ACCIDENTALLY
Bumalik na kami sa susunod na klase.Naabutan namin ang mga kaklase na nag~kukumpulan sa side ng board,tila may tinitignan ang mga ito. Akala ko ay makikisilip ang dalawa ngunit umupo lamang sila sa kani~kanilang upuan at kinain ang binili nilang siomai Samantalang isinulpak ko na lamang ang Earphone sa aking tenga at namahinga.
"Sabi nila maganda raw iyong transferee"
"Anong Name?"
"Wala naman naka lagay bro eh"
"Paano mo nasabi?"
"Anong paano mo nasabi?"
"Paano mo nasabi na maganda?"
"Instincts bruhh"
"Oh really bruh?"
"Oo bruh,I have a gutt feel that she is maganda"
"Hoi Jerome tigilan mo yan,kay Maxwell lang bagay ang conyo lines Hindi sayo"
"Sino naman si Maxwell ha Grasya?"
"Asawa ko hihi"
Nagising Ako sa hagikhikan ng mga kaklase ko sakto naman na dumating ang teacher at nag Simula na itong mag~turo.
"Good morning Hephaestus"
"Good morning Ma'am!"
"I'm sorry for being late, inayos kasi namin yung papers ng mga nabigyan ng scholarship eh,sainyo ba meron?"
"Yes po Maam!" magiliw na sagot ng aking mga kaklase habang tinuturo ang isang papel na naka dikit sa blackboard.
"Uhmm I see,babae pala ang napunta sa inyo..Alam ko kasi maganda yung babae na yun eh kasi na meet namin kanina halos puro lalaki ang mga iyon pero may naligaw na isang babae at sainyo siya napunta.."
"Ano po ang pangalan niya maam?"
"Kasing ganda niya rin po ba ang pangalan niya?"
"Nako ikaw talaga David ha! basta usapang maganda kusang humahaba ang iyong tenga" pagbibiro ni Maam Faraon.
"Nako Maam Inborn na yan kay David HAHHAHA" si Raven.
My classmates laugh while they are throwing something to David,,Oh my feels! Hindi ko na sure kung classroom paba ito o Jurassic park na, Oh Damn this people...Ganto parati ang eksena kapag Time ni Miss Faraon,parati siyang nakikipag biruan sa amin kung kaya't paborito siya ng section namin.
"Ah ano nga ba iyon? ahmmm I-I ano,basta nakalimutan ko na pero I yung unang letter ng name niya eh..Hayaan ninyo at makikilala niyo naman siya bukas eh.So going back to our lesson,our topic for today is about the period of Alchemy. Open your Chemistry book on page 215."
"Miranda, before we proceed to the period of Alchemy, what was our topic yesterday?"
"Our topic yesterday is all about the period of black magic" Miranda answered proudly. She is about to sit when miss Faraon stopped her.
"Oopss just a moment, I still have a follow up question"she smiled.
"A-ano po Maam?" kabadong tanong nito salungat kanina sa unang tanong.
"What have you learned about the period of black magic?"
"Ahmm ano The period of black magic in chemistry is Ano ahmm" hindi na nito nasundan ang sinabi.
"HAAHHA I knew it! nako kayong mga students ha! Alam na alam niyo na ang itatanong namin tuwing mag uumpisa ng bagong lessons kaya iyon lang ang inaaral ninyo..Sa susunod make sure na alam niyo ang nakapaloob sa topic na isasagot niyo.. Nagkakaintindihan ba tayo Hepha?"
"Yes Maam, sorry maam"
"Okay thank you miss Miranda,, Mr Cabral?" Bumaling ito sa akin.
I did'nt expect na ako ang susunod niyang tatawagin at tatanungin.Bukod kasi sa alam niya na hindi ako palasalita ay isa ako sa nag-eexcel sa klase niya kung kaya't hinahayaan niya lamang ako na manahimik at makinig kung kaya't ganoon na lamang ang pagtataka ko nang tawagin ako nito.
"Y-yes Maam?" I stand up to give respect.
"Are you okay?" she smiled.. Kung hindi ko ineexpect ang pag tawag nito sa akin ay mas lalong hindi ko inaasahan ang tanong niya.
"Y-yes Maam,thank you po"
"Okay! Im glad to hear that.Keepfightin' Aeros!"
Ni hindi ko na nagawang pasalamatan si miss Faraon sa labis na pagkabigla..Pinag halong kaba at tuwa ang nararamdaman ko ngayon.Masarap pala sa pakiramdam kapag may nagtatanong sa nararamdaman mo. Masarap pala sa pakiramdam kapag may nakakaalala sa iyo...Kahit isa lang.
I just gave her a genuine smile,for the first time in my adulthood life there is someone asked me if I am okay.. Im not okay but it's okay..The important now is I know that there is someone who cares for me.
After Miss Faraon class,bakante nanaman ang oras namin. I am about to sleep when suddenly someone grab my collar..
Hindi pa man ako nakakatayo ng maayos ay naramdaman ko na ang kamao nito sa aking mukha.. Tangina sino ba ito?
"Gago ka! bakit mo inagaw sa akin si Althea?" galit na galit ang lalaki at sa paraan ng pagkakatingin nito ay parang gusto niya akong patayin.Nagsimulang lumapit ang mga kaklase ko gayundin ang iba pang estudyante. Damn I hate this scene.. Ihate this one.
Hindi ako kumibo at tinignan lamang ang lalaki. Kahit anong laki nito ay hindi ako nasisindak dahil alam kong wala akong ginagawang masama.
"Ano tol hindi ka makasagot ngayon? Itong kaklase niyo inagaw lang naman ang girlfriend ko!" kapagkuwa'y pagtuturo niya sa akin habang inaagaw ang atensyon ng mga kaklase ko.. ampota anong inaagaw,eksena ang isang ito.
"Wala akong alam sa sinasabi mo,umalis ka na inaantok na ako" bored kong sagot.
"Eh gago ka pala talaga eh!" pinaulanan ako nito ng suntok,ramdam ko na ang dugo na tumutulo sa aking labi.Ramdam ko na rin maging ang pagod ng aking katawan mas lalo akong inantok dahil don...Nakakapagod,malamang sa malamang ay masarap ang tulog ko nito pag uwii.Nice niceee.
Hinayaan ko siyang gawin ang gusto niyang gawin sa akin.Tinanggap ko na lang ang suntok nito.Marami ang umaawat sa amin ngunit sina David at Raven lang ang nagpahinto sa lalaki.
"Tol ano ba?"
"Hoy ano ang ginagawa mo kay Aeros!"
"Ah Aeros pala ang pangalan niya.. Napaka bantot naman ng pangalan mo boy! tunog bakla kaya naman pala hindi gumaganti ito eh AHHAHAHA" Nagtawanan ang mga tao maging ang mga kaibigan niya sa likod.
"Toxic culture Damn.. Hindi nakakalalaki ang pag ganti pare.,lalo mo lamang pinapamukha na wala kang utak.." mahinahon kong sagot.
"Mas bakla ka tol susugod ka nalang may mga back up ka pa.Kung matapang ka talaga kahit isa ka lang kaya mong lumaban" si Raven.. Aba may utak rin pala ang isang ito.
"Ganoon eh gago ka rin pala eh" akmang susuntukin nito si Raven ng mabilis kong sinuntok ang mukha nito. Kingina ang tigas ng mukha nito.. Inawat lang kami ng teacher kung kaya't tumigil ako. Sarap bigwasan ampota.
Kinausap pa muna kami sa guidance bago ako pumunta sa clinic. Nagpumilit pa ang dalawa na samahan ako pero hindi ko na sila pinasama.
Hindi ako pumunta sa clinic at tumambay na lang ako sa tapat ng bodegang classroom.. Hindi tumagal ang oras ay nakatulog na ako..
"Kuya!"
"Kuya!"
Naririnig ko ang tumatawag ngunit hindi ko ito pinansin,pinanatili kong nakapikit ang mata ko. Lumipas ang ilang minuto ay wala na akong naririnig na kahit na ano kaya iminulat ko na ang mata ko..
Nagmamadali akong bumalik sa classroom ng nakita ko ang oras,Damn late na akoo.. Sa pagmamadali ko I accidentaly bump into someone...
Tinulungan ko itong pulutin ang nahulog na papel.
"Pasensya na" Pagkatayo ko ay bumungad sa akin ang mukha niya..
"Krisha?"
YOU ARE READING
CHASING AEROS
Mystery / ThrillerAeros is an introvert man. He doesn't want to socialize with people. Being alone is his comfort zone. But what if he found out that he is not alone after all? His mission is to escape from the world of Io Krisha..What will happen in his mission in l...