GLOWING GEMS 17: SAGRADONG SILID

106 17 0
                                    

REMINDERS:

The views of the author doesn't reflect in any specific events already happened or might just happen. What you're about to read is only an imaginative composition of the author. This is a BxB genre which may not suitable for the readers ages 18 year old below. Hereof, the composed story is exclusive solely for 18 year old and above and may encounter some inappropriate use of words you might read later on. And if you are against at same sex relationship or not comfortable reading this kind of thoughts, you are free to leave this page.

BE OPEN-MINDED.

______________________

Nakaraan...

Nang matapos itong kumain ay napabuntong hininga na muna ako. "Paano ka napunta dito?" Takang tanong ko.

Bumuntong hininga na muna ito. "Sinundan kita sa bundok dahil sinabi sa akin ni inay na nagtungo ka raw doon. Ngunit noong ako ay naglalakad sa loob nito tila naliligaw ako ng daan hanggang sa may matanaw akong tao na umiinom sa may ilog. Maganda ang kapaligiran na tila ako ay nasa iisang fairytale land hanggang sa mapagtanto kong ikaw pala ang nilalang na iyon. Ngunit noong akmang pupuntahan na kita ay bigla ko na lamang nakita ang isang nilalang na nakatayo sa iyong likuran, malaki, mabangis, at nakakatakot kaya napagpasyahan kong magkubli sa isang puno.

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay bigla ka na lamang nito hinawi gamit ang kuko nito dahilan upang mahiwa ang iyong braso at tumilapon ka sa may punong aking pinagkukublihan. Muli na namang sumalakay ang halimaw hanggang sa napagdesisyunan kong hilahin ka upang makakubli sa puno ngunit noong hawakan kita ay bigla kana lamang binalot ng labis na liwanag habang ako ay parang nalapnos ang aking balat hanggang sa maibulalas ko ang iyong pangalan kasabay nito ay bigla na lamang nagiba ang paligid.

Natagpuan ko ang aking sarili na nakatayo sa isang bayan na may maraming tao. Hinanghina ako sa mga sandaling iyon na tila labis akong napagod. Dito ay napagalaman kong nasa kakaibang lugar ako na hindi pamilyar sa akin na labis kong ipinagtaka." Salaysay nito.

"SAGRADONG SILID"

Quicke_Ow

Part 17

Nagising na lamang ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking balat. Marahan kong iminulat ang aking mga mata kasabay nito ang aking pagpungas at paghikab, ininat ko ang aking pangangatawan at dito ay nakaramdam naman ako ng kagaanan.

Agad na akong bumalikwas ng bangon at nagtungo sa banyo ng silid na ito at dito ay inayos ko ang aking sarili. Nang ako ay matapos agad na akong lumabas sa banyo at agad na nagbihis.

Nasa ganoong pagbihis ako nang bigla na lamang may kumatok sa pintuan. "Panginoon, nakahanda na po ang umagahan. Halina't pagsulahan na natin, naroon na ang iyong mga kapatid at ang lalaking mortal." Boses ni Gurong Yunim sa labas ng pituan.

"Sandali lang po guro at ako'y nagbibihis pa, patapos na rin naman ako." Saad ko.

Agad akong natapos sa pagbibihis at agad na lumabas ng silid at dito nadatnan ko si Gurong Yunim na nakangiti kasabay nito ang kanyang pagyuko sa aking harapan.

"Magandang umaga po panginoon." Saad nito habang nakayuko.

"Magandang umaga rin po Gurong Yunim. Halina't magtungo na tayo sa hapagkainan ng sa gayon ay tayo na't makakain. Gutom na rin kasi ako." Natatawa kong saad sa huling katagang aking sinambit na kaagad naman nitong sinang ayonan.

Tinahak namin ang daanan patungo sa hapagkainan ng napakabilis at dito agad na sumalubong sa aking paningin ang mga matatamis na ngiti ng aking mga kapatid at di mapapantayang ngiti ni Lee.

Glowing Gems Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon