Chapter 2

45 13 82
                                    

Bianca's POV

NAIINIS AKO.

Yan ang pinakamagandang term na makapagpapaliwanag sa nararamdaman ko ngayon. Panu ba naman eh ang bilis natalo nitong kalaban ko. Nakakabuwisit kasi hindi tumagal yung laban namin. Gusto ko pa naman syang makalaban. Alam kong magaling sya kasi bibihira lang ang mga nakakasalag ng mga atake ko at isa na sya don. Pero parang lambot na lambot sya kanina at walang energy. Hayyysss..

At dahil wala na akong magawa sa lalaking yun, dumeretso na ako ng office. Wala nang pagpag-pagpag. Maganda na ko, di ko na kailangan non.

Pagpasok ko sa office, tumambad agad sakin ang naghihintay na si Katie.

Shit! Nakalimutan ko yung snack niya! Yun kasing lalaking yun inagaw yung atensyon ko eh! Wait what? Ano ba tong iniisip ko?

Napailing ako sa naisip ko pero napatigil rin nang magsalita sya.

"Good evening ma'am." bati niya sabay bow sakin.

Lumapit ako at kinausap na sya.

"Good evening Katie. Where are the files?" diretsong tanong ko sa kanya.

"Nasa desk niyo na po ma'am" sagot naman niya.

"Okay, I'll just sign all of these. You can leave now. Hinihintay ka na ng pamilya mo." nakangiting sabi ko at dumeretso na sa desk ko. Nagpaalam lang si Katie sakin at umalis na rin. Nagsimula na ako sa pagpirma ng mga kontratang para sa kumpanya. Halos lahat naman ito ay mga certificate of partnership namin sa iba't-ibang kumpanya.

Umabot ng 30 minutes ang pagpipirma ko sa mga yun. Binabasa ko pa kasi lahat ng mga kondisyones ng mga kumpanyang nakikipartner samin. Sinasaulo ko pati lahat yun para hindi ako magkamali pagdating ng reporting.

Pagkatapos na pagkatapos ko sa mga files ay umalis na rin ako sa office. Paglabas ko ng building, nadatnan ko pa rin ang lalaking walang malay sa labas. Napailing na lang ako at dumeretso sa kotse ko. Sumakay na ako at inistart ang makina pero ayaw nitong gumana. Sinubukan ko pa ng ilang ulit pero wala pa ring nagbago. Lumingon-lingon ako sa paligid at umaasang may makikitang guard para utusang magtulak but badly, wala ng tao dito. Nahagip ng mga mata ko ang walang malay na lalaki kanina. At kahit labag ito sa loob ko, bumaba ako ng kotse at lumapit sa kanya para humingi ng tulong.

Huminga muna ako ng malalim bago lumapit sa kanya at sinimulan syang yugyugin para magising. At last nagising sya pero parang gulat na gulat syang makita ako.

"Uhmm... Sorry for waking you up but sir I just want to ask for your help." Ugghh. Ang hirap nito! Nasanay akong ako ang hinihingan ng tulong.

Sumama ang tingin niya sakin at saka tumayo at pinagpagan ang sarili. Pinanood ko lang sya sa ginagawa niya tsaka pinagmasdan ang kabuuan niya. Maganda ang kanyang pangangatawan. Hindi sya mataba pero hindi rin payat. Mas matangkad din sya kumpara sakin. Medyo matangos ang kanyang ilong at mapula ang labi. Maganda rin ang kanyang mga mata na kung tumitig ay parang nakakatunaw. Hindi sya sobrang maputi pero hindi rin naman maitim. Sapat na para masabing natatapatan rin naman sya ng araw.

Inabot niya sa akin ang kamay niya para tulungan akong tumayo. Shit! Kanina pa pala ako nakatitig sa kanya kaya hindi ko napansing nakaluhod pa rin ako. Kainis! Nakakahiya!

Hindi ko ito tinanggap at tumayo mag-isa kaya inalis niya ito sabay cross-arms sa harap ko.

"So..."

"No"

"What?" iritableng tanong ko sa kanya.

"Hey, look. After what you've just done to me? I was just standing over there doing nothing and then you've just attacked me. You should be thankful cuz I dont fight women but what have you done was literally wrong." paliwanag pa niya.

LOVE BETWEEN THE SUN AND THE MOON (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon