Chapter Six

6 4 0
                                        

Hurtful Visitor

"I don't know if I like her or what, but I'm sure that I'm into her"

Napatingala ako ng marinig ang sinabi niyang iyon. Hindi ko alam pero parang nag diwang ang happy cells ko nang sabihin niya ang mga yon.

Tumingin ako sakanya at nakita kong nakangiti siya saakin. Tumili sila Zia at Kyra habang si Max ay nakangisi saakin. Si Zhen naman ay tumalon talon pa.

"OMG objection your honor!" Napatingin kami kay Zia at nakitang nakangisi siya.

"Sana all objection" bulong ni Max sabay subo ng candy na hawak niya.

Objection amp ano meron? Ewan koba dito kay Zia this past days parang nagiging clingy at mas lalo siyang umiingay.

"Done na napaamin na natin si Art!" Sambit ni Zhen na nakasandal sa sofa.

"Hindi nga umamin boba! Pero atleast malay mo may chance" Ani Kyra.

Ano bang pinag lalaban nila? Hindi ko kasi ma gets malay koba kung planado lahat ng to. Eh alam naman ng lahat na loko loko tong sila Zia eh. Ay nako ewan ko.

"Nood nalang tayo!" Aya ni Max sabay hatak kay Kyra na nakatulala na.

"Sureee gusto koyan" pag sang ayon ko para naman makapag salita din ako. Baka isipin nilang hindi ako maka get over sa pinag sasabi nila lalo na sa sinabi ni Art ay ewan.

Napatingin silang lahat saakin habang nakangisi.

"B-bakit?" Naguguluhang tanong ko. Kasi naman! Bat sakin lang nakatingin! Favorite nila ako? Pati si Art nakatingin din! Iisipin ko talagang gusto nila akong lahat.

"Ikaw mamili ng panonoorin" sambit ni Zia at iniabot saakin ang remote ng TV.

"O-ok" kinuha ko ang remote sa kamay niya at umayos ng upo.

"Sana all love"

"Sana all talaga"

"Pota labtim"

"Henge bebe"

Paulit ulit kong naririnig yan habang namimili ng panonoorin.

Tinignan ko sila ng masama pero binewala lang nila iyon at nginisian ako.

Horror ang pinili ko para naman makitang umiiyak ulit si Kyra o si Zia dahil ang tanga tanga ng bida.

Ang dami dami nilang comments sa pinapanood.

"Ayan na" bulong ni Max saakin nang pindutin kona ang napili kong movie.

A silent place ang napili ko kaya tahimik silang lahat. Intro palang sumisigaw na si Zia habang si Art ay seryosong nakatingin lang sa TV.

Kung kami yung nasa lugar sa Silent Place paniguradong si Zia yung unang mamamatay. Walking megaphone siya eh. Nahigitan niya pa yung speaker sa University namin.

"Yan bobo namatay na tuloy" kumento ni Kyra nang may mamatay na naman sa movie.

Oh diba. Sunod talagang mamamatay si Kyra if ever na sila yung nasa lugar eh. Ako talaga yung matitira.

Tumingin ako sa gawi ni Art at seryoso lang siyang nanonood don.

Tumayo muna ako para pumunta sa kusina at uminom ng tubig.

I get a bottle of water and open it. Pag lingon ko nakita ko si Art na nakatingin saakin at nag papuppy eyes pa.

"Ay pota" sambit ko sakanya kaya napasimangot siya.

"Bat ka andito?" Tanong ko sakanya pero nakasimangot pa din siya.

"Condo ko to malamang" sagot niya at umirap.

Wild Mind DownfallWhere stories live. Discover now