GLOWING GEMS 5: ANG TINIG SA LIKOD NG KAWALAN

296 27 2
                                    

REMINDERS:

The views of the author doesn't reflect in any specific events already happened or might just happen. What you're about to read is only an imaginative composition of the author. This is a BxB genre which may not suitable for the readers ages 18 year old below. Hereof, the composed story is exclusive solely for 18 year old and above and may encounter some inappropriate use of words you might read later on. And if you are against at same sex relationship or not comfortable reading this kind of thoughts, you are free to leave this page.

BE OPEN-MINDED.

______________________

Nakaraan....

At iyon nga ang aming ginawa, isa isa naming pinitas ang mga bulaklak at sa bawat mapipitas na halaman ay naglalabas ito ng kakaibang amoy na parang mga kendi sa amoy nito. Labis naman akong namamangha sa mga ito na tila ba ako ay nasa iisang panaginip lamang naroroon.

Mga bulaklak ang aking pinipitas, habang mga ugat naman ng mga bagong tubo na puno naman ang kay Danny, samantalang mga dahon naman ang kay Lee. Nawa ay makuha namin ang magandang resulta sa aming gagawing pananaliksik at sigurado akong magagalak sa tuwa ang aming mga sarili.

Nasa ganoong pamimitas ako nang mapansin ko ang mga bulaklak na naglalabas ng mga makikinang na dust sa may pollen nito kaya agad kong kinuha ang aking magnifying glass upang suriin ito.

Gamit ang magnifying glass ay malinaw ko itong napagmasdan at dito ay nanglaki ang aking mga mata dahil sa aking nasaksihan. Ang mga makikinang na buhangin nito ay parang mga dyamante sa pagkinang wari pinino ito ng mabuti at isinaboy dito sa lugar. Hindi ko alam kung napapansin ito nila Danny at Lee dahil sa kakaiba ang mga ito.

"ANG TINIG SA LIKOD NG KAWALAN"

Quicke_Ow

Part 5

Patuloy kami sa pagpipitas ng aming kakailanganin para sa aming pananaliksik. Hindi na namin namalayan pa ang pagdaloy ng oras hanggang sa gabihin kami dito sa itutok ng bundok at napagpasyahang tahakin ang daan pauwi sa bahay.

Dali dali naming isinilid ang aming mga gamit at nagsimula ng maglakad. Habang ako ay humahakbang tila may kung anong bagay ang nagiinit sa aking dibdib na hindi ko mawari kung ano ito. Dito ay nagsimula na naman akong makaramdam ng takot ngunit iwinaksi ko na lamang ito sa aking sarili habang iniinda ko ang kakaibang pakiramdam na lumulukob sa aking kaibuturan.

Ilang saglit pa noong malayo layo na rin ang aming nalalakad, sa pagkakaalam ko ay ngangalahati na kami pauwi habang dahan dahan nanghihina amg aking katawan at maya maya'y babalik rin ito sa dating sigla at makalipas ang ilan pang sandali ay manghihina na naman itong muli na labis kong ipinagtaka at ikinabahala.

Paminsan minsan ay naririnig ko muli ang mga mumuntimg ugong sa aking tainga ngunit agad din itong nawawala. Ang aking dibdib ay nagsisimula nang tumibok ng napakabilis sa hindi malamang kadahilanan. Hindi ko mawari sa aking sarili kung natatakot ba ako o nangangamba sa posibleng mangyari sa mga sandaling ito.

Dito ay tila napansin ng aking mga kasama na ako ay hindi mapakali kaya agad silang lumapit sa akin. "Ayos ka lang ba Lom?" Nagaalalang tanong sa akin ni Lee.

"Gusto mo bang maupo at magpahinga na muna?" Tanong rin ni Danny sabay na nilinga linga ang paligid upang maghanap ng map'pwestuhan.

Glowing Gems Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon