kabanata 6

117 57 1
                                    

Start again.

Habang abala sila sa sala ay pumunta naman ako dito sa kusina para ipagtimpla sila ng inumin. Tsk. Kailangan pa ba ng juice? Eh umiinom sila ng alak. Kaya sandwich na lang ang ginawa ko.

Nagpahid ako ng palaman sa sandwich nang biglang may nagsalita.

"Mukang okay kana. Palagay na yata ang loob mo kay Joshart." nilingon ko yung nagsalita.

Si Nevil na nakasandal sa may pinto dito sa kusina habang hawak ang isang bote ng alak. Mapupungay na ang mga mata at halatang nakainom na nang medyo marami.

Bumalik naman agad ang tingin ko sa ginagawa kong sandwich at nagsalita.

"Siguro nga okay na ako at wala na akong nararamdaman na galit mula sa kanya o sa inyo. Ngunit ang ipinapahiwatig mong okay na kami ay malayo pa sa pinaka Okay."

"Then ano yung nangyari kanina? You look so close. Talagang nakipag agawan pa siya sakin at nag volunteer na siya ang mangsasakay sayo" tumawa naman siya ng marahan pero may kakaibang emosyon na mararamdaman mo sa tono niya.

He looks hurt.
Ipiniling ko na lang iyong isipan na iyon.

"Nakakapagtaka na ganoon ang trato niya sayo. Hindi ko maramdaman ang dating presensya niya na malamig at minsan nakakapangilabot. I think you change him. Ikaw ang magbabago sa kanya."

Binitawan ko ang hawak kong sandwich at bumaling sa kanya.

"What the hell are you saying? Na ako ang dahilan para magbago siya? So ano ba talaga siya dati?"

Ngumiti lang siya sa sinabi ko. Naasar naman ako sa ginawa niyang iyon. Bwisit niya talaga.

"Tania!"

Rinig naming dalawa sa may bungad ng pintuan at alam kong papunta na siya dito, si Joshart.
Agad namang hinawakan ni Nevil ang palad ko at para na kaming magkaholding hands, at yun ang eksena na nahuli ni Joshart.

Bumaba ang tingin ni Joshart sa kamay namin ni Nevil, pilit ko namang binabawi ang kamay ko sa kanya habang si Joshart naman ay ang sama ng tingin sa kamay naming magkahawak.

Nabitawan naman iyon ni Nevil nang bumaling ang nakakunot at nagtatakang tingin ni Joshart kay Nevil. Samantalang si Nevil ay hindi na lang iyon pinansin at tumingin sakin at bumulong.

*trust me* bulong niya at kinuha ang sandwich na ginawa ko papuntang sala.

Lumapit naman si Joshart sakin kaya agad ko ibinulsa ang kamay na hinawakan ni Nevil para itago doon ang sa tingin ko ay isang sulat. Nang hawakan kasi ni Nevil ang kamay ko ay alam kong may inilagay siya ditong papel.

"What's that?" takang tanong sakin ni Joshart kaya agad naman akong tumalikod at sumunod na din kay Nevil sa sala.

"Tania. Tinatanong kita. Ano yun?" marahan na tanong niya ngunit alam kong nagpipigil na lang siya na wag akong masigawan. Tumaas naman ang kilay ko na tumingin sa kanya.

"Ano bang pakialam mo? Hindi tayo close dahil ikaw lang itong lapit nang lapit at dinidikit ang sarili sakin. Kaya wala kang karapatan na mag tanong."

Matapos ko iyong sabihin sa kanya ay iniwan ko na siyang natitigilan sa sinabi ko. At nang alam kong malayo na siya sakin at malapit na ako sa sala ay agad kong kinapa ang sulat.

*Bukas nang gabi alas syete. Sa may playground. Trust me*

Tumaas naman ang kilay ko. So nakikipagkita siya sakin? Bukas ng gabi? E bukas sana kami pupunta ni Amie sa probinsya kaso lang hindi ko pa ito nasasabi sa kanya. Kaya ipopostpond ko na lang siguro iyon dahil alam kong maha-hang over yung babaeng iyon ngayon.

RAPED [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon