Cellphone
"Tara na?" Atat na tanong ni Zhen saaming apat. I choose to wear a simple outfit. Hindi ko din naman alam kung saan kami pupunta eh.
"San ba?" Inaayos na ngayon ni Zia yung mga gamit sa loob ng pouch niya.
"Bastaaaaa" nakangiting sagot ni Zhen.
Nauna na siyang nag lakad palabas sa condo ko at dumiretso sa parking lot kung nasaan ang kotse ni Max na gagamitin.
"Daan muna tayo sa gas station" alok ni Max na nakaupo sa shot gun seat.
"Bakit?" nakatingin lang si Kyra sa bintana habang sinasabi iyon.
"Dzuh malamang mag papagas tayo, edi hindi tayo nakaabot sa pupuntahan natin if ever" naiiritang sagot ni Max habang kinakalikot ang cellphone niya.
Natawa nalang ako sakanila.
"Group selfieeee" sigaw ni Max at tinaas ang cellphone.
I smiled at tumingin sa camera.
Chineck niya yung picture namin at pinakita kay Zhen na busy sa pag dadrive.
"Frixy looks so pretty in here" pag bibida ni Max saakin.
Napatingin naman ako sakanya at proud siyang tumingin sakin.
"The guy you will choose will be the luckiest guy ever" sambit ni Max saakin habang nakangiti.
"Yea true" pag sang ayon ni Zhen at nginitian ako.
"Ang ingay nyo pota" ani Zia na natutulog pala.
"Anjan ka pala?" Pag bibiro ni Kyra sakanya.
" Ay wala ako dito. Anino kolang to bobo kaba?" Naiiritang sabi Ni Zia at sabay silang natawa.
Minsan talaga hindi ko alam kung ano ang takbo ng utak nila.
Makalipas ang ilang minuto at naka pag pagas na din kami. Biglang nag park si Zhen sa tapat ng isang building. Bumaba kaming lahat at pumasok doon.
"HoY bebenta mo ba kami?" Tanong ko sakanya habang nililibot ang tingin sa building.
"Hindi, may usapan lang kami ng friend ko dito, kasi wala siyang kasama kaya sasamahan natin" sagot niya at sumakay na ng elevator.
Sinundan namin siya at sumakay din.
Pinindot niya ang 36th floor. Nag hintay kami hanggang sa umistop na ang elevator sa 36th floor at bumukas na ito.
"Wait" sambit niya at parang may hinahanap. Nang makita niya ang condo unit nung sinasabi niyang kaibigan. Ay agad niya itong kinatok.
"Oyyy" sambit niya at tinignan ako na parang may masama siyang balak gawin.
Bumukas iyon at tumambad saaming lima ang pag mumuka ni Art.
Naramdaman kong tumibok ng mabilis ang puso ko. Buti nalang nasa likod nila ako kaya hindi niya ako nakita kaagad.
Yumuko ako pero silang apat ay tumabi kaya nakita ako ni Art.
Haysss naman bwisit na mga babae to. Nakakainis talaga. Gusto ko nalang mag pakain sa lupa.
Nag taas ako ng tingin at tinignan siya. Pero ng tignan ko siya ay nakitang naka tingin na din siya saakin. Ngumiti siya ng matamis.
"Sup Frixy" bati niya at pinapasok kaming lahat.
"So kailangan si Frixy lang babatiin?" Pag iinarte ni Kyra at tumawa.
"Oo nga!" Ani Zia pag kaupo niya ng sofa.
YOU ARE READING
Wild Mind Downfall
Teen Fiction" It's unnecessary but atleast I tried tasting his lips"
