Denise's POV
"Good morning Ms. Alarie, I want to present to you our new investor Mr. Warren Lim." magalang na sabi ni Mr. Kang kay Bianca pagkapasok nito sa conference room. Napayuko na lang ako at minura ng ilang beses sa utak ko ang paking na si Bianca. Panu ba naman kasi! Pinipigilan na nga namin siya kanina para sabihing nandito ngayon si Warren pero inisnab pa kami ng bruha. Wag niya lang talaga kami sisisihin mamaya kasi naku! Baka ako pa pumatay dito...
Ayan na nga ang sinasabi ko. Halatang nagulat ang bruhilda kong kaibigan sa sinabi ni Mr. Kang. Nakatulala lang sya na nakatingin ng diretso kay Warren Lim na ganun rin naman sa kanya. And take note, walang emosyon sa parehas nilang mukha. Na para bang hindi talaga sila magkakilala. Parang wala na silang pake sa isat-isa ganun pero makikita mo sa mga mata nila na walang totoo sa mga sinabi ko.
Yan kasi lovelife pa buti ako maganda lang.
"Uhmm.. He's the new investor I was referring to you this morning ma'am." dagdag pa ni Mr. Kang. Pero what!? Alam na pala ni Bianca na si Warren yung investor namin pero bakit parang gulat na gulat pa rin sya makita tong lalaking to. Ayan kasi inuuna pa lovelife eh.. Buti na lang ako focus muna sa work..
Napatingin samin si Bianca ng masama pagkatapos sabihin yun ni Mr. Kang. Nakatingin sya na para bang kinakausap na niya kami sa mata at minumura na rin kami dahil hindi namin sinabi sa kanyang nandito yung ex niya. Yan na nga ba sinasabi ko sayo eh. Wag kang magagalit sakin kasi ako una na pumigil sayo kanina naku!!!
Bumalik ulit ng tingin si Bianca kay Warren at Mr. Kang but this time she's smiling yet has serious face. Sya lang nakakagawa niyan. Akmang magsasalita na sana si Bianca ng bigla namang nagring ang phone niya.
Tingininginingngining..📞📞
"Uhmm.. I'll just answer this but I'll be back." Paalam nya kay Mr. Kang saka tumango pero ni hindi man lang niya tinapunan ng tingin ang ex niya.
Nakahinga kami ng maluwag ng makalabas na si Bianca sa conference room. Nagkatinginan kaming apat dahil mukhang kami ang pagbubuntunan ng galit ni Bianca mamaya.
Actually kanina lang naman namin nalaman na si Warren pala na only ex ni Bianca ang bagong investor ng Alarie's Corp.
~Flashback~
Pagkatapos umalis nila Bianca, Chloe at ate Desiree ay naiwan kaming tatlo rito nina Francine, ako at ni kuya stranger.
"Kuya, I'm really sorry po dun sa mga kaibigan ko hah. Mababait naman po talaga sila lalo na si Bianca kaso po may problem po sya now eh." paumanhin ni Francine kay kuya stranger. Ako? Eto pinagmamasdan mula ulo hanggang paa ang lalaking nagtapat ng espada sa kaibigan ko.
"Bianca ba yung pangalan niya?" tanong ni kuya na tango lang ang isinagot ni Francine.
"Pero hindi porket may problema sya ibubunton niya sa iba. Kala ba niya sya lang may problema? Sus.. eh baka nga wala pa yang problema niyang yan sa problema ko eh" sagot ni kuya. You know? Napaghahalata ko si kuya. Para syang bakla. Mas mahaba pa yung sinabi niya sa sinabi ni Francine eh. At ang malala, parang isinisisi niya sa kaibigan kong hindi sya tinulungan nito.
"Eh bakit ka ba kasi sa kanya nahingi ng tulong hah!? Pwede naman kasi sa iba bat sa kanya pa. At tsaka ni hindi ka nga niya kilala eh tutulungan ka pa? Ano ka sinuswerte? Ikaw na nga lang nahingi ng tulong diba? May gana ka pang manisi pag dika tinulungan. Eh kahit ako naman eh.. kahit ako hindi tutulungan ang tulad mong mga walang modo!" maikling sabi ko sa kanya. Shocks! Dina ko nakatiis eh! Sisihin nya na lahat wag lang kaibigan ko noh?
BINABASA MO ANG
LOVE BETWEEN THE SUN AND THE MOON (Season 1)
Romance"Not all people who met are really destined" -- Bianca Almarie Alarie ~ Love Between the Sun and the Moon ~ by: Amlovesjuanelaaaa DISCLAIMER: TAGALOG PO ANG STORY haha.... d^_^b