11
Napahawak si Iris sa kanyang dibdib pagkasarado niya sa pintuan ng kanyang kwarto. Nagtataka siya kung bakit sobrang bilis ng tibok ng kanyang puso nang mahawakan siya ni Jayson kanina. Hindi naman siya ganon noon. Bakit bigla nalang tumibok ang kanyang puso na para bang patay ito na biglang nabuhay. Isang hawak lang nito sa braso niya at tila ba nagising lahat ng tulog sa kanyang katawan. Hindi niya alam kung ano at kung bakit.
Iyon ang kauna-unahang beses na tumibok ang puso niya ng sobrang bilis dahil sa simpleng hawak lang sa kanyang braso. At hindi pa niya matanggap dahil iyon kay Jayson. Ang playboy, paasa, feeling gwapo at hambog na The Jayson Young.
Baka bumilis ang tibok ng puso niya dahil naiinis siya sa binata? Nainis naman siya ng sobra noon pero hindi naman tumibok ang puso niya ng ganon kabilis.
Nanghihina ang mga tuhod niyang tinungo ang kama at pabagsak na humiga. Ibinaon niya ang mukha sa unan para sakaling makatulong na bumagal ang pagtibok ng puso. Hindi nga siya nagkakamali, unti-unting bumalik sa normal ang puso niya.
At nung tuluyan na talagang maging normal ang tibok ng puso, nag desisyon na siyang maligo para makatulog. Siguro sa sobrang antok at inis lang siguro niya kay Jayson kaya naging abnormal ang sistema niya. Baka kailangan na niyang matulog at baka bukas ma figure out niya na sa inis at puyat lang iyon.
Maaga namang nagising si Iris kinaumagahan. Birthday ngayon ni Kent, plano niyang gumising ng maaga para siya ang unang makabati dito. Nakalimutan na niya kagabi ang pagiging abnormal ng puso niya, ngayon parang patay ulit ang kanyang puso at tumibok lang para mabuhay ang katawan niya.
Masayang tinungo niya ang kwarto ni Kent bitbit ang regalo niya sa pamangkin na i-norder niya sa online dahil wala siyang oras pumunta ng mall. Sa halos limang buwan niya bilang yaya ng pamangkin hindi siya ngday-off. Nakapagpahinga naman siya kapag tulog ang pamangkin kaya hindi na niya kailangan iyon.
Pagkarating sa kuwarto ni Kent maingat niyang binuksan ang pintuan nito. Sigurado siyang tulog pa ang pamangkin dahil usually alas otso pa ang gising nito kapag walang klase. Alas siyete palang ngayon.
Iris tiptoed as she slowly entered Kent’s room.
Madilim ang kuwarto ng pamangkin. Ang huling alala niya ay binuksan niya ang lampshade sa gilid ng kama nito para bigyan ng kaunting liwanag ang kuwarto.
‘Maybe Jayson turned it off last night’ napaisip siya. Ipinagkibit balikat lang niya iyon
Mga maliliit na hakbang ang ginawa niya patungo sa kama ni Kent. Hinalikan niya ang noo nito…
“Good morning, baby… Happy birth-“ natigilan siya
Hindi amoy ni Kent ang sumalubong sa kanyang ilong at lalong hindi ang malambot na balat ni Kent ang tumama sa kanyang labi. Mabilis ang hakbang niya paatras mula sa kama. Sapo ang kanyang bibig at nanlaki ang kanyang mga mata.
“Shit!”
“Hmm…” natuptop niya ang noo pagkarinig ng mahinang ungol ng isang lalaki. Frustratingly she is so sure that it wasn’t Kent.
Nagmamadaling tinungo niya ang pintuang salamin ni Kent upang hawiin ang kurtinang naroon. Kailangan niya ng kaunting liwanag para masigurong hindi lang sila ni Kent ang nasa loob, kahit siguradong-sigurado na siya. Pagkahawi tiningnan ulit niya ang kama.
And there Jayson was lying beside Kent! Ang nakakahiya pa ay mulat na ang mga mata nito at nakatingin sa kanya. Nagkasalubong ang kanilang paningin. Nanlaki ang mga mata niyang nakatitig kay Jayson.

BINABASA MO ANG
Jason Young [Completed]
RomantiekThe Jayson Young- ang pangalan na ibinigay ni Iris sa kinamumuhiang lalaki. She doesn't like him. One, he's a player. Two, she hates his guts. Three, pabago-bago ang isip. Four, her heart beats faster than the normal beating whenever he's around. Hi...