REMINDERS:
The views of the author doesn't reflect in any specific events already happened or might just happen. What you're about to read is only an imaginative composition of the author. This is a BxB genre which may not suitable for the readers ages 18 year old below. Hereof, the composed story is exclusive solely for 18 year old and above and may encounter some inappropriate use of words you might read later on. And if you are against at same sex relationship or not comfortable reading this kind of thoughts, you are free to leave this page.
BE OPEN-MINDED.
______________________
Nakaraan...
Sa silangan nakahimlay ang 'Kaharian ng Ignis' ay pinamumunuan ni Haring Adair na may maunlad na sibilisasyon, dito nagmula ang mga Verathrian na miniro at panday, taglay nila ang talento na may kinalaman sa apoy, magagaling sa paggawa ng taktika sa pakikidigma at nananalaytay sa kanilang dugo ang lakas ng libo libong mandirigma.
Sa timog naman ang 'Kaharian ng Alwalis' na pinamumunuan ni Reyna Meira na isang sibilisadong kaharian dahil sa kanilang mga sasakyang himpapawid na kayang maglakbay papunta sa malalayong lupain, taglay nila ang kakayahang sumabay sa ihip ng hangin sa pamamagitan ng paglipad, magagaling silang gumawa ng panibagong teknoloya na pinakikinabangan ng mga nilalang na naninirahan doon.
Sa gawing kanluran ay ang 'Kaharian ng Ganawi' sa pangunguna ni Reyna Ulyssia na may mapayapang lupain at sibilisasyon, nakahimlay sa kanila ang kakayang magbigay ng sumpa, engkantasyon, at basbas, mayaman ang kaharian sa pangingisda dahil ito lamang ang tanging ikinabubuhay ng mga mamamayang naninirahan doon, ang kapangyarihan ng mga ito ay may kinalaman sa tubig.
At sa hilaga naman nakatirik ang 'Kaharian ng Huraw' sa pangunguna ni Haring Cyprian na may kakayahan ang mga nilalang na manggamot at gamutin ang kanilang sarili, mayaman ang kaharian sa agrikultura dahil taglay ng mga magsasaka ang kapangyarihan ng lupa, magaling sila sa paggawa ng mga alak at panglunas, taglay nila ang pagtuklas ng mga halamang gamot sa pamamagitan ng paghaplos sa mga ito."PANAUHIN NA SI MADER ROSE"
Quicke_Ow
Part 19
"Lee, maayos lang ba itong aking kasuotan?" Tanong ko kay Lee habang abala kami sa pagaayos sa aming mga sarili.
Bumaling naman ito ng tingin sa akin at biglang ngumiti ng nakakaloko. "Bagay na bagay sayo ang damit na iyan, mukha kang isang magiting at kagalang galang na mandirigma." Tugon nito habang patuloy akong pinagmamasdan mula ulo hanggang paa. Tila nakaramdam naman ako ng pagkahiya dahil sa tinuran nito.
Kasalukuyan kaming nagaayos ng aming mga sarili upang salubungin ang aming panauhin sa araw na ito na si Mader Rose. Galing daw ito sa mahabang paglalakbay kaya't nais ni Gurong Yunim na bigyan namin ito ng isang mainit na pagsalubong.
Hindi naman mabakbak ang mga ngiti sa aking mga labi dahil sa kapana-panabik na pagtatagpo ng dalawang magkasintahang Rose at Icarus. Nawa ay maging maligaya ang dalawa sa muling pag-usbong ng pagmamahal sa kanilang mga sarili.
Ukol naman sa aking natuklasan kahapon ay binabagabag pa rin ako ng mga katanungan ukol sa mga kaganapang nakatala sa libro ng kasaysayan. Ngunit ayaw kong sirain ang magandang araw na ito nang dahil lamang sa mga bagay na nagpapagulo sa aking isipan. Sa ngalan ng tagapaglikhla at apoy ay ipinauubaya ko sa kanila ang mga bagay na ito.
Agad naman kaming natapos kaya dali dali kaming nagtungo sa bulwagan upang doon salubungin ang aming panauhin. Sabay sabay kaming nagtungo roon suot ang mga magagarbong damit na aming ipinagawa kahapon, ginawa ito ng mga sikat at biteran na mga mananahi dito sa lupain.

BINABASA MO ANG
Glowing Gems
Fantasy'Pang-unawa' ang siyang tanging namumutawi sa bawat pusong naghahangad na malagpasan ang bawat pagsubok na dumaraan sa isang indibidwal. Samahan ang mga bagong karakter na magbibigay buhay sa bawat paniniwala at paninindigan para sa mga taong pinan...