kabanata 5

133 60 6
                                    


Confused.

Tania Hidalgo's POV

"Tania!" huh? Nilingon ko naman yung tumawag sakin habang naglalakad ako. Balak ko kasing puntahan si Amie dahil yayayain ko siyang sumama sakin dahil may plano akong bumisita sa probinsiya namin. Gusto ko lang naman subukan balikan ang nakaraan. Babalikan ko ang lugar kung saan gumuho ang mundo ko at kung may mararamdaman pa akong poot at sakit ay susubukan ko na itong labanan. Kaya ko lang naman iyon naisip dahil kakaiba na ang pakiramdam ko kapag kasama ko si Joshart o si Nevil. Hindi ko na maramdaman ang poot at galit sa kanila. Minsan nga naisip ko na baka nga mas nakabuti ang makita ko ulit sila dahil mas gumaan ang pakiramdam ko kahit pa alalahanin ko iyon. Nabawasan ang mabigat na pakiramdam.

"Tania!" shit! Natutulala na naman ako.

"Ano bang kailangan mo Jeeward?"

"Wala naman. Saan punta mo?"

"Wala. Chupi nga! Wala yata mga kasama mo. Tsaka saan yung kotse mo?" saad ko at sumabay na din siya sa paglakad ko. Ngumisi na naman siya. Nakakaasar talaga ang pag ngisi niya. Halatang player.

"Kalalabas ko lang sa mall at nakita kitang naglalakad. At yung kotse ko nakapark pa doon sa kabilang parking lot. Kaya hindi na ako nag abala pa at tumakbo na lang para mahabol kita. Mukang may iba kang hinahanap ah" nang-aasar na saad niya.

Inirapan ko na lang siya at nag patuloy sa paglalakad at binilisan pa. Ngunit ako lang itong napapagod dahil sadyang malalaki ang mga hakbang niya.

"ano bang kailangan mo!?" Asar na ako dito ah! Sunod ng sunod!

"Dimo pa sinasagot tanong ko. Saan ba punta mo at naglalakad ka. Dimo ba alam na ang daming masasamang loob dito at pwede ka nilang pagtripan." Pangaral pa niya sakin.

Napahinto naman ako sa paglalakad at humarap sa kaniya. Siya din ay napahinto at tumingin sa akin ng nakakaloko. Tinaliman ko naman siya ng tingin.

"Para mo naring inilarawan yang sarili mo at ang mga kaibigan mo. Mahilig mang trip kahit mga bata na musmos pa lamang. Mga inosenteng tao na may sariling dignidad at respeto sarili at mga pangarap na nasira dahil sa kawalang hiyaan na ginawa sa kanya."  saad ko at mahahalata mo talaga doon ang mga hinanakit na naipon ko ilang taon na ang nakalipas.

Ngayon ko lang nasabi ang mga iyon dahil hindi ko masabi sabi kay Joshart dahil alam kong wala talaga siyang maalala. Kay Nevil na alam kong inosente at walang alam at kinalaman sa nangyari. Masyado lang siguro akong kinain nang galit kaya pati siya ay idinadamay ko.

Napansin ko ang paglandas ng sakit sa ekspresyon ng muka niya. Nawala na din ang mga natural na ngisi niya. Nang mapagtanto ko ang mga nasabi ko sa kanya ay bumalik na ako sa paglalakad habang nakatulala pa siya. Hindi naman kasi ako sanay manakit ng damdamin ng tao.

Madali akong makonsensya. Kaya bago ko pa bawiin ang mga nasabi ko ay umalis na ako palayo dahil bagay lang yun sa kanya.

Ang ipaalam ang mga pagkakamali nila na kung makalapit at makipag usap siya sakin ay parang walang nangyari sa nakaraan ko na nandun siya habang nanonood lang.

Napansin kong wala na siya. Nagkibit balikat na lang ako at ipinagpatuloy ang paglalakad sa gilid ng marami at maiingay na sasakyan. Malayo pa ang lalakarin ko sa condo ni Amie. Haaayys. Pero keri lang sayang pamasahe e.

"Peeeep!" Nagulantang naman ako sa busina na yun na sumabay sa paglalakad ko. Nang tinignan ko kung sino iyong driver ay nakita ko doon ang isang tao na naka shade pa. Tsk. Where's the sun bro?.

"Sakay na!" sigaw ni Nevil. Hindi pa sana ako sasakay kaso bumaba pa siya sa kotse niya at hihilain na sana ako pasakay sa kotse niya pero may bigla namang humuli sa isang kamay ko at nang napatingin ako sa mapangahas na taong ito... Isang demonyo pala hindi tao.

RAPED [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon