Bumaba kami sa isang mas mamahalin na restaurant. Libre naman niya kaya walang problema!
"c'mon"
Inakay ulit niya ako papasok habang nakapalibot yung kanang braso niya sakin.
Naghanap kami ng table na pwedeng pag pwestuhan at nakita ko yung isang table sa medyo madilim na parte o baka pinasadya talaga para sa mga taong ayaw sa sobrang liwanag at exposure kapag kumakain. Saktong pandalawahan kaya ako naman ang humili kay Joshart papunta doon.
"Why here? So dim." Joshart
"E sa dito gusto ko eh!"
"Okay fine. Dito gusto mo edi dito." Joshart.
Nakangiti lang ako ng malapad.
Habang hinihintay yung order namin, ang tahimik. Wala ni isa ang samin ang gustong magsalita.
Ilang minuto ang lumipas.
"I'm an ex convict" Joshart.
Halos lumuwa naman ang mata ko sa gulat. Natawa naman siya sa reaksyon ko at pinagpatuloy yung sinasabi niya.
"That night, bago mangyari iyon. Nasobrahan ang inom ko dahil na rin sa pagkawala ni mom. Napaaway kami sa bar, nandilim ang paningin ko at ginilitan sa leeg yung isang lalaking ang lakas humamon."
Sa sobrang gulat ko ay muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko. Medyo nakaramdam din ako ng takot sa kanya pero hindi yung takot na talagang ituturing siyang criminal. Its just that pinaghalong takot at kaba lang siguro.
"Dahil sa sobrang paghihina namin noon. I got jail in 3 hours. Pinalabas din ako agad dahil nasa akin ang pinakamagaling na attorney sa balat ng lupa." At ngumiti pa siya.
"Eh pano ka nakakasiguro na siya ang pinakamagaling na attorney sa balat ng lupa?" Medyo pabalang na sagot ko sa kanya.
Ipagyabang ba naman niya yun sakin? Samantalang kanina kung maka pagsalita parang wala nang pag-asa!
Nagkibit balikat siya.
"Dahil yun ang alam ko?"
Siniringan ko naman siya ng tingin.
Tinawanan lang ako. Bwisit!
"Here's your order sir, ma'am."
Inilapag niya ang maraming pagkain sa lamesa namin.
Pagtapos ay umalis na din ang waiter. Kumuha ng pagkain si Joshart at nilagay sa piggan niya.
"Sayo na yang natira" kumakain na.
"Huwatt!?"
"Ubusin mo lahat ng yan. Pag hindi mo naubos ikaw magbabayad. Hmmft!"
Aba't pinagloloko na ba niya ako!!?
Wala akong dalang pera pambayad diyan!"Ipapakain mo talaga lahat sakin ito? Hindi to kakayain ng bituka ko."
"Just eat" tapos ay nilagyan niya ang plato ko dahil hanggang ngayon ay wala parin iyong kalaman laman.
"Wag na lang. Ikaw na lang kumain."
Sinamaan niya ako ng tingin.
"You have to eat" ma-authoridad na sabi niya.
Huh! Anong akala niya? Magpapadala na ako sa mga ganyan niya? Hindi na!
Ipiniling ko ang ulo ko sa kabilang direksyon para sabihin na hindi ako kakain, hanggat bawiin niya yung sinabi niya kanina.
"Eat Tania."
Nahihiyang humarap ako sa kanya.
"W-wala akong pambayad." Mahina na bulong ko na rin.
![](https://img.wattpad.com/cover/235724775-288-k125584.jpg)