James' POV
Handa na ako, sa tingin ko handa na ako, teka handa na ba talaga ako?
"huy James ano, kinakausap kita, ayos ka lang ba?" tanong ni Krizza, kanina pa ko tinatawanan nito.
"Ah oo, oo medyo kinakabahan lang" tumawa nanaman siya, kapag ito talaga nainlove tawanan ko lang din to. Ngayon ako magtatapat kay Liana, sana nga hindi ako mabasted, plano kong dalhin siya sa rooftop at doon kausapin kaso nahihiya ako, kaya ayon sabi ni Krizza, maglagay nalang daw ako ng note sa desk niya, at hopefully gumana to kasi kapag hindi si Krizza talaga sisihin ko.
Napangiti ako sa sarili ko habang binasa ko ang note.
'Meet me at the rooftop.'
Liana, makisama ka please hahaha, sana naman pumunta ka sa rooftop, sana naman makita mo tong note na to.
Pagkalabas ko ng room namin ay dumiretso ako sa rooftop daladala ang mga bulaklak na bibili ko para sa kanya, mahilig kasi siya sa daisies kaya yun ang binili ko.
Naghihintay lang ako dito nang biglang may ibang tao akong natanaw... Huh? Si Liam? Bakit siya nandito? Siya ba yung nakabasa ng note? Patay na ako nito. Anong gagawin ko?
Pagkatapos ng ilang minutong pagtatago, nagbukas nanaman ang pinto ng rooftop, akala ko lumabas na si Liam pero hindi pala-
"Liam?!" pumasok pala si Liana...
Parang dinudurog ang puso ko habang nakikita ko kung anong nangyayare sa harapan ko ngayon, hindi ko sila dinig dahil malaya ang kinatatayuan ko mula sa kanila, pero isa lang ang tumatakbo sa isip ko ngayon, huli na ang lahat para sakin. Ako pa ang nagdala sakanila sa isat isa.
Nanatili lang akong nakaupo sa isang sulok dahil dalang dala parin ako sa mga pangyayari, hindi ko namalayan na nakatingin na pala sakin si Liana.
Sana hindi halata ang kalungkutan sa mukha ko, kahit alam ko na halata, yun nalang ang nasabi ko.
Liana's POV
"Sige, ano ba yon?" kinakabahan na ako sa puntong to, kagagaling ko lang sa isang seryosong usapan kaya kung ano ano na ang tumatakbo sa isip ko.
"Nalulungkot ako." huh? B-bakit mukha siyang-
"J-james ayos ka lang ba? Bakit ka namumutla?" Diyos ko!
"Ayos lang ako." pagsisinungaling niya. "Alam kong hindi" umupo ako sa tabi niya "sige magkwento ka, nandito ako."
"Kasi, yung taong gusto ko, iba ang gusto, at mukhang sila na nung tao na yon." nasasaktan si James ngayon, pero nasasaktan din ako, bakit ba kasi hindi mo ko makita?! Nandito lang ako sa harap mo.
"P-paano mo naman nalaman yun?" napangiti siya ng peke. Impossibleng si Krizza yung tinutukoy niya diba?
"Si Krizza ba?" tumingin siya sa mga mata ko."Hindi." napanganga ako kasi ibig sabihin totoo yung sinabi sakin ni Krizza.
"Binigyan ko siya ng note, na kitain ako dito sa rooftop pero, mukhang ibang lalaki ang nagtapat sakanya, ang sakit lang kasi ako pa yung naging paraan, ako pa yung naging tulay para maging sila. Pero ayos lang, kasi atleast masaya na siya, mahahanap niya na yung pagmamahal at alaga na dapat lang nararamdaman niya. "
BINABASA MO ANG
My Bestfriend's Love Story
Hayran KurguThe only thing Lili does is to keep track of her bestfriend's love story, when will she finally have her own? A tagalog Vsoo/Taesoo fanfiction