6-Yaya

315 12 0
                                    

6




Nakatulog si Kent sa balikat ni Iris, napuyat siguro sa kakaiyak. Hindi niya alam kung saan ilagay ang ang kanyang sobrang kasayahan ngayon. Ang akala niya kamumuhian siya ng pamangkin. Ang akala niya nakakalimutan na siya nito.



Sinayaw-sayaw niya si Kent para mas magiging mahimbing pa ang tulog. Sobrang na miss niya ang pamangkin. Lahat ng bigo at hirap niya sa nagdaang walong buwan nakalimutan na niya.



"I won't accept you as a nanny for my, son" nilingon niya si Jayson. Nakatayo na ito sa swivel chair na kinauupuan kanina. She totally forgot that he's there in the room.


"Pamangkin ko si Kent" matigas niyang sabi.


"Well if you don't knew about this... news flash, He is my son!"



If she hated him way back in highschool... She hated him more today. Naalala niya ang sinabi ng kanyang attorney na hindi niya basta-basta mababawi ang pamangkin kung legally adopted na. Pero wala siyang nakitang record. Hanggat wala siyang nakitang record may pag-asa pang mabawi niya ang pamangkin.


"Walang record na legally adopted ang pamangkin ko"



Natawa ito nang puno ng pang-iinsulto. Tawang sinasabi na ang tanga niya.



How she wanted to punch his head!



"Records for adoption is highly private. Hindi mo basta-basta nalang mahihingi"





Natigilan siya. Walang siyang maisagot. She knew about that but she just set it aside. Wala siyang magagawa sa ngayon kung hindi maging yaya kay Kent para makasama ang pamangkin araw-araw.



She didn't give up looking for her nephew kahit alam niyang malabo niyang makita ito noon. Ngayong nakita na niya at nahawakan, she won't give up easily. Never!


"Anong gagawin ko para mahire akong yaya ni Kent"


"My son doesn't need yaya"



Ang bilis yata magbago ng isip nito? kakasabi lang nito kay Lyka na kailangan nito ng yaya.


"Pamangkin ko siya. Maalagaan ko siya ng maayos." Pilit ni Iris





"Go home now"



"Please..."



"As I told you, my son doesn't need a nanny. I can take good care of him alone"



Kailangan na ba niyang magmakaawa? Lumuhod? She would do that for her nephew.




Inilapag niya ang pamangkin sa mahabang sofa. Hinalikan niya ito sa noo bago hinarap ulit si Jayson. Tiningnan niya ito sa mata at dahan-dahang lumuhod sa harapan nito. Binaba na niya ang pride, ang kahihiyan... lahat ng pwedeng ibaba niya basta lang makasama niya ang pamangkin.


"Please... I want to be with my nephew... siya na lang ang meron ako..." pinigilan niya ang sariling hindi maiyak ngunit bigo siya. Nag-uunahang tumulo ang kanyang mga luha. "Ibenenta siya ni Mama ng hindi ko alam... hindi ko alam... umuwi ako isang araw wala na ang pamangkin ko sa amin... si Kent nalang ang natirang alaala ng ate Maria at kuya Roy... please" wala na siyang pakialam kung kaawa-awa ang lagay niya. Si Kent lang ang mahalaga ang importante. Kung gusto nitong halikan ang lupang tinapakan nito gagawin niya. She's willing to do anything.



"N-no"



Bigong sapo niya ang mukha ng dalawang kamay, naghihinang napaupo siya sa sahig at napahikbi. Gusto niyang sumigaw sa bigat ng dibdib niya, hindi siya makahinga sa sakit. Nasa harapan na niya si Kent pero hindi niya pwedeng makasama ito. Nahihirapan siya. Ano ba ang nagawa niya noon? Saan ba siya nagkulang para paghiwalayin sila ni Kent? Can't someone hear or see her that she's suffering? Wala ba talagang awa ang tadhana niya? Hindi ba siya pwedeng sumaya? Bawal ba siyang sumaya? Lahat ng mahal niya iniwan siya. Una ang tatay niya, pangalawa ang kuya Roy niya, pangatlo ang Ate Maria, pang-apat trinaydor siya ng mama niya ngayon naman pati ang nag-iisang natira sa buhay niya bawal din niyang makasama?




Jason Young [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon