Chapter 1: First Day

723 24 0
                                    

LIANA FRANCE'S POV

*RING RING*

"Ateee gising na malalate ka na! idadamay mo pa ako!!"

"Ano ba Jhian ang aga pa!"

Aba naman ang aga aga akong iniistorbo nitong kapatid ko wala namang pasok-

"AH SHEMAY ANONG ARAW NGAYON?"

"Anak tumayo ka na jan nauna na si Jhian ang tagal mo kasi "

"Opo maliligo lang po ako"

"At anak hinihintay ka pala ni James sa baba"

"Po?!"

Nginitian lang ako ni Mommy at alam ko na ang ibig sabihin nun

"Sige na maligo ka na Iaayos ko lang ang kakainin mo"

Nagmamabilis akong naligo at nagbihis 8:30 pa naman ang time namin ang OA talaga ni Jhian pero dahil nanjan si James magmamabilis na rin ako

Si James Edward Ferol Ramos ay ang bestfriend ko magkakilala na kami simula bata palang kami bestfriends din kasi parents namin

Actually crush ko siya pero wala eh manhid ata pati may gusto siyang iba kaya hindi ako naamin sa kanya mas mabuti pang magkaibigan lang kami

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Actually crush ko siya pero wala eh manhid ata pati may gusto siyang iba kaya hindi ako naamin sa kanya mas mabuti pang magkaibigan lang kami

"Anak kumain ka muna"

"Sige po nay sa biyahe nalang po ako kakain"

"Sige na nga dalhin mo to oh"

inabot sakin ni mama ang sandwich at tuluyan na akong lumabas ng bahay

"Hi Liana, tara pasok na tayo"

"Hello James tara... sorry ang tagal ko ata haha"

"Ah hindi ok lang maaga pa naman eh"

"alam mo ba ang saya ko kasi parehas tayo ng school."sabi ko

"ako rin"
matipid niyang sagot

masakit na yun sakin para bang hindi siyang interesado na kausapin ako kaya nahimik nalang ako ang weird kasi.

at naglakad kami papunta sa kotse niya na nakapark sa labas ng gate namin,habang nasa biyahe kung ano ano pinaguusapan namin tawa lang kami ng tawa na akala mo walang problema ng biglang-

"Sana kaklase ko si Krizza"

ayan nanaman si Krizza nanaman hays, yun nga pala yung crush niya kaklase namin yun nung grade six kami pero lumipad siya ng states nung grade seven at bumalik siya ngayon at take note sa school namin siya magaaral hay nako

ah ganon?! sana hindi!

"ah oo nga sana magkaklase kayo para naman magkita kayo,matagal tagal narin kayong hindi nagkikita eh"

Tumango lang siya at tinignan ako sa mata.... Jusq naman James pano na ba talaga ako mag momove on hayss tulungan mo ko please.... bahala na si batman..

"sorry pala kanina kung hindi kita masyado kinakausap bad mood lang ako kanina"

"hindi, ok lang yun wala namang problema dun"

at peke akong ngumiti

"Nandito na tayo"

pinagbuksan niya ako ng pinto at hinayaang bumaba

"tara hanapin na natin classroom

20 minutes at kaming naglakad feeling ko nga nalibot na namin buong campus eh pero siyempre nagpapakaOA lang ako pero kanina talaga muntik pa kaming maligaw pano ba naman wala kaming matanungan eh pero hindi rin nagtagal ay.....

nahanap na namin ang classroom at ang maganda pa ay magkaklase kami ang saya diba

Umupo na ako at sumunod naman siya sakin umupo siya sa tabi ko at nagsimula ng dumaldal at ako naman walang maintindihan sa sinasabi niya basta tinitignan ko lang ang maganda niyang mata

alam ko na weird pero bakit ba wala akong pake at hindi niya naman alam na may gusto ako sa kanya eh so bakit ako matatakot?

"huy Liana anong iniisip mo ha? kanina pa ako.nagkwekwento dito di ka naman nakikinig"

"Uhm w-wala"

shemay bakit ako nauutal

"May joke ako sayo"

"siguraduhin mong nakakatawa yan ha"

corny kasi to eh

"oo naman"

"Sino ang paboritong artista ni Willy Revillame"

"Sige sino?"

"edi si Jackie Chan"

"huh bakit?"

"kasi BIGYAN NG JACKI CHAN!"

sabi na corny to eh

"Ah hahahaha"

sarkastiko akong tumawa dahilan para magpout siya ang cute talaga.ANO BA NAMAN YAN LIANA PANO KA MAKAKAMOVE ON NIYAN?!

Nagtawanan kami at nagkwentuhan hanggang sa dumating ang teacher namin

"Goodmorning class, I am Ms Guttierez and I am your adviser this S.Y. and class pakiusap since college na kayo dapat hindi na pasaway ha"sabay ngiti niya

mukha naman siyang mabait at hindi terror

"Goodmorning Miss Guttierez"

"Introduce yourself,lets start with the first row"

Nagsimula na silang magpakilala isa isa kaya medyo matagal rin may ten students sa isang row at four rows kami siguro forthy kami lahat.... andami naman namin

Buti nalang third row pa ako,pero parang ang bilis ng oras at ako na agad ang magpapakilala

"Goodmorning to all of you I am Liana France C. dela Rosa you can call me Liana I am 21 years old I live in Makati-"

hindi pa ako tapos magsalita ng biglang

"Goodmorning Maam, Im sorry Im late pwede po ba akong pumasok?"

Napanganga nalang ako ng malaman,
matagal bago marealize na siya yun ang laki ng pinagbago niya lalo siyang pumuti at gumanda, maraming nagsasabi na kamukha ko siya, pero hindi naman ata? Ewan, ano ba yan Liana paktaynabay..... kaklase namin siya

My Bestfriend's Love Story  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon