17- Dress

275 13 0
                                        

17



"Sige na, Ris! Pipick-upin ka namin ni Anton dyan sa bahay ni Jayson"




Pamimilit ni Lyka habang kausap niya ang kaibigan sa cellphone. Kakagising lang niya nang tumawag ito. Isasama daw siya sa pagsukat ng gown para sa nalalapit nitong kasal. Ang magaling na babaeng 'yon hindi man lang sinabi na siya pala ang gagawing maid of honor nito! Ang akala niya ay isa sa mga kapatid nito ang magiging maid of honor.





"Susukatan ka rin din pagdating natin doon, Ris! Sige na"





"Hindi ako pwede, Lykey bebe. Walang magbabantay kay Kent dito."




Naglalakad na siya papuntang kuwarto ng pamangkin para gisingin na ito. Ang isang kamay ay hawak ang kanyang cellphone na nakatapat sa kanyang kanang tenga. At ang kabila naman ay nakahawak sa doorknob ng pintuan sa kuwarto ni Kent para buksan.





"Magpaalam ka kay boss Jayson. Siya muna ang magbabantay sa pamangkin mo. Hindi ka pa nakapag day-off simula nang pumasok ka dyan! Hindi na rin tayo nagkikita"




"Kung magdaday-off kasi ako, Lyks kailangan ko pa ng one week prior of notice. Hindi ako basta-basta makakaalis."




"Sus! Sasabihin ko kay Anton na tawagan si Jayson para payagan ka!"



"Lyka no!" pero huli na naibaba na nito ang tawag. She tried to call her again but she didn't answer. Naipadya niya ang paa.



Tuluyan na siyang pumasok sa kuwarto ng pamangkin. Natigilan siya sa tuluyang pagpasok nang makitang gising na si Kent at kasama nito si Jayson na naglalaro ng dinosaur sa ibabaw ng kama nito.


Napatingin ang dalawa sa kanya. Gumuhit ang magandang ngiti sa mukha ng pamangkin.


"Good morning, Tita-mommy!"

"Good morning, baby" sagot niya ng makabawi.

"Good morning" ibinaling niya ang tingin sa nagsasalitang si Jayson.



"Morning"

"Anton called" nanlaki ang kanyang matang nakatingin dito.




Lyka really asked Anton to call Jayson! Kung nasa harapan lang niya ang kaibigan kanina pa niya ito nahampas.




"He asked if you could come with his fiancée today"


"Katatawag lang ni Lyka sa'kin"







"You want to go?"




"Walang maiiwan kay Kent"



"We can accompany you there. I also need to get my measurements for my suit. We could go there together"




Tumango siya.





Itinext na rin niya ang kaibigan tungkol sa pagsama ni Jayson at Kent sa kanya. Lyka replied with 'okay' and texted her the name and address of the place.




Halos isang oras ang ginugol nila sa daan dahil sa traffic papuntang boutique na itenext ni Lyka. Si Kent at Jayson lang ang nagsasalita sa biyahe. They would ask her from time to time, and she would answer short and direct. Iyon ang nakasanayan niya kapag nasa malapit si Jayson. Ayaw niyang magsalita ng marami sa harap nito.




Dumating sila sa boutique na nandoon na si Lyka, pagkarating nila ay tsaka naman ang pag-alis ng mga kapatid nito. Iris greeted Lyka's sister then went inside. Nauna na ring pumasok si Jayson at Kent sa kanya.





Jason Young [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon