2
.
"Nice doing business with you Miss Artes" nakipagkamay si Iris sa kausap na sales agent.
Ngayong araw kasi nakuha na niya ang mga papeles na nagsasaad na sa kanya na ang bahay na nabili niya sa isang village. Isang malaking ngiti ang nakaplaster sa mukha niya habang tinungo ang nirentahang sasakyan sa isa niyang katrabaho.
Nang makapasok sa kotse ay kinuha niya ang isang litrato sa wallet nya.
"Look ate may bahay na tayo ni Kent! Kukunin ko bukas si Kent at si mama sa bahay, ate. Titira na sya sa magandang bahay. Naipa-enroll ko na rin sya sa isang private school."
Her sister died last year of tuberculosis. She was devastated that time. Hindi niya napagtuunan ng pansin ang kalusugan ng ate niya kasi kakasimula palang niya sa kanyang trabaho at hindi din sila nagkakausap masyado pareho kasi sila walang mga cellphone. Mula nang mamatay ang papa nila grade six palang sya noon habang ang ate niya ay kakatapos lang ng high school, ang ate na niya ang bumuhay sa kanila wala kasing pakialam ang nanay nila puro sugal ang inaatupag minsan lang umuwi sa bahay at kung umuwi man aalis din kaagad para mag sugal.
Hindi naman sila galit sa mama nila sanay na kasi sila, buhay pa ang tatay nila sumusugal na ito ngunit lumala lang nang mamatay ang tatay nila.
"Kung dito lang ako sa bahay lagi ko lang maalala ang tatay ninyo" dahilan nito lagi.
Lumuwas ng Manila ang ate at pumasok bilang kasambahay. Linggo-linggo umuuwi ito para magkasama kami, nung naghigh school wala na itong masyadong nagastos kasi nakapasok sya bilang scholar sa isang private school libre lahat at meron pang allowance kada buwan ngunit nang nag college na siya bihira na ang ate na umuwi, tinulungan naman niya ang ate para hindi ito mabibigatan para pag-aralin sya. Nagtatrabaho sya sa isang fastfood chain para may pera na din siya na magagamit tuwing may project, at scholar din siya.
Nang makapagtapos siya ang ate lang niya ang pumunta sa graduation kasi busy ang mama 'nya sa pagsusugal. Nakakalungkot pero okay lang at least nandoon ang ate niya na halos pitong buwan na niyang hindi nakikita.
"Iris Artes! Summa Cumlaude" malakas ang palakpakan ang maririnig habang paakyat siya sa stage nang makababa sa entablado sinalubong siya ni Ate Maria ngunit napa-urong siya mula sa paghakbang papunta sa kanila nang makita ang malaki nitong tiyan.
"Oh my God! Buntis ka ate?" Di makapaniwalang tanong niya Wala naman itong sinabi na may boyfriend na ito.
"Sorry, Ris hindi ako makakapag- aral tulad ng plano" naiiyak nitong sabi habang nakayakap sa kanya. Plano kasi nila na pagkatapos n'yang mag-aral ito naman ang susunod.
"Okay lang,ate"
Nagyakapan pa sila pagkatapos nag graduation ceremony. The baby is a blessing. For sure, magiging mabuting ina ang ate n'ya.
"Sino tatay ni baby ate?" Tanong ni Iris habang hawak ang malaking tiyan ng ate
"Si Roy driver nina Ma'am"
"Asan si Kuya Roy, ate?"
"Andun hinatid si Sir sa airport gusto sanang sumama para makilala ka pero may trabaho eh"
"Okay lang next time nalang, ate. Wow! may pamangkin na ako! Lalaki o babae, ate?" Excited nya pang tanong
"Lalaki daw e"

BINABASA MO ANG
Jason Young [Completed]
RomanceThe Jayson Young- ang pangalan na ibinigay ni Iris sa kinamumuhiang lalaki. She doesn't like him. One, he's a player. Two, she hates his guts. Three, pabago-bago ang isip. Four, her heart beats faster than the normal beating whenever he's around. Hi...