(R's POV)
Papunta ako ngayon sa bahay namin, kahit labag sa loob ko na pumunta dun at kausapin ang Dad ko, ay kailangan ko paring gawin yun para sa Mom ko..
Pagkadating ko dun ay naabutan ko si Mom na nasa living room at kausap ang isang lalaking nasa 40's matangkad, kagalang-galang ang hitsura at masasabi kong kahawig ko siya.. yeah, its my Dad.. may kasama rin siyang dalawang babae, yung isa parang nasa 16 palang tapos yung isa, parang kaedad ko lang..
"Oh, andito na pala si Rain.Halika dito anak!" Sabi ni Mom,hindi ako umimik pero pumunta ako sa tabi niya at dun naupo. Kita ko sa mga mata ni Mommy na masaya siya ngayon.
Tinignan ko naman ang Dad ko, nakatingin rin siya sakin nh seryoso, nagtagisan kami ng tingin hanggang sa siya ang unang bumawi nito. Tahimik lang kaming lahat at sa tingin ko ay wala ni isa samin ang balak na magsimula ng usapan.
"Ahm.Yuki, kilala na ba ako ng anak natin?" Tanong ni Dad kay Mom.
"Actually, Yes Ruther, kilala ka niya." Yeah, Ruther nga pala ang ngalan niya.
"Rain, pansinin mo naman ang Dad mo," utos sakin ni Mom.
Nakakawalang gana naman toh.
"Hi," yun lang ang sinabi ko. At saka tumayo papunta ng kwarto ko.
"Rain, where are you going!" Tanong ni Mom.
"Magsho-shower lang ako."
"Wait!" Sigaw nung isang babae,na nasa 16 years old ang edad.
Di ako sumagot pero lumingon lang ako. Lumapit naman siya sakin.
"Your my brother right?" Tanong niya sakin
"No, as far as I know, I have no brother nor a sister," sagot ko
"But, Dad told me your my brother," hindi ako nakasagot, kapatid ko siguro toh sa labas.
Tinignan ko si Ruther,tumayo naman siya at lumapit samin.
"Rain, this is Ataska,your sister. Ataska, this is Rain your brother." Nakita ko naman na masaya tong si Ataska, niyakap niya pa nga ako eh.
"And this is Kim, a friend of us" pagpapakilala niya naman dun sa isa pang babae na halos kaedad ko lang.
Lumapit naman ito at saka nakipagshake hands.
"Hi, I am Kim" pagpapakilala naman nung isang babae.
Tumango lang ako sa kanya wala ako sa mood eh.
"Yuki, pedeng samahan mo muna sila sa living room? May kailangan lang kaming pagusapan ni Rain."
agad naman na ginawa ni Mom ang sinabi niya.
"Rain,I just wanna tell you something" panimula niya.
"Ano naman yun?" Sagot ko sa kanya.
Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita,
"You see, yung bussiness ko sa Germany, is kinda....getting down right now. "
So? Anong gusto niyang iparating?.
"Oh? Tapos?" Tanong ko sa kanya.
"At.. para hindi tuluyang bumagsak ang negosyo ko...
....... ipinagkasundo kita na maging faincé ni Kim"
WHAT??? Nabingi ata ako dun ha?
BINABASA MO ANG
GIRLFRIEND FOR HIRE
Novela JuvenilGIRLFRIEND FOR HIRE: REQUIRMENTS: girls at the age of 20-22 years old,with atleast 5"7 in height,and with pleasing personality. for those interested just find the boy named RAIN ANTHONY LOPEZ.