chapter 39

2K 73 4
                                    

(A's POV)

I stared at my phone, 30 minutes na ang nakakalipas pero di parin nagrereply sakin si Ulan, asan na kaya yun??

Bat ba palagi na lang siyang ganto? usually di naman umaabot ng kalahating oras bago siya makapagreply sakin, pero ano tong nangyayari ngayon?

By the way,after ng first meeting namin ng Dad ni Ulan naging ganyan na siya, di ko rin naman siya matanong kasi, palagi na siyang busy sa photoshop niya, nakakalungkot, pero bilang isang mabait at magandang girlfriend,uunawain ko parin naman siya, Mahal ko eh… heheh^^

Aside from that, wala namang nagbago dun, palagi parin siyang may time para sakin, at para samin',.

Pero this Week parang iba ata, palagi na lang siyang late umuwi,nalaman ko toh kay tita Yumi nung hindi siya sumasagot sa mga text at tawag ko tapos sinubukan kong tumawag sa bahay nila para tanungin kung nakauwi na ba siya pero hindi naman daw dun umuuwi si Ulan.

Malalaman ko rin naman kung nasa condo na niya siya kasi magkapitbahay lang kami diba..

Minsan nga hinintay ko siyang umuwi sa condo niya eh, tumambay na ako sa loob ng bahay niya,pero madaling araw na, hindi parin siya umuuwi,.

Tapos ito pa araw-araw,text ako ng text pero ang irereply niya lang ay, "Im busy" o kaya naman ay "sorry,naiwan ko kasi phone ko sa office", yan lang palagi ang rason niya, nakakapaghinala na talaga.

Bihira narin kami kung magkita, at sa tuwing magkikita man kami ay palagi siya wala sa mood.

Oo,nakakapanibago, alam kong masama ang magisip ng kung ano-ano pero di ko talaga mapigilan eh.Girlfriend niya ako, kaya may karapatan din naman siguro akong alamin kung ano ang ginagawa niya noh.

Isang tawag na lang, kapag hindi na siya sumagot, hahanapin ko na talaga siya.

I dial's Rain number, and as usual,hindi siya sumagot, hindi na ako nagdalawang isip pa ,agad kong kinuha ang car keys ko at lumabas ng bahay,

Hindi ko alam kung saan ako pupunta kaya dumaan muna ako sa office niya, tutal palagi niya namang sinasabi na busy siya sa work diba.

kaso pagkarating ko dun, wala siya, ang sabi ng sekritarya niya umalis daw ito kani-kanina lang.

Umalis rin ako dun agad at hinanap pa siya, sinubukan ko rin tawagan siya pero di talaga siya sumasagot,.. Nauubusan na ako ng pasensya.. wala man lang ba siyang balak ipaalam sakin kung saan siya nagpunta? Hindi niya ba alam na nagaalala ako?

Dahil sa kakaisip kay Ulan, hindi ko maiwasan na maiyak, nakakainis siya.

Dumaan ako sa isang Mini Mart para bumili ng makakain ng makita ko si Derry at Carl na nasa counter,

Agad akong nagtago sa mga stool ng mga chichirya, kasama kaya nila si Ulan? Yan ang unang tanong na pumasok sa isip ko.

"Di kaya magalit si Apple sa pinagagagawa ni R?" rinig kong tanong ni Carl.

"Malamang magagalit yun, di niya nga sinasabi kay Apple na aalis siya ng bansa eh, wala ata siyang balak sabihin yun kay Apple eh" tugon naman ni Derry.

Ano? Aalis ng bansa ?....s-si Ulan? Bat di niya sinasabi sakin?

Hindi ko na narinig ang mga sunod na pinagusapan nila Carl at Derry dahil sa sobrang na pero occupied yung utak ko sa  narinig kong aalis si Ulan,

Ang daming tanong tuloy ang naglalabasan sa utak ko, I mean, bakit siya aalis ng bansa? Ano namang rason niya? Isa pa anung gagawin niya dun? At ang masaklap pa, bat di niya sinabi sakin toh?.

Sinundan ko sina Carl at Derry hanggang sa patking lot, ng makasay na sila sa kotseng dala bila, ay agad rin akong pumasok sa kotse ko at sinundan ko sila.

Habang sinusundan ko sila, parang pamilyar sakin ang daan, at hindi nga ako nagkamali, sa clubhouse sila pumunta,,

Oo nga pala, bat di ko yun naisip agad? May clubhouse nga pala ang mga gung-gong na toh. Napakamot na lang tuloy ako ng ulo ko.

Nang makarating sa may clubhouse nila ay pinauna ko muna silang makapasok dito, bago ako lumabas ng kotse ko.

Nang masigurado kong nasa loib na sina Derry at Carl ay agad naman aking bumaba sa kotse at pumunta sa may bintana ng clubhouse nila at dun nagtago, kung saan dinig na dinig ko ang usapan nila.

Puro harutan lang nila ang naririnig ko. Kaya naman sinubukan kong silipin sila mula sa pinagtataguan ko.

Nakita kong busy sa paglalaro ng X-box si Mike at Carl, habang si Orly naman ay busy sa pagbabasa, tapos si Derry naman ay kain lang kain ng chichirya habang pinapanood sina Mike at Carl, pero si Ulan,... tahimik lang siyang nakaupo sa couch at tila parang malalim ang iniisip.

Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko at tinawagan siya,. Narinig kong tumunog ang phone niya, tinignan ko siya, Rain, sagutin mo please... yan ang nasa isip ko habang tinitignan siya,

Pero Siya? Tinignan niya lang ang screen ng phone niya at hinayaan lang itong maputol.

Bakit Rain? Bakit di mo sinasagot ang tawag ko?

Nakita ko naman na humugot ito ng malalim na hininga. At saka tumayo.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makalabas siya ng bahay at naupo sa mga upuang nandun sa balkonahe.

Nagtago naman ako sa mga halamang nakapalibot dun para mas makita kung ano ang ginagawa niya.

Maya- maya naman lumabas di Derry at tumabi sa kanya.

"Anong balak mo ngayon pare?" Tanong ni Derry

"Ewan ko, ayokong gawin toh sa kanya pero kailangan eh" aahot naman ni Ulan.

"Bat kasi di mo na lang sabihin sa kanya? Sa tingin ko maiintindihan ka naman ni Apple eh" -Derry

"Ayoko,... ayoko siyang makitang nasasaktan,mas mabuti na siguro toh, yung tipong magagalit siya sakin, para naman hindi ko siya makitang nasasaktan pag umalis ako" sagot nito.

That time mas nagulat ako, alam ko naman na diba? Pero bakit? Ang gulo gulo, hindi ko maintindihan.

"Bahala ka,yan ang gusto mo  eh, wala ako magagawa." Sagot naman ni Derry.

"Im just doing this for her safety, I domt want to get her hurt, ayokong mawala siya sakin," pagpapatuloy ni Ulan

Ano? Ayaw niya akong masaktan?eh sa ginagawa niya ngayon, nasasaktan na ako eh,

"Pero mawawala parin siya sayo sa ginagawa mo ngayon," sagot ni Derry

"I'll come back for her, basta ipangako lang sakin ng hudas kong tatay na di niya gagalawain o sasaktan ni Mae, dahil di rin ako magdadalawang isip na saktan siya." May pagbabantang sagot ni Ulan,

Hindi ko na talaga maiwasan na di umiyak, anong ibig sabihin niya??

Dahil sa di ko na kinaya, ay bigla na lang akong tumayo at nagtatatakbo,

Narinig ko rin na tinatawag ako ni Ulan, pero di ko siya nilingon, at dahil na rin sa sobrang pagiyak, di ko na masyadong makita ang dinadaan ko, at nabigla na lang ako sa isang malakas na busina.



Hanggang sa naramdaman ko na nakahiga na ako sa gitna ng kalsada at puno ng dugo.

Nakita ko si Rain, na tumatakbo papalapit sakin,bakas sa mukha niya ang pagaalala.

"Mae!" Yan ang huling salitang narinig ko.


And everything went Black.











~~~~~~~~~~~~~

note ni Otor :

Salamat sa lahat na patuloy na sumusuporta sa Book ko, at sa lahat ng matyatyagang nagaantay ng Update ko. Hehe

LOVE YOU ALL!! AND THANK YOU SO MUCH FOR INSPIRING ME! IT REALLY HELPS ME A LOT ♥♥♥

GIRLFRIEND FOR HIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon