Chloe's POV
Hi Guys! I am Chloe Bernice Salvacion. Ang kauna-unahang BESTFRIEND ni Bianca. Yes.. You read it right. Ako ang unang nakilala ni Bianca sa aming tatlo na kaibigan niya kaya ganun na lang ako sa pagka-overprotective dyan sa isang yan. Kung pwede nga lang ayaw ko nang magka-bf yan eh. Pahirap lang kasi sa kanya ang mga lalaki. Kaso hindi naman pwede yun kasi may sarili syang mga desisyon and I respect that kaya ala-alalay na lang kami sa kanya kapag ganitong broken sya.
Well, hanggang ngayon waiting pa rin kami kay Bianca. Nagpaalam lang kasi sya kanina na aalis at babalik rin. Ni hindi man lang sinabi kung san ang punta niya at hindi man lang kami tinanong kung pwede ba syang umalis. Kaya nga kami nandito para i-comfort sya dahil sa wengyang Warren na yun kaso ito sya naggora ng hindi kami kasama.
Habang busy ako sa pagpapak ng chips na dala namin, si Francine ayun nagmemake-up as usual, si Denise naman ay nagcecellphone at si Desiree na nakasandal lang sa sofa, biglang may nagmessage sa napakaganda kong phone.
From: Shin
Walang kahit anung text akong nakita sa message niya kung hindi isang picture lang ng bestfriend ko at ng isang stranger boy. Btw, si Shin ay ang kinuha kong sumunod kay Bianca sa lahat ng oras para malaman namin kung anu na bang nangyayari sa kanya. Mula kasi ng break-up nila ng pesteng Warren na yun ay lumayo sya sa amin at madalas na sinasarili ang problema. Naging hot-headed din sya at masyadong naging madamot tumulong sa iba.
May hawak ang lalaking espada na nakatapat kay Bianca at-
"Oh May Gawwd!" sigaw ko nang marealize na nakatapat nga ang espada kay Bianca at kitang-kita sa mukha ng bestfriend ko ang pagkainis sa ginawa ng lalaki.
Nagsilapitan ang mga etsosera kong kaibigan at pati sila nashock sa nakita.
"Gosh!" Francine sabay takip ng mukha.
"Shocks!" Denise sabay hawak ng noo
"Lagot na (d-.-b)" Desiree sabay iling
Gulat na gulat pa rin ang mga reaksyon namin sa mukha dahil sa nakita hanggang sa bumukas ang pinto at niluwa ang pagmumukha ng bestfriend ko. Agad kong itinago ang phone ko at sinenyasan ang mga kaibigang bumalik sa dating gawa na nakuha naman nila agad.
"Where have you gone Bianca?" pambawing tanong ko.
"Sa office lang" walang ganang sagot niya sabay upon sa sofa.
"Anong ginawa mo don?" tanong naman ni Desiree.
"Actually, nag-party ako dun mag-isa eh" pilosopong sagot niya.
"Tss..."
Yan, yan ang dulot sa kanya ng pesteng lalaki na yun. Naging wala syang kwentang kausap.
"Uhmm... Masaya ba yung party mo dun Bianca?" mukhang excited pang tanong sa kanya ni Francine. Napakunot ang noo ko sa tanung niya
at tsaka bumuntong-hininga. Slow talaga kahit kelan tong si Francine, intindihin na lang."Medyo" sinakyan pa rin sya ni Bianca. Pag may topak nga naman. Lahat ng trip sasakyan.
Natahimik kami at medyo nagkakapaan kung sino na ang magsasalita. Ganito kami kapag bad mood si Bianca, iniiwasan naming sumama lalo ang aura niya.
"Guys it's almost 3 am na.. I think we better sleep na." si Denise ang nagsalita. May silbi rin pala minsan kadaldalan nito.
d-.-b"Okay.. I'll just prepare your rooms" nakangiting sagot ni Bianca. Hayy salamat.. Mukhang good mood na ulit sya. Sabay sabay kaming tatlo na nakahinga ng malalim nang umalis na si Bianca at ihanda ang mga kwarto namin.
BINABASA MO ANG
LOVE BETWEEN THE SUN AND THE MOON (Season 1)
Romance"Not all people who met are really destined" -- Bianca Almarie Alarie ~ Love Between the Sun and the Moon ~ by: Amlovesjuanelaaaa DISCLAIMER: TAGALOG PO ANG STORY haha.... d^_^b