Chapter Eleven

3 5 2
                                        

Promise Me You Won't Leave Me

Balik school na naman at lutang ako buong araw. Ni hindi ko nga maintindihan itong literature namin eh. Iba na yung takbo ng utak ko eh.

"Miss are you with us?" Napatingin ako sa babaeng nag sasalita sa harap na ngayon ay papalapit nasaakin.


"Yes po"  magalang na sambit ko at tumayo.


"If you're really with us dapat nasagot mo itong itatanong ko, I saw you siguro lumilipad yung utak mo ngayon" pag papahiya niya saakin at nakita ko si Kyra na nakangisi saakin. Nag tawanan naman ang mga kaklase kong walang ibang gawin kundi ang tumunganga.


"Ok?" Mataray na sambit ko sa teacher. Tangina sino ba tong babaeng to.


"Ok first question" tumayo ako ng matuwid kasi baka siya yung mapahiya eh.

"Why is Phillipine literature important?" Unang tanong niya na sinagot ko.


"It allows people to learn about where they come from and how past events work to shape the different culture" sagot ko sakanya at tinanguan niya. Uupo na sana ako nang mag salita ulit siya.

"Example of literature book?" Tanong niya at nginisian ako.

"Noli Me Tángere by Jose Rizal" walang ganang sagot ko.

"Who is the Father of Phillipine literature?"

"Jose Garcia Villa" napairap nalang ako dahil sa kaartehan niya.

"Good, next time tumingin ka sakin at hindi sa bintana" nag lakad na ulit siya at nag turo.

Natapos ang isang subject namin na wala manlang akong naintindihan kahit onti. Haysss



"Why lutang?" Lumapit si Kyra saakin at tinapik tapik ako.



"Ewan ko doon bat ako yung ginaganon. Simula dati galit na galit siya saakin di ko naman inaano" pareho kaming tumawa at nag lakad na palabas ng classroom.

Habang nag lalakad kami sa hallway ay may tumawag saamin ni Kyra.


"Frixy! Kyra! Waittt!" Sigaw ni Max at hingal na hingal na lumapit saamin. Si Zia naman ay parang tangang nag lalakad na akala mo ay hindi namin siya hinihintay. Nang makalapit siya saamin ay binatukan siya ni Max.


"Gaga ang bagal mo, kasing bagal mo yung pagong!" Inirapan lang siya ni Zia at nag lakad na ulit kami.


"Si Zhen na text, nasa tapat daw siya ng Main Gate" napatingin kami ni Max kay Kyra nang sabihin niya iyon.

"Bilisan niyo ang bagal!" Sigaw ni Zia na ngayon ay nauunahan na kami.

Binilisan nalang namin ang pag lalakad hanggang sa makarating kami sa Main Gate kung nasaan si Zhen.


"Korean Grills tayo" sambit ni Zhen pag ka lapit namin sakanya.



"Sige game ako" agad na pag sang ayon ko sakanya at lumapit.

"Half Hour pa pala yung Biyahe papuntang school nila Art eh" wala sa huwisyong sabi ni Zhen kaya napatingin ako sakanya.

"Saan ba?" Curious na tanong ko at tinignan nila akong apat habang nakangisi.


"Curious na curious ha" pang aasar ni Zia.

"Sprcky University daw" sambit ni Zhen at napa tango nalang ako.



Wild Mind DownfallWhere stories live. Discover now