25-Okay

292 9 0
                                    

25




“Anong meron dito, Jayson?” tanong ni nanay Lukring nang makitang karga niya ang pamangkin na kagigising lang. Nasa likod niya ang bag. Bitbit rin niya ang gamit na binili niya para sa pamangkin.



Iyon lang gusto niyang dalhin. Ayaw niyang dalhin ang mga gamit ni JK na binili ni Jayson at nang kung sino pa man.



Nakasunod sa kanila si Jayson, hila ang maletang may gamit ni Kent. He insisted that she should bring it. Hindi siya nakipagtalo dito. Plano niyang ipabalik iyon kay kuya Jun pagkatapos nilang mahatid sa bahay.



“Mamaya na, nay” sagot ni Jayson sa matanda



“Iris?”


“Aalis na kami ng pamangkin ko, nay” mahina niyang wika.




Nanlaki ang mga mata nito sa sinabi niya




Hindi na niya ito tiningnan pa at deritsong naglakad palabas ng bahay ni Jayson.





“Where are we going, tita-mommy”





“Home, baby”





“Home?”






“Yes”





Hinalikan niya ang ulo ng pamangkin.




“Without, daddy?”

‘He’s not your daddy’ gusto niyang sabihin




“Yes”


“Why, tita-mommy”




“Just… because”



Nakita niya sa gilid ng mata ang pagsunod sa kanila ni Jayson at nanay Lukring. Pumasok siya sa sasakyan kaagad.

Mabilis niyang sinarado iyon.


She doesn’t want to see Jayson’s face. Galit siya ngayon sa lahat.


Pumasok si kuya Jun sa driver seat. Pinaandar ang sasakyan.


Ngunit bago pa sila makaalis, bumukas ang pintuan sa kanyang gilid. Amoy pa lang hindi na niya kailangan tingnan.


“Can I visit?”


Hindi niya nilingon ito. Hindi siya sumagot. Umakto siyang walang narinig.


Ang nakayakap sa kanyang leeg na si Kent ang sumagot dito.


“Daddy?”


“Take good care of your tita-mommy, son. Okay?”



“Okay, daddy”


“I love you” huli niyang narinig mula dito bago sumara ulit ang pintuan.

She fight her urge not to look at Jayson.


May parte sa kanya na gustong patigilin ang sasakyan at bumalik kay Jayson. Sa mga bisig nito. Pero hindi pwede.



Tahimik ang biyahe. Walang nagsasalita kahit ang pamangkin. Mahigpit lang ang yakap nito sa kanyang leeg.


“Ma’am, ang gamit po ni JK?” si kuya Jun pagkababa nila.


“Hindi na, kuya. May gamit na si Kent sa loob. Pakidala nalang ang mga ‘yan pabalik.”

Hindi na niya hinintay makasagot ito.

Jason Young [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon