REMINDERS:
The views of the author doesn't reflect in any specific events already happened or might just happen. What you're about to read is only an imaginative composition of the author. This is a BxB genre which may not suitable for the readers ages 18 year old below. Hereof, the composed story is exclusive solely for 18 year old and above and may encounter some inappropriate use of words you might read later on. And if you are against at same sex relationship or not comfortable reading this kind of thoughts, you are free to leave this page.
BE OPEN-MINDED.
______________________
"DIYOS NA SI VERANDA"
Quicke_Ow
Part 1
"Inay! Nandito na po ako!" Galak kong sigaw habang papasok sa aming munting dampa. Agad naman akong sinalubong ni inay ng isang mahigpit na yakap na kaagad ko namang tinugunan.
"Gutom kana ba anak? Halika't kumain ka na muna nang malamanan iyang tiyan mo, sigurado akong napagod ka sa eskwela kaya't napag isipan namin ng lola mo na ipaghain ka ng makakain." Ani ni inay habang inaakay ako nito papunta sa kusina.
"Oh apo. Kamusta ang eskwela? Napagod ka ba?" Bungad sa akin ni lola kaya agad ko naman itong ginawaran ng isang mahigpit na yakap.
"Maayos naman po lola ang eskwela, sa totoo nga po marami na akong kaibigan doon. Siya nga po pala inay ito po ang aking report card noong nakaraang semestre." Galak kong wika sabay abot kay inay ng aking report card. Noong masilayan niya ito ay bigla na lamang umaliwalas ang mukha nito.
Agad naman ako nitong niyakap. "Naku, napakatalino mo naman anak. Siguradong matutuwa ang itay mo nito. Mana ka talaga kay mama sa katalinuhan anak alam mo ba iyon?" Pagbibiro ni inay dahilan upang kami ay magtawanan.
Nasa ganoong paghahalakhakan kami nang may marinig kaming boses dahilan upang lingunin namin ito. "Aba't sa akin kaya nagmana iyang anak natin Teresa. Itsura lang kaya ang naiambang mo sa kanya." Usal ni itay sabay gawad ng isang halik kay mama.
Noong mga sandaling iyon ay sabay sabay namin pinagsaluhan ang hapunan ng may ngiti sa aming mga labi. Mas naging masarap pa ang mga pagkaing nakahain sa hapagkainan dahil sa ligaya at tuwa ang tanging namumutawi sa hapag. Agad naman kaming natapos kumain at napagpasyahan gawin ang mga bagay na palagi naming ginagawa.
Kasalukuyan akong naririto sa aming munting bakuran habang nagsisibak ng kahoy habang si inay naman ay sinisindihan ang mga dahong naipon nito sa pagwawalis. Si itay naman ay naghahasa ng kanyang itak na ginagamit nito sa pagsasaka habang si lola naman ay nasa loob pa ng bahay at naghuhugas ng aming pinagkainan.
Ilang sandali pa kami sa ganoong gawain nang biglang may tumapik sa aking likuran na kaagad ko namang nilingon. Dito ay nakita ko si lola na nakangiti sabay abot sa akin ng isang tasang kape.
Binigyan ko naman ito ng upuan sa aking tabi habang ako ay pinagpatuloy ko ang aking ginagawa. "Apo, bukas mo na iyan ipagpatuloy upang ikaw ay makapagpahinga. Huwag mong pagurin ang sarili mo sa mga gawain dahil sa may pasok kapa bukas." Usal ni lola na agad ko namang binalingan ng tingin sabay paskil ng isang matamis na ngiti.
"Naku, ayos lang po iyon lola. Nakasanayan ko na pong gawin ang dapat kong gawin kapag galing ako sa eskwela." Tugon ko naman.
Noong ako ay labing limang taong gulang pa lamang ay sinasanay na ako ng aking mga magulang na gawin ang mga gawain bahay at pagsasaka sa kadahilanang ayaw nilang umaasa ako sa pang araw araw. Tinuruan ako ng aking mga magulang kung paano magsariling sikap at dumiskarte sa buhay sa mabuting pamamaraan. Nariyan na ang paglalako ko sa mga kakanin na ibinebenta ni inay at pagtatalyer sa bayan upang maiambag ko sa aking pambaon araw araw.
BINABASA MO ANG
Glowing Gems
Fantasy'Pang-unawa' ang siyang tanging namumutawi sa bawat pusong naghahangad na malagpasan ang bawat pagsubok na dumaraan sa isang indibidwal. Samahan ang mga bagong karakter na magbibigay buhay sa bawat paniniwala at paninindigan para sa mga taong pinan...