Basta Gwapo Manloloko
"Sorry"
I glared at Zia angrily. Paano ba naman Kasi kakaharot nilang apat natapunan ni Zia ng coke yung plates ko!
Sinabi kona sakanila kanina na wag magulo dahil baka malukot yung ginagawa ko. Hindi nga nalukot, nasira naman.
Tumayo ako mula sa kinauupuan at mag lalakad na sana palayo sakanila pero bigla akong tinawag ni Max.
"Oy Frixy" rinig kong tawag nya sa pangalan ko.
Hindi ko nalang sila nilingon at nag lakad na palayo. Pasahan pa naman bukas ng plates. Tapos kona sana, wala na dapat akong gagawin pag uwi pero dahil sa nangyare parang hindi na naman ako matutulog ngayong gabi. Napaka malas naman oh!
Nag taxi nalang ako pauwi sa condo unit ko at nang makarating ako ay agad kong nilapag ang mga gamit na dala ko sa lamesa.
Kumuha ako ng tubig at uminom. Pag katapos non ay nag palit muna ako t-shirt at pajama sabay nilakasan ang aircon.
Napag pasyahan kong sa kwarto nalang ako gagawa ng plates dahil mas malamig doon at walang maririnig na kahit anong ingay.
Pag kapasok ko sa kwarto ko ay nilock ko ang pinto at nag patugtog para naman ma relax ako kahit papaano.
Sinimulan konang gawin ang mga plates.
Mag aalas dose na ng madaling araw ng matapos ako sa pag dadrawing. Nakailang ulit din ako doon at sobrang pagod ng kamay ko.
Lumabas ako saglit ng kwarto at nag hanap ng makakain sa kusina. May nakita akong strawberry cake at soda kaya ayun nalang ang kinain ko. Madaling araw nadin kaya wala na siguro akong ma oorderan na mapag bibilan ng makakain.
Binuksan ko ang TV sa sala at nanood ng Netflix habang kumakain.
Pag katapos kong kumain ay inayos kona kaagad ang pinag kainan ko.
Ready na akong matulog pero bago ako makapikit, ng nasa higaan na ako. Chineck ko muna ang cellphone ko. Exactly 2:00am na pala hindi ko man lang namalayan.
Pinilit kong matulog sa ganoong oras at nagawa konga.
.....
It's already 6:00am and I'm ready to go to school. Before I locked my condo unit, I checked my things first kasi baka may naiwan ako pero wala naman kaya bumaba na ako ng building at pumasok na.
6:45 na ng makarating ako. Wala pa ang prof namin dahil 7 pa naman start ng first class namin. Buti nga natapos ko yung apat na plates dahil unang subject pa naman pasahan namin non.
Maagang natapos ang first class namin dahil pinapasa lang naman ni sir ang mga plates na pinagawa nya saamin.
Hindi ko pinapansin sila Zia hanggang matapos ang klase. After ng first class ay vacant pa Naman kaya napag pasyahan kong pumunta sa coffee shop malapit sa school.
Bago pa man ako makalabas ng room at hinatak na ako ni Zia at iniharap sakanya.
"Frixy sorry na, hindi ko naman sinasadya eh" maamong sambit ni Zia saakin. Nakita ko sila Zhen na nag tathumbs up sa likod ko.
"Ok lang wala yon" matamlay na sagot ko sakanya at ngumiti para makumpirma nyang ok na.
"Bat ang tamlay!" Sigaw ni Zhen mula sa likod at nag lakad sya papuntang harapan ko.
"Are you drunk?" Nag aalalang tanong ni Kyra saakin.
"Hindi" malamig na tugon ko sabay talikod sakanila.

YOU ARE READING
Wild Mind Downfall
Teen Fiction" It's unnecessary but atleast I tried tasting his lips"