Chapter 17: Decisions

99 8 0
                                    

Liam's POV

Nakita nanaman ako ni Liana in that state, nakakahiya na, these past few weeks madalas ko na nararamdaman yung mg symptoms, pero iniinda ko lang kasi kaya ko pa naman, and I have my medicine.

Nakakadagdag pa sa sakit ng ulo ko yung pagiisip kung paano ako aamin kay Liana, oo, gusto ko siya, hindi naman kasi mahirap mahulog sa kanya, sobrang bubbly and cute siya, caring, nasa kanya na yata lahat ng gusto ko sa isang babae, bukod sa maingay siya haha, pero ano na, hindi ako makaamin, natotorpe ako.

"Paano nalang kung may gustong iba si Liana? Edi mababasted pa ko" aghhh napahawak ako sa ulo ko kasi bigla bigla nanamang sumakit ito kaya nagmabilis si mom na lumapit sakin, kanina pa pala siya nakasilip sa pintuan ko.

"Anak, are you okay?"
"Yes mom, I am, dont worry." I said with a smile.

"Pero mom, how long were y-you uhm-  how long were you standing behind my door mom?" napatawa nalang si mom.

"I heard everything" she cupped my cheeks, siya ang pinaka caring na mommy, sobrang ingat niya sakin, dahil narin siguro mahina ako. "So you like Liana pala?" she laughed.

"Yes po mom, I like her a lot." ngumiti siya "I like her too, I like her for you, she is a really sweet girl, nakikita ko kung paano mo siya tinitignan, how she makes you smile, and only a very few people can make you do that."

Tama si mom, hindi ako madalas ngumingiti, para san pa diba? Pero nung nakilala ko si Liana nagbago ang lahat, natuto ako ngumiti, napaka cheesy, kahit ako hindi ko kayang maniwala sa sarili ko pero yun ang totoo.

Siya lang ang nakakagawa non sakin, so I think that she deserves to know the truth, about my feelings, and about that one important thing about me, if I don't chicken out, that is.

Well, I decide to confess

James POV

Naguguluhan na ako hindi ko alam kung dapat ko ba tong aminin kay Liana o ano, pero kasi paano pag mareject ako? Nakakatakot, nakakatakot na baka masira yung friendship namin, yung pinagsamahan namin mula bata pa kami, pero kapag naman nag let go ako, natatakot rin akong mapunta siya sa iba, natatakot ako na makita siyang masaya nang hindi ako yung dahilan, buong akala ko kay Krizza tumitibok yung puso ko pero hindi pala, si Liana, siya yung nandiyan, siya yung nakapagbibigay sakin ng saya na kahit kailan hindi ko naramdaman pag ibang tao ang kasama ko, pero eto, natatakot ako, natatakot ako na mawala yung dahilan ng kasiyahan kong iyon dahil lang sa nararamdaman ko. Oo, lalaki ako, pero may takot din ako at yun yung mawala si Lili sa tabi ko.

"Hoy Kuya Ang lalim ng iniisip mo ah!" aba lintek to si Jared.

"Manahimik na ang ingay mi nababagot ako sayo!" sigaw ko pabalik sa kanya
"weh, balakangajan isipin mo lang ng isipin si ate Liana, baka sakaling isipin ka rin niya" aba takte to!
"Kaso mukhang malabo na e, nanjan na si Liam" nanlaki ang mata ko.
"PAANO MO NALAMAN YON?" tanong ko. "Affected amp" loko loko talaga to tumawa pa ang gago. "Chill, kwinekwento lang sakin ni Jhian na late lagi nauwi si ate Li kasi daw nasa bahay nila kuya Liam, naggawa daw ng thesis?" sabi niya "Pero sabi din ni Jhian grabi yung mga ngiti na nakikita niya sa mukha ng ate niya kapag kasama niya yung Liam"

"Eh thesis naman pala, anong meron don?" sabi ko ng kunwari di apektado.
"Oo nga thesis lang! Ano na pinuputok ng buchi mo?" Gago ka Jared!

"Hoy lumayas ka nga sa harap ko nagdidilim ang paningin ko sayo!" sigaw ko kaya tatawa tawa siyang pumunta ng kusina.

Tinext ko siya ng
"Lili gising ka pa?"

Umulit sa utak ko yung mga sinabi ni Jared.

Lili, masaya ka ba talaga sa kanya? Siya ba yung nagpapangiti sayo, kung ganon ayokong sirain yon, maayos na sakin ang masaya ka, maayos na sakin ang mapunta ka sa taong nakapagpapangiti sayo.

Nagreply siya kaya napangiti naman ako

Lianapot: matutulog na sana, bakit?

Sasabihin ko na ba? Aish.

Me:Wala, sigi Goodnight. Sleep well Lili!

I decide to hold my feelings in....

FOR NOW.

My Bestfriend's Love Story  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon