Chapter 3

33 11 14
                                    

Travis's POV

"Miss! Come back here!" sigaw ko habang hinahabol ang babaeng iniwan ako pagkatapos ko syang tulungan.

Shit! I can't take this anymore!

Unang araw ko palang dito pero ang sasama na ng mga nangyari sakin.

Ganito ba talaga ang mga tao sa mundong to? Are they really this kind of rude? Kasi kung oo, I must say that our world is better. In my world, nakakausap ang mga tao. Nagtutulungan at nagdadamayan may problema man o wala. Samantalang dito, mamamatay na ko't lahat, wala pa ring tumutulong. Doon, pinapahalagahan namin ang bawat-isa. Ginagampanan namin ang sarili naming mga responsibilidad. We live there for our people not just for ourselves. We are willing to die for the sake of others.

Umupo ako sa tabi ng poste na nasa gilid ng kalsadang kinatatayuan ko. Isinandal ko rito ang likod ko sabay taas ng kaliwang tuhod ko at patong dito ng kaliwang siko ko. Habang nasa ganoong posisyon ako, binalikan kong muli ang dahilan nang pagparito ko sa mundong ito.

~Flashback~(Travis's World)

"Travis, ang mundong kinabibilangan natin ngayon ay kathang-isip lamang. Nasa loob ito ng libro kaya't nais kong magtungo ka sa tunay na mundo upang hanapin ito at malaman mo ang magiging takbo ng istoryang ito. Matagal na dapat itong natapos ngunit nagkamali ako kaya ngayon sana'y tapusin na upang matapos na ang lahat." mahabang paliwanag ng hari.

Talagang ang hirap paniwalaan ng mga sinasabi sa akin ni Haring Sun. Kaya kahit ilang beses niya ata itong sabihin sa akin ay ganito pa rin ang magiging reaksyon ko.

"Travis, alam kong mahihirapan ka rin intindihin ito ngayon pero pakiusap, magtiwala ka sa akin apo..."sabi pa niya.

Hindi talaga ako apo ng hari pero dahil kanang kamay niya ang lolo ko noon ay madalas ako sa palasyo. Naging kababata ko rin ang kanyang apo at nakasama hanggang sa maging ganap akong kabalyero.

Nakatulala pa rin ako sa hari habang sinisink-in ko sa utak ko ang mga sinabi niya.

"Sige... pag-isipan mo na munang maigi ang sinabi ko para maliwanagan ka.. ngunit sa isang araw ay kailangan mo na ring maglakbay..." malungkot na dagdag pa niya tsaka kami umalis sa underground room na yun.

~End of flashback~(Real World)

Hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin ako sa mga nangyayari. Hindi ko akalaing totoo pala ang lahat. Na hindi totoo ang naging buhay ko at nandito na ako sa tunay na mundo.

Nakakalungkot mang isipin pero alam ko na sa mundong ito, wala na akong pwede ng asahang ibang tao. Pero alam ko naman na hindi pa rin ako nag-iisa. Meron pa rin akong kasama.

Pumikit ako at tsaka dinamdam ang malamig na hangin sa paligid ko. Napangiti ako sa katotohanang kahit saang mundo, meron pa ring Diyos na lumikha ng hangin para sa tao.

Song: Warrior is a Child
Artist: Gary Valenciano

🎶Lately I've been winning battles left and right
But even winners can get wounded in the fight🎶

Panimula ko sa paborito kong awitin tuwing nasa ganitong sitwasyon ako. Na nangangailangan ng tulong Niya. Na walang ibang aasahan kundi Siya.

🎶People say that I'm amazing
I'm strong beyond my years
But they don't see that inside of me
I'm hiding all the tears🎶

Napapangiti pa ako sa lyrics nito kasi alam ko na totoo ito, na tamang-tama ito sa buhay ko.

🎶They don't know
That I come running home when I fall down
They don't know
Who picks me up when no one is around🎶

🎶I drop my sword and cry for just a while
Cuz deep inside this armor
The warrior is a child🎶

Nagkaroon ako ng kapanatagan nang matapos ko ang awiting yun. Masarap sa pakiramdam kapag alam mo na meron kang aasahan.

Bumalik ako sa parking lot para kunin ang espada, armor at iba pang gamit na dinala ko dito sa tunay na mundo. Nakuha ko naman ang mga iyun sa mismong lugar kung saan ko iniwan ito kanina.

"Do you think SORRY was enough!? You almost kill me!"

Bumalik ulit sa ala-ala ko ang sinabi nung babae kanina. Nakapagtataka yung pag-oover-react niya dahil lang tinapatan ko sya ng espada. Kasi kung sa amin, pag tinapatan ka ng espada, maghahamon ka pa lalo na ituloy ang pagsaksak non o kaya naman ay manginginig ka na sa takot dahil dito. Pero sya bigla na lang niya sinipa kanina yung kamay ko na para bang ayaw niya na malapit samin yung espada. Takot ba sya don? Pero parang hindi ko naman nakita sa mukha niya kanina yung takot. Tsaka sobra pa syang nagalit just because of my SORRY!?

Ano namang dahilan niya para maging OA ng ganun?

================================

A/N

Hey guys! Sorry for the long wait but here is a new chapter!

Sorry din kasi maikli lang yan haha.. medyo nabablangko pa si author eh...

By the way thank you for reading this one!!

Hope you like it!

Don't forget to-
VOTE, COMMENT AND FOLLOW!!

Thanks a lot and see you on next update! Stay safe and Godbless everyone!!

-Amlovesjuanelaaaa💕

LOVE BETWEEN THE SUN AND THE MOON (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon