kaklase namin siya
KAKLASE NAMIN SI KRIZZA
"Yes, you may come in... Please continue miss dela Rosa"
tinuloy ko lang ang pagpapakilala at pagkatapos ay bumalik na ako sa pwesto ko
Si James na ang magpapakilala pero hindi pa siya natayo nanatili lang siya sa pwesto niya at nakatitig kay Krizza kaya bigla siyang tinawag ni Ms. Guttierez
"Mr. Ramos please introduce yourself, kanina pa kami naghihintay"
"Maam nagagandahan po ata kay Ms. Late pumasok"
sigaw nung isa kong kaklase
"Maam oo nga po, kanina pa po nakatitig ih"
gatong naman nung isang lalaki
wala akong naggawa kundi asarin nalang rin siya at bigla nalang nagtuksuhan ang mga kaklase namin, ramdam ko rin ang pamumula niya
"ayieeeeeeeeeeeeeeee"
pati si Maam ay nakitukso narin, bes........ warak na siya.... warak na yung puso ko.
Nang makabalik si Maam sa katinuan ay pinatigil niya kami sa pangaasar at pinagsalita na si James sa unahan.
"Hi Im James Its nice to see you again"
yan ang sinabi niya habang nakatingin kay Krizza
"hoy! anong again eh ngayon ka lang namin nakita "
sigaw ng kaklase namin
"Ah Im sorry Its nice to meet all of you pala"
hays, malakas na tama neto...
Sa isang buong araw ay nagpakilala lang kami ng nagpakilala pero sa ibat ibang paraan hanggang sa nag ring ang bell at uwian na...
"Liana uwi ka na muna magisa alam ko na nagpromise ako sayo bago magpasukan na lagi tayong sabay uuwi pero sorry ha lalabas lang muna kami ni Krizza"
ano?!
"ah sige o-ok lang"
"sorry talaga babawi nalang ako next time sige ba bye! "
sabay kindat niyahayss magbabago na talaga ang lahat lalo't nandito na si Krizza pati mga pangako nasisira dahil sa kanya hay nako.....
at tulad ng sinabi niya ay umuwi nalang ako magisa, gusto ko man magalit ay wala rin naman mangyayari kung magagalit ako sa kanya,magaaway lang kami
"Oh anak nandito ka na pala"
bungad agad sakin ni mommy paguwi ko
"kamusta araw mo anak?"
"ok naman po mommy"
"eh talaga ba ate? bakit parang sinakluban ka ng langit at lupa? basted ka na ba?"
nakakaloka talaga tong kapatid ko.Hindi ba pwedeng pagod lang?!
BINABASA MO ANG
My Bestfriend's Love Story
FanfictionThe only thing Lili does is to keep track of her bestfriend's love story, when will she finally have her own? A tagalog Vsoo/Taesoo fanfiction