chapter 13

2.6K 85 0
                                    


joyce note: nakakainis! nawala lahat ng sinulat ko dito,nawala tuloy yung idea ko, hindi ko alam kung bakit o pano siguro

a.tanga ako
b.nagloloko si watty
c.nag disappering technique sila,
or
d.sadyang tanga lang talaga ako :(

ewan ko basta yun na yun, pero itatry ko parin na maisulat yung nasa utak ko. hihi

tnx sa lahat.

(A's POV)

habang palabas sina Ulan at Lyka ng bahay ay nakisali na lang ako sa usapan nila, Jake.

"ahh! kumanta kayo sa kasal namin ha! aasahan namin yan" sabi sakin ni Jenica

"Ha? ahh....ehh!"

"hindi kanang pwedeng umayaw!  nasa list na kayo oh!" dugtong niya.

"ANOOO?"

"bahala na kayo magisip mo ni R, kung anong kanta ang kakantahin niyo!"

tapos iniwan na lang nila ako dun ng nakatulala, walangyang Jake at Jenica toh! sarap pagumpugin.

sabagay,wala namang masama diba? maganda naman boses ko kapag kumakanta, ok na yun! eh si Ulan kaya? kumusta kaya yung pinaguusapan nila ni Lyka?,ano kaya pinaguusapan nila

(R's POV)

lumabas kami ni Lyka at pumunta sa may veranda ng bahay.  I wonder kung ano kaya sasabihin nito.

kanina aaminin ko, nung nakita ko siya kinabahan agad ako, parang gusto na lumabas ng puso ko.

Pansin ko lang kay Lyka, bat parang namamayat ata siya? siguro di maka move on sakin, kaya ganyan. ehh bat ako? di pa naman ako totally nakakamove on ha? pero di naman ako namayat? tyaka parang ang hagard niya tignan.

kanina pa kami nakatambay dito sa veranda pero wala ni isa samin ang naunang magsalita, siguro naghahanap pa ng lakas ng loob tong si Babe i mean si Lyka pala.

"ahh, kumusta naman kayo ni Mae?" pagsisimula niya.

"ahhmm, ok naman" sagot ko

"musta naman ang pamamasyal niyo dito sa Bicol?"

teka? HotSeat ba toh?bat tanong siya ng tanong?

"ayun, sobrang Enjoy" sagot ko

"kita ko nga" sagot niya saka ngumiti ng pilit.

 "bat mo nga pala natanong?" tanong ko

"ahh, wala naman, it just seems,you really have a great time with Mae."  sagot niya

"oO naman! ang saya talaga" sagot ko.

bigla naman siyang tumingin sakin ng seryoso, at saka ako tinanong.

"Mahal mo ba si Mae?" seryoso niyang tanong.

bigla naman akong pinagpawisan ng malamig? bat siya ganyan? nagseselos na ba siya?

"bakit mo natanong?"

"kasi kung hindi mo mahal si Mae, pede mo naman siyang iwan ehh, at kung ginagawa mo lang toh para bumalik ako sayo, pasensya na,pero di ako magpapaapekto sa mga ginagawa mo" proud niyang sagot.

"para sabihin ko sayo, hindi ko ginagawang panakip butas lang si Mae dahil, siya na ngayon ang Girlfriend ko at oo, mahal ko si Mae, Mahal na mahal. At alam ko rin na Mahal niya ako at alam ko rin na hindi siya tulad mo!" sagot ko sa kanya, hindi siya makasagot sakin pero nakita ko na nasaktan siya sa lahat ng sinabi ko,alam ko rin na may mali ako, dahil nagsinungaling ako sa kanya, aaminin ko, hanggang ngayon siya parin ang laman ng puso ko, pero hindi ko naman pedeng iwan na lang si Mansanas ng ganto.

"talaga? sige nga! prove me!" sagot niya saka siya tumingin ng diretso sa mga mata ko.

"just wait! at sisiguraduhin ko na magsisisi ka!" sagot ko sakanya,  pagkasabi ko nun, agad siyang pumasok ng bahay.

i cant believe this, hindi ko alam na magiging ganto si Lyka! is she out of her mind? pero kung yan ang gusto niya, sige, pagbibigyan ko siya, at ipaparanas ko sa kanya na nagkamali siya sa pagiwan sakin.

to be continued

GIRLFRIEND FOR HIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon