Chapter 21: Rooftop

103 5 0
                                    

Liana's POV

Nagising ako, hindi dahil sa tunog ng alarm clock kung hindi dahil sa kapatid ko, napaka ingay ang sarap busalan ng bibig eh HAHAHAHA

"ATE GUMISING KA NA BAKA MALATE KA NANAMAN!"

Tumayo na ako kasi, ayoko rin namang malate ngayon, first day preparation for year end festival, may napagplanuhan na yung mga officers ng class namin na booth, lutang ako nung mga oras na yun kaya wala akong ideya kung anong nangyare o kung ano yung napagusapan nila, basta ang alam ko may festival HAHAHAHA, one week na ang nakadaan simula nung pagpaplano nila ng events, at noon ko din huling nakita si Liam, hindi na siya pumasok ulit. Nagaalala na nga ako sakanya.

"Ate mauuna na ko sayo ha, bye!"  sigaw ni Jhian mula sa labas ng kwarto ko.
"Oo sige na, magiingat ka pagpasok ha!" sigaw ko naman pabalik

*****

Nang makarating ako sa school, dumiretso agad ako sa classroom namin, wala ng tao dun kasi lahat sila ay nasa school field para magayos ng tents na gagamitin sa booth na napili nilang gawin, naisipan kong iwan nalang muna yung physics book na hindi ko alam kung bakit ko dala, kaya lumapit ako sa desk ko.

"Huh? Ano to?" napabulong nalang ako sa sarili ko nang may nakita akong kapirasong papel na nakalagay sa lamesa ko, binasa ko, kasi mulhang para sakin iyon, I mean nakalagay siya sa lamesa ko so....

'Meet me at the rooftop'

Nagdalawang isip ako kung pupunta ba ako, kasi baka mamaya delikado to, pano kung itulak niya ako? Diba? Hala charot ang feeling ko, hays sige na nga kawawa naman to kapag hindi ko sinipot.

Liam's POV

Paano ko ba sasabihin to kay Liana? Tsaka saan ko ba siya makikita? Sa sobrang daming tao sa school field ngayon, mahanap ko kaya siya?

Madaming katanungan ang nasa isip ko ngayon, nahihilo nanaman ako, hindi ko alam kung paano ako magpapaalam sa kanya, pero kailangan kong gawin to.

Naglalakad ako ngayon sa school field at napakaraming tao, halos hindi na ko makahinga, kailangan ko pumunta sa isolated na lugar.....

.... Sa Rooftop

Ninamnam ko ang simoy ng hangin, mukhang ito na kasi ang huling sandali na maggagawa ko ito dito sa school. Mamimiss ko ang lahat ng ito, lalong lalo na si Liana, yung kakulitan niya, yung mga ngiti niya, yung kalokohan-

"Liam?!" nagulat ako ng biglang may tumawag sa akin.
"Liana? Nandito ka." halata sa mukha niya ang pagaalala.
"Bakit hindi ka na pumapasok? May problema ba? Liam pwede mo sabihin sakin lahat, makikinig ako, pero hindi ito solusyon." huh? Alam niya na aalis ako?

"Liam, please, wag naman ganto."
"Liana, pero-" I was taken aback by what she said.

"Mahalaga yung buhay mo, wag ka magpakamatay, paano nalang ang mga magulang mo? Liam isipin mo sila-" nagulat siya kasi napatawa ako, kahit kailan talaga tong babaeng to HAHAHAHAHA

"Hindi hahahaha ako hahahaha magpapakamatay hahahaha" nanlaki ang mga mata niya.
"Ay, sorry hehe." nagpeace sign pa siya habang sinabi niya iyon.

"Liana, magpapaalam na ako, I have to go." tinignan niya lang ako.
"I have brain tumor Liana-" napayakap siya sakin at nahikbi na siya.
"Liam, wag kang ganyan, kung prank to hindi to nakakatuwa"
"Hindi ako ganung tao Liana, You know that, I have to leave soon, I just came back to say goodbye, and to tell you that.... I love you. I really do."

"Liam I-" halata na hindi siya makapaniwala sa mga nangyayare.
"Shh, I know you love someone else and that's okay, I can't force ypu you to love me, it just doesn't work that way, although I wish it did, nagsisi ako na hindi ko agad sinabi sayo sooner."

"It's okay, Liam basta always visit me in my dreams okay? I made my lola promise me that din eh." what?!

"You didn't think I was going to die, did you?"
"uhm, uh-" Liana, what do I do with you.

"I'm just leaving the country for special surgery, Liana what were you thinking?" napanganga siya.

"Oh I'm sorry!" napatingin ako sa relo ko 4:36 pm

"It's okay, just please promise me, promise me to take good care of yourself okay? 5:00 ang flight namin, I have to leave."

"I will miss you, so much" nalulungkot ako na nakikita siyang umiiyak, amd it's my fucking fault.

"Can I have one more hug before I go?" ngumiti siya at niyakap ako.
"Mamimiss kita Rumpy!" naalala niya pa pala yun.

"Mamimiss din kita Noying. I can never get you out of my mind." and after that we parted ways.

Liana's POV

Nagstay ako ng onti sa rooftop, para lumanghap ng sariwang hangin. (choz, polluted na ang hangin sa manila HAHAHA) pero nang tumalikod ako, nakita ko si James, at mukhang malungkot siya, kaya nilapitan ko siya, nandito din pala siya, kanina pa kaya siya nandito?

"James? Nandito ka pala?" napatingin siya sakin at ngumiti alam kong peke yon.
"Kanina pa." narinig niya kaya kami ni Liam? Kaya rin ba siya malungkot? Dahil nalaman niya yung sitwasyon ni Liam?
"Pwede ba tayo magusap? Kahit sandali lang Liana, please."

"Sige, ano ba yon?"

My Bestfriend's Love Story  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon