Past
My heart beats fast when he said those words. Seryoso ba siya sa sinasabi niya?
Damn this guy's he gives me so much butterflies in my stomach. Gusto kong isipin na joke lang Yun pero ayaw makisama ng utak ko masyado akong pinag tataksilan.
"Andami nong sinasabi tara na" sambit ko na parang hindi ko narinig ang sinabi niya at pag amin niya. Hinatak kona siya papunta sa kusina para kumain na.
"Napatagal ata kayo? Sambit ni Zia na parang iniimbistigahan kami.
"Can you let go of my hand?" Bulong ni Art saakin at napatingin ako sa kamay naming mag kahawak. Agad ko itong binitawan at umupo na.
"Have a seat Art" mariing sambit ni daddy habang nakangiti kay Art.
Tangina? Ginayuma niya ba si mommy and daddy? Pati nga kaibigan ko? O sadyang set up kang to!
Nauna na akong kumain sakanila. Nakita kong sumunod naman si Art sa sinabi ni Daddy at sinabayan na din niya akong kumain.
Wow ha masunuring bata. Sana all masunurin hay nako.
"How does it taste?" Tanong ni Max kay Art at saakin nang isubo ko Ito.
"Pretty good" sambit ni Art saka bumaling saakin.
"Lasang pag kain naman" walang gana kong pamimilosopo sabay ngiti.
Tama naman yung sagot ko na lasang pag kain eh epal talaga si Art makatingin akala mo nang aakit eh!
"Sana ok kalang" bulong ni Zia saakin at ngumisi.
"Ikaw, mamaya hindi kana ok dahil papatayin na kita" pabalik kong bulong sakanya at nginitian siya.
Binalewala niya lang ang sinabi ko at kumain na.
"I can't wait to see my daughter being in a relationship with you" panimula ni Daddy na nakatingin kay Art.
Talagang dito nila pag uusapan yan? Pwede bang wag ngayon? Wala kasi sa isip ko yang relationship relationship na yan eh.
"I can't wait to see your daughter being mine too sir, she's so worth it and pretty interesting even though it's obvious that she's not interested in me" malungkot na sambit ni Art pero alam kong nag bibiro lang siya.
Napaangat na ako ng tingin at mag sasalita na sana pero nag salita si Daddy.
"Frixy answer him kung liligawan ka niya" nakangiting sambit niya at sumubo ng pag kain.
Narinig ko ang mahinang pag tawa nila Zia,Max,Kyra, Zhen at pati ni mommy.
Talaga naman nakakaloko na dito sa condo ko. Gusto ko nalang lumayas at wag nang mag pakita sakanila dahil sa pinag sasabi nila.
"Dad" mahinang pag tawag ko sa name niya pero binabalewala lang niya ito.
Hindi na sila nag salita muli at kumain nalang. Buti naman at kumain na sila ng tuluyan.
Ilang minuto lang ay natapos na kaming kumain. Si Kyra at Zia ang nag ligpit. Narinig kong balak uminom ni daddy mamayang gabi dito sa condo ko at pinag I stay niya pa si Art dito hanggang bukas.
Pumayag naman ang gunggong at wala na akong nagawa dahil gusto iyon ni daddy. Mahirap kung tatanggihan siya ni Art at ganon na din ako.
I stayed at my room for a mean time. Kasalukuyan akong nakahiga habang nag cecellphone at naka earphone. Gusto kong mag relax sa pamamagitan ng mga kanta sa cellphone ko.
All the good girls go to hell ang title ng pinapakinggan ko ngayon. Ang ganda kasi ng boses ni Billie at naka relax din.
Pinikit ko saglit ang mga mata ko at inalala ang mga nangyari noon saamin ni Carl.
YOU ARE READING
Wild Mind Downfall
Teen Fiction" It's unnecessary but atleast I tried tasting his lips"
