7-Weirdo

297 12 0
                                        

7




Wala na si Lyka pagkalabas nila sa opisina ni Jayson. Maaga itong sinundo ni Anton. Pumasok ito sa opisina ni Jayson para ibigay ang bag at helmet niya at para na rin magpaalam na uuwi na kasama ang fiancée nito. Nakasunod lang siya sa likuran ni Jayson habang karga nito si Kent.




Mabilis silang nakarating sa basement kung saan nakapark ang sasakyan ni Jayson. Nakaabang na din ang nakaunipormeng lalaki na sa tingin niya ay ang driver nito. Nang malapit na sila pinagbuksan ng driver sila Jayson. Tinungo naman niya ang kanyang motor na nakapark katabi ng sasakyan ng binata. Isinuot niya ang helmet at sumakay sa motor. Medyo tumaas ang dulo ng kanyang dress, lumantad ang hita niya kaya inayos niya. Wala ring silbi dahil bumabalik pa din ito sa dati. Sa sobrang saya at kaba niya kanina hindi na siya nakapagpalit ng damit.



“What the heck are you doing?!” napalingon siya kay Jayson na nakatayo sa may pintuan ng SUV nito. Nakaharap ito sa kanya ang mga kamay ay nasa beywang.



“Susunod po ako sa inyo, sir. Hindi ko po pwedeng iwan ang motor ko" Actually, pwede naman niyang iwan ang motor niya doon. Hindi din kasi siya sigurado kung pasasabayin siya ni Jayson sa sasakyan nito.




“And you will leave my son? You are his yaya” pinigilan niya ang mata na hindi mapaikot dito. Pwede namang convoy. Kita pa rin naman niya ang pamangkin dahil hindi tinted ang sasakyan nito.




“Can I ride with Tita-mommy, daddy? Gusto ko po ride ng motorcycle” masiglang singit ni Kent na nasa loob na ng SUV


“No, JK it’s dangerous” napailing nalang siya at pinaandar ang makina ng kanyang XRM.



“Iris! Samahan mo ang anak ko!” malakas na sigaw ni Jayson. Binalingan nito ang driver “Jun, ikaw na ang magdrive sa motor niya”


Lumapit ang driver nito sa kanya. Hinubad niya ang helmet at ibinigay sa driver ni Jayson. Lumapit siya sa sasakyan ni Jayson. Aakmang bubuksan niya ang pintuan sa likod nang bumaba ang binatana sa driver side kung saan nakaupo na si Jayson.



“Seat in the front seat. Don’t make me look like your driver!”



Poker face siyang naglakad papuntang front seat. Hindi niya pinakita dito ang inis niya at masesanti pa siya.


‘Samahan mo ang anak ko! Ngayon namang sasamahan ko si Kent sa front seat ako pauupuin! Hirap intindihin ng unggoy na ito’ lintaya nalang niya sa isip




Hindi pa man niya na isuot nang tuluyan ang seatbelt nagsimula nang magdrive si Jayson. Sobrang pigil ang ginawa niya sa sarili para hindi umikot ang mga mata niya. Nilingon niya si Kent sa likod para i-check kung okay lang ba ito. Nakaseatbelt din ito at naglalaro sa laruang dinosaur. Nang masigurong wala itong problema sa likod umayos siya ng upo.


“Saan ang bahay mo? Para makakuha ka ng gamit mo?”




Sinagot niya ang binata ng hindi ito tiningnan. Ayaw niyang makita ang mukha nito dahil mas madagdagan pa ang kanyang inis. Tahimik lang nag biyahe nila papuntang kanyang bahay. Nang makarating bumaba siya para pagbuksan si Kent. Dumating na rin si Kuya Jun sakay sa kanyang motor.



“Ma’am mukhang kailangan ninyong ipacheck ang motor ninyo, mahina na po ang kapit ng break” wika ni kuya Jun pagkabigay ng helmet niya.




“Ganon po ba? Hindi ko po kasi alam. Pero okay naman po gamitin?” napakamot siya ng ulo habang karga si Kent. Simula nang nabili niya ang kanyang motor hindi pa iyon nasira o baka hindi lang niya alam na may sira?


Jason Young [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon