REMINDERS:
The views of the author doesn't reflect in any specific events already happened or might just happen. What you're about to read is only an imaginative composition of the author. This is a BxB genre which may not suitable for the readers ages 18 year old below. Hereof, the composed story is exclusive solely for 18 year old and above and may encounter some inappropriate use of words you might read later on. And if you are against at same sex relationship or not comfortable reading this kind of thoughts, you are free to leave this page.
BE OPEN-MINDED.
______________________
Nakaraan...
Nasa ganoong tagpo kami noong bigla na lamang nagliwanag ang kwentas na ibinigay ng aking ama kay Lee na nakasabit sa kanyang leeg hudyat na may panganib ang nagbabadya. Dito ay nabaling naman ang tingin ng aking mga kasama kay Lee at pinagmasdan itong mabuti. Mas nagliwanag pa lalo ang kwentas hanggang sa balutin nito ang katawan ni Lee at bigla na lamang nawala ang liwanag at dito tumambad sa aming paningin ang suot nitong kalasag habang hawak ang isang espada dahilan upang sumilay ang ngiti sa mga labi ni Lee hudyat ng kanyang pagkamangha.
Bumaling muli kami sa mga nilalang. "Ano ang mga iyan?" Seryosong tanong ni Efron habang nakatingin sa mga ito.
"Ang mga iyan ay ang tinatawag na mga Gwano. Ang mga Gwano ay isinumpa ng haring Rascal matagal na panahon na ang nakalilipas. Dating mga tao ang mga nilalang na iyan na rebelde at gumawa ng alyansa laban sa hari upang mawala sa mundong ito si Gilom sa paniniwalang may dalang sumpa si Gilom. Ang mga iyan rin ang dahilan kung bakit namatay ang amang hari ni haring Rascal na si Haring Ignar." Salaysay ni Gurong Yunim.
"HAKBANG TUNGO SA KABUTIHAN"
Quicke_Ow
Part 26
"Ayoko na po, hindi ko na kaya guro." Usal ko noong magkasugpong na ang aming mga sandata. Hirap na hirap akong sabayan ang bawat galaw nito dahil sa kakaibang liksi mayroon si Gurong Yunim. Hindi matatawaran ang taglay nitong bilis sa pakikipaglaban gamit ang espadang kanyang hawak.
Kasalukuyan akong sinasanay ni Gurong Yunim sa mga sandaling ito upang palakasin ang aking sarili at magkaroon ng kaalaman sa pakikipaglaban, habang ang aking mga kapatid naman ay aliw na aliw kaming pinagmamasdan magin sina Danny at Lee ay ganoon din. Mahigit tatlong oras na rin akong sinasanay ni guro kaya labis akong napapagod ngayon, gustong gusto ko ng mahiga at matulog dahil sa pagod na aking nadarama.
"Huwag kang basta basta sumuko Gilom. Hindi maaaring ikaw ay walang alam sa paggamit ng espada at huwag natin iasa ang tagumpay sa inyong mga kapangyarihan dahil hindi ito patas para sa lahat. May pagkakataong gagamitin natin ang espada upang lumaban ng patas at ganoon din sa ating mga kapangyarihan upang gamitin ito sa dahas." Saad ni Gurong Yunim kasabay nito ay tinadyakan niya ang aking tiyan dahilan upang ako ay bahagyang mapaatras at mawala sa balanse. Nakita ko namang nagsitayuan ang aking mga kapatid, danny, at lee. Dito ay makikita mo sa kanila ang labis na pagaalala ngunit sinenyasan sila ni guro na maayos lang ako.
Dito ay parang piniga ang aking tiyan dahil sa pagkakatadyak ng guro sa akin. Masakit at parang napupunit ang aking lamang loob kaya naman napadura na lamang ako at dito ay may bahid ng dugo ang aking laway dahilan upang ako ay magulat kasabay nito ang panglalaki ng aking mga mata. Tinitigan ko ito ng maigi hanggang sa may namumuong kakaibang tensyon sa aking kaloob looban ngunit pilit ko itong nilalabanan.
"Hindi sa lahat ng pagkakataon ay magagawa mong madepensahan ang iyong sarili kung wala kang sandatang gagamitin upang makaiwas sa banta ng kamatayang naghihintay sa iyo. Tatagan mo ang iyong loob at isipin ang kapakanan ng nakararami, patibayin mo ang iyong layunin at gagapiin nito ang iyong pangamba. Alisin mo ang pagkaduwag sa iyong sarili, hayaan mong damhin ang bawat galaw ng espada at isuko ang iyong sarili rito sa gayon ay maging isa ang inyong lakas at tatag. Ipikit mo ang iyong mga mata at makipagsayaw sa espada sa saliw ng katarungan at hustisyang hatid ng sandata." Salaysay ni Gurong Yunim dahilan upang mabaling ang aking paningin sa kanya.
BINABASA MO ANG
Glowing Gems
Fantasía'Pang-unawa' ang siyang tanging namumutawi sa bawat pusong naghahangad na malagpasan ang bawat pagsubok na dumaraan sa isang indibidwal. Samahan ang mga bagong karakter na magbibigay buhay sa bawat paniniwala at paninindigan para sa mga taong pinan...