21- Rob

299 12 0
                                        

21



Tulala pa rin si Iris kahit na nakalabas na si Jayson sa kanyang kuwarto dahil may tumawag dito. Isang malalim na hininga ang pinakawalan niya. Gusto niyang hindi paniwalaan ang sinabi nito pero iba ang gusto ng puso niya.

She's indeed in love with him!



Tila ba napanatag ang puso niya nang inamin niyang mahal ang amo. Hindi na niya pwedeng ipagkaila iyon.

The last words he spoke almost burst her heart. She's 27 now, and yet she wanted to jump on her bed to calm her system, like a teenager.


Buti nalang lumabas si Jayson, hindi nito nakita ang mga ngiti sa kanyang labi habang tulala sa kanyang kinatatayuan. That would really be embarrassing.



Nang maikalma ang sarili, mabilis niyang inimpake ang kinakailangan niya sa outing. Ilang necessities lang naman ang kailangan niya.


Nang matapos lumabas siya ng kanyang kuwarto at tinungo ang kuwarto ng pamangkin, dala niya ang kanyang bag.

Sakto naman pagbukas niya ng pintuan sa kuwarto ni Kent ay gumising na ito. Isang masiglang bati ang natanggpan niya mula rito. Halatang excited. Pinaliguan at binihisan niya si Kent.

Bumaba na din sila pagkatapos. Dala niya ang kanyang bag at hawak niya sa kamay ang pamangkin pababa. Nasa loob na ng van ang mga gamit ni Kent kaya hindi siya nahirapan.



Pagkarating nila sa dining area, naabutan nila si Jayson na naglalagay ng plato sa lamesa. Nagtaas ito ng tingin sa kanila at ngumiti.



She's about to give him a smile too when it strike in her mind that maybe it's awkward... for her part.

Kasi kung iisipin niya ng mabuti, masyado siyang malamig dito mula noong unang araw. Tapos, ngingiti lang siya ngayon ng bigla?

"Have a sit, everyone and let's eat!" masiglang sabi nito.

Nanatili sa mukha nito ang mga ngiti.

Nagiwas siya ng tingin kay Jayson. Kung noon walang epekto sa kanya ang mga ngiti nito, ngayon ay parang ninakawan siya ng hangin. Hirap siyang huminga.



"Daddy, saan po si mami La and papi Lo?"



"They will follow us tomorrow morning, son. They still have a meeting to attend today"



Halos nanigas siya sa kinauupuan. Isa lang ibig sabihin... silang tatlo lang ang magsasama mamaya! Gusto niyang itanong kay Jayson kung ilang room ang kinuha nito, at kung isa lang, pwede kaya siyang tumabi kay Kent, and for sure, magkatabi rin ang dalawa?! Sa sofa kaya s'ya? Or she could get her own room that's connected to Kent's room. Kaya naman niyang magbayad.


Napatango siya sa kanyang naisip. Tahimik lang siyang kumain. Pilit niyang inignura ang maiinit na titig ni Jayson sa kanya. Itinodo niya kung ano pang lakas ang natira sa kanyang katawan para lang hindi mapatingin kay Jayson. Kung yelo lang siya ay kanina pa siya tunaw.

Hindi niya alam kung paano niya naubos ang kanyang pagkain. Hindi niya ramdam kung paano niya nginuya at nilunok 'yon.

"Iris, can you pass me the bacon... please" napanganga siya sa kanyang isipan.


Talagang nananadya pa talaga ang bwisit niyang amo!  Mabigat ang tingin niya sa bacon na nasa kanyang harapan. Kung hindi lang tamad si Jayson at kaunting unat lang ng kamay nito siguradong maabot nito ang pagkaing hinihingi.


Jason Young [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon