15- Smile

268 10 0
                                    

15




“I-I did left him” tulala si Iris.




Hindi niya kayang tingnan si Jayson. Alam niyang mababaw ang rason niya kung bakit hindi niya nalaman kaagad na pinamigay pala ng mama niya ang pamangkin.



“Tell me why?” nilingon siya si Jayson. “Tell me your story”





“It’s shallow”






“I don’t care if it’s shallow or not. Just tell me.” Malalim siyang napahinga. She’s afraid he might laugh at her reason. She’s afraid of his opinion and she doesn’t know why she’s afraid.


“Where will I start?” binawi niya ang tingin dito. Binaba niya ang paningin sa sapatos na suot.



Her bestfriend is the only one who knew what her story. She understand her because they are close. Hindi niya alam kung maiintindihan ba siya ni Jayson.



“Bakit hindi ka bumibisita kay JK. Manila is not that far from your province.”




“I was working. 24/7. Gusto ko makapag-ipon kaagad ng maraming pera para makasama ko si Kent at si mama dito sa Manila. Nagtiwala ako kay mama na inalagaan niya si Kent ng maayos. Nagpadala ko buwan-buwan ng kalahati ng sweldo ko.” Huminto siya. Tinanaw niya nag classroom ng pamangkin at malungkot na napangiti.



“I called mama everyday to check on them. Sinasagot naman niya ang tawag ko. Nakakausap ko si Kent din pero mga dalawang buwan hindi ko nakakausap si Kent ang sabi ni mama lagi tulog daw si Kent. Puyat sa paglalaro, I believed her. Hindi ko alam na wala na pala siya sa bahay. Pinambayad na niya sa utang”



Tumawa siya ng hilaw.


“Sugarol si mama. Noon pa na hindi pa sila kasal ni papa. Lumala na’ng mamatay si papa.” She heavily sigh “Huminto siya nang mamatay si ate maria para bantayan si Kent, while I work here in Manila. Akala ko…” napailing siya “Akala ko talaga huminto na siya. Nalaman ko lang lahat two days before Kent’s fourth birthday. I took a one week leave. Nakabili ako ng bahay dito para sa’min. I went home but I was too late… Pagkauwi ko ang sabi ng mga kapitbahay namin na nagsusugal daw ulit si mama pagkaalis ko. She would left Kent in our house. Alone” tumulo ang isang butil ng luha niya. Naglalaro sa utak niya kung anong hirap ang naranasan ni Kent sa poder ng ina niya.

A three years old Kent, alone in the house. Hungry and can’t do anything to fulfill his stomach. She wiped her cheek with her hand.



“Ibinenta niya si Kent para may maipambayad siya sa kanyang utang sa sugal. Galit ako sa kanya hanggang ngayon galit na galit pa rin ako. I can’t talk to her nor face her”

“I’m sorry” mahinang sabi ni Jayson. Naramdaman niya ang kamay nito na hinahagod ang likod niya.



Pinaalis niya iyon. She doesn’t need his comfort.



Umawang ang bibig nito sa kanyang ginawa. Agad din na nakabawi at pinatong nalang ang kamay sa hita nito. He’s still looking at her.



She doesn’t need it…



It might melt her anger towards her mother. Hindi pwede iyon. Kailangan niya ang galit na iyon para mailayo niya si Kent sa ina.


“I was thankful nang malaman kong nasa mabuting kamay napunta si Kent. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari kapag napunta ang pamangkin ko sa mas malalang sitwasyon kaysa sa poder ni mama” ngumiti siya kay Jayson, for the first time. “Thank you.”




Jason Young [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon