restaurant upang tingnan ito. Nanatili muna siya doon kahit na sinabihan siya ng kanyang business partner na ito na muna ang bahala sa negosyo nila, mag-focus na lamang daw muna siya sa tinatapos niyang libro.


May ginagawa kasi siyang cook book kung saan ay sariling recipe niya ang lahat ng naroon ngunit naudlot ito nang pansamantala siyang hindi makakita.


Pagkatapos maligo ay nagtapis lamang siya ng tuwalya sa kanyang ibabang parte. Pagkalabas niya ng banyo nagsalubong ang mga kilay niya dahil napakatahimik pa din at hindi niya pa rin nakikita si Janelle.


Palagi kasi itong sumasalubong sa pag-uwi niya, bibigyan siya nito ng isang mainit na halik na walang sawa niya namang tinutugunan.


Pumasok na siya sa kanyang kwarto ngunit halos hindi siya makagalaw sa kanyang nakita.


"Shit!" Bulalas niya nang makita ang dalaga na tanging panties lamang ang suot.


Welcome home Cage!


Sigaw ng kanyang isipan habang hindi pa rin inaalis ang mga tingin sa nobya niyang mahimbing na natutulog sa kanyang kama pa mismo.


Naihilamos niya ng palad ang kanyang mukha.


"Bakit ba lagi mong ginagawa sa akin ito, Sweetheart?" Aniya.


He is as hard as rock. Halos mapaungol siya nang haplusin niya ito. Huminga siya nang malalim at sinabunutan ang sarili.

CageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon