Prologue

12 5 0
                                        


"Ano na Frixy ang tagal mo naman lumabas Jan!" Sigaw ni Kyra mula sa labas ng kwarto ko.

Niyaya kasi nila akong pumunta sa club tutal Friday naman daw. Dating gawi ba.

"Wait! I'm fixing my hair! Wag kang mag madali!" Sigaw ko sakanya at hinagisan ng unan ang pinto ko para marinig nila.

"Fasteeeerrr!!! I want to see you wearing pretty clothes again!!" Kinatok katok nya pa ang pintuan ng kwarto ko.

Hindi ko nalang sila pinansin at nag ayos na.

I'm wearing a black crop top na pinatungan ng short black jacket and also wearing a black fitted jeans. I put a tint of red on my lips. Sabi nila Zhen sakin.

Mag suot daw ako ng dark blue na outfit kasi ayun daw yung theme ng club na pupuntahan namin. Birthday party ng friend ni Zhen at dapat ganon daw ang suot. Pero mas maganda padin kung lalabag ako sa dress code para makaagaw ng atensyon. Nakamessy hair lang ako para attractive.

Lumabas nako nang kwarto at naabutan kong nag uusap silang apat sa sala. Napalingon si Max sa gawi ko at agad na sumigaw.

"Look at her girls! She look so stunning and pretty!" Sigaw nya at sapilitang iniharap si Zia.

"You look beautiful" Sabat ni Zia at pumalakpak pa.

"OMG girlll!!!!!" Sigaw ni Kyra kaya napatakip kaming lahat sa tenga dahil sobrang ingay ng sigaw nya. Feeling ko nabasag ang eardrum ko.

"Wala lang OMG lang!" Natatawang sabi ni Kyra habang nakatingin saakin. Natawa nalang ako sa reaksyon nila.

"Let's go?" Tanong ni Zhen at lumapit saakin.

....

Kasalukuyang nag dadrive si Max papuntang club.

"Saang club?" Tanong ko kay Max habang kinakalikot ang cellphone ko.

"Starl" maiksing sambit nya at tinignan ako saglit.

Pag kabigkas na pagkabigkas nya ng salitang yon. Biglang ang daming memories yung bumalik sakin. Naalala ko na naman sya. Naalala ko na naman kung paano ako nag pakatanga sakanya. Naalala ko na naman kung paano ko sya minahal ng sobra pero niloko nya lang ako. Damn that boy! He's getting into my nerves.

"Bat natahimik kayo bigla?" Tanong ko sakanila ng marinig na hindi manlang sila nag sasalita sa likod.

"Tinitignan namin reaksyon mo nung sinabi ni Max na sa Starl tayo pupunta" nakangiting sagot ni Kyra at nag cross finger pa.

"As if maaapektuhan ako sa Starl Starl nayan." Natatawang sagot ko at inirapan sila.

"Talaga lang ha" singit ni Zia sabay hampas sa braso ni Zhen.

...

Agad na nakarating kami sa club. Dating gawi ulit, Si Zia dumiretso kaagad sa Dance Floor. Habang kami ni Kyra nag hanap ng mauupuan, at dahil wala ng space napilitan kaming umupo nalang sa couch na nasa dulong bahagi ng Club. Medyo madilim sa parteng yon.

"Drink this" alok ni Kyra saakin habang inaabot ang isang baso ng Rum.

Agad ko itong tinanggap at ininom.

"Wala bang Whisky?" Tanong ko kay Kyra pag ka inom ko ng Rum. High tolerance ako at para saakin masyadong boring ang rum.

"Kukuha ako?" Tanong nya at akmang tatayo na pero pinigilan ko sya.

"Nah, I can do it myself" sagot ko at tumayo na.

Pumunta ako sa counter at nag order ng Whisky. Agad namang kumilos ang bartender at wala pang dalawang minuto. Naiabot nya na saakin ang isang basong whisky. Habang umiinom ako tinitignan ko ang mga babaeng sumasayaw sa dance floor. They're all wasted, giving shits and drunks.

Nakaka walong baso na ako at nararamdaman kong umiikot na ang paningin ko kaya napag pasyahan kong bumalik sa table namin nila Kyra.

Naabutan ko doon si Max na umiinom at kausap ang isang lalaki sa tabi nya.

Hindi ko nalang sila inistorbo at inayos ko ang sarili ko. Tatayo na sana ako ng maramdaman kong kailangan kong pumunta sa restroom. I have to pee, dali dali akong nag lakad papunta restroom.

Nasa tapat na ako ng restroom ng may makita akong lalaking naka sandal sa may madilim na parte ng lugar nayon malapit sa CR. Tinignan kosya at napansing naka tingin din sya sa gawi ko. Familiar ang katawan at muka nya pero hindi ko masyadong makita. Lalapit sana ako pero naisipan kong wag na.



Nag kibit balikat nalang ako at pumasok na sa loob ng cr. Pag kalabas ko wala doon ang yung lalaki.



Dali dali akong pumunta sa table namin pero hindi ko matanggal sa isip ko yung nakita kong lalaki sa cr kanina.



Marami nang drinks sa Table namin at nang makita ko yon parang biglang nawala yung lasing ko.



May vodka din doon. Kaya ayun yung pinunturya ko. Ininom koyon ng walang sabi sabi. Pag katapos ng Vodka, yung Tequila naman.



Dahil sa pinaghalong alcohol drinks na nainom ko. Naramdaman kong nasusuka ako at nahihilo. Tumakbo ulit ako papuntang CR at doon sumuka.



Pag kalabas ko ng Restroom biglang nalang umikot ang paningin ko pero bago ako mawalan ng malay ay may biglang humawak saakin at nakita ko ng maayos ang muka nya.

"Hey Frixy are you ok?" Ayun na ang huling salitang narinig ko bago ako tuluyang nawalan ng malay.

Wild Mind DownfallWhere stories live. Discover now