(A's Pov)
it's been weeks simula nung magkita kita kami nung future Wife ni Jake at isang linggo na rin na napawerdo ng mga pinagagagawa ni Ulan.
pano? ikwekwento ko sa inyo.
(1week earlier)
Monday, nagkwekwentuhan lang kami ni Ulan sa veranda ng bahay ng bigla niya akong yakapin mula sa likod at sinabing.
"I Love You Girlfriend!" sabay kiss niya sa cheeks ko.
nabigla namam ako sa ginawa niya kaya naman hindi ako agad nakasagot.
"ahh,I-i Love you Too,Boyfriend" sagot ko habang nakangiti ng alanganin.
kaya naman pala niya ginawa yun kasi nakita ko si Lyka na paparating.
Tuesday,nag aya si Jake na magshopping, at kasama kaming lahat syempre kasama si Lyka,at kahit saan kami magpunta hindi binibitawan ni Ulan ang kamay ko, every time na mapapalayo ako sa kanya agad niya akong hinahatak papalapit sa kanya at sasabihing.
"wag ka ngang lumayo! namimiss agad kita ehh!"
Wednesday, tinanong ko siya kung ano ang magandang kantahin sa kasal nila Jake at Jennica.Magkatabi kami nung nakaupo sa sofa ng living Room habang hawak ko yung cp ko at may nakasalpak na headset sa isa kong tenga..hindi siya sumasagot nun tapos bigla na lang siya humiga sa lap ko na ikinabigla ko, tapos saka siya nagsalita.
"inaantok ako Girlfriend, kantahan mo naman ako oh!" sagot niya saka ko naman nakita si Lyka na paparating at naupo sa harap namin, kaya wala na akong nagawa kundi ang kantahan siya habang sinusuklay yung mga daliri ko sa buhok niya. Alam ko namang ginagawa niya lang toh para magselos si Lyka.
Thursday,tumambay kaming lahat sa likod ng bahay kung saan ako tumatambay,syempre lahat nga diba ibig sabihin nandun si Jake, Jenicca and of course si Lyka.
nakaupo lamg ako dun sa may tabu ng puno habang hawak ko yung gitara ko, samantalang sila namam ay busy sa pag picture picture.
tapos bigla na lang tumabi sakin si Ulan.
"alam mo ba yung kantang Huling El bimbo?" tanong niya
"ahh Oo" sagot ko "gusto mo,tugtuhin ko pa ehh" dugtong ko saka nagsimulang magstrum nung gitara.
nakatingin lang siya sa mga daliri ko habang nagsta strum ng gitara ng bigla niya itong hawakan na ikinabigla ko naman.
"mali yung posisyun ng daliri mo, dapat ganto." saka niya inayos yung daliri ko na dumidiin sa mga string ng gitara..
tapos.......
"Uyyyy! Ang Sweet nila!" boses ng isang babae, tinignan naman namin kung sino yun at si Jennica pala, tapos nasa likod niya naman sina Jake at Lyka.
"alam niyo, bagay na bagay kayo!" dugtong pang sabi ni Jennica, agad naman akong inakbayan ni Ulan saka sinabing,
"syempre, love ko tong si Girlfriend ehh, diba Girlfriend!" sabi niya sakin.
"ahh,oo matagal ko ng alam yan Boyfriend!" sagot ko.. syempre kailangan umarte, anjan si Lyka ehh..
Friday, nasa living toom kaming lahat at nanonood ng Showtime ng bigla dumating si Ulan at may dalang isang malaking box. Agad siyang tumabi sakin at binigay yung Box.
"For you" excited niyang sabi.
"ano toh?" tanong ko.
"box, halata ba?" pilosopo niyang sagot.
BINABASA MO ANG
GIRLFRIEND FOR HIRE
Teen FictionGIRLFRIEND FOR HIRE: REQUIRMENTS: girls at the age of 20-22 years old,with atleast 5"7 in height,and with pleasing personality. for those interested just find the boy named RAIN ANTHONY LOPEZ.