REMINDERS:
The views of the author doesn't reflect in any specific events already happened or might just happen. What you're about to read is only an imaginative composition of the author. This is a BxB genre which may not suitable for the readers ages 18 year old below. Hereof, the composed story is exclusive solely for 18 year old and above and may encounter some inappropriate use of words you might read later on. And if you are against at same sex relationship or not comfortable reading this kind of thoughts, you are free to leave this page.
BE OPEN-MINDED.
______________________
Nakaraan...
Nasa ganoong pagkamangha ako nang biglang kumulo ang aking tiyan hudyat na ako ay nagugutom na kaya nakademunyong nakangiti akong nakatingin sa mga puno ng mansanas. Lumapit ako sa isang puno na malapit sa akin at agad na pumitas ng isang piraso at noong akmang kakagatin ko na ito ay agad na nagliwanag ang aking dibdib at walang ano ano ay gumapang ito sa lupa kasabay nito ang isang tinig sa aking likuran.
"Subukan mong kainin iyan kung ayaw mong matulad sa mga bulating gumagapang sa mga bunga ng mga punong iyan." Saad ng tinig sa aking likuran dahilan upang lingunin ko ito.
Dito tumambad sa aking paningin ang isang lalaki na nakaupo sa batuhan suot ang pajama na gaya kay aladdin habang walang suot na pangitaas liban lamang sa mga tattoong nakaukit dito na parang si Apo wang-od pa ang gumawa nito na nakabalot sa buong katawan nito, may suot na hikaw at mga singsing sa mga daliri nito na gawa sa ginto.
Ang lalaking ito ay maamo ang mukha, bilugan at singkit na mga mata ngunit kulay pula ito, makinis at maputi ang balat, matangos ang ilong, mamula mula ang mga labi na may hati sa gitna, bilugan ang mga braso, putok ang dibdib at walang kataba taba ang tiyan habang nanggagalaiti sa galit ang mga pandesal nito. 'Gwapo' kung aking ilarawan, literal na gwapo na daig pa ang artista sa telebesyon.
"Sino ka?" Tanong ko dito.
"Sabihin nating ako at ikaw ay iisa at taglay mo ang aking lakas. Nananalaytay sa iyo ang aking kapangyarihan at sa iyo rin nakahimlay ang aking diwa." Tugon nito dahilan upang ako ay magulat sa kanyang mga tinuran.
"Kung gayon ikaw ba ang tinig sa likod ng kawalan? Ikaw ba ang palagi kong naririnig? Ikaw din ba ang may gawa sa mga bagay na mahirap kong paniwalaan?" Sunod sunod kong tanong dahilan upang bahagya itong matawa sabay tango dahilan upang manglaki ang aking mga mata.
"GABAY NA SI GAEL"
Quicke_Ow
Part 10
"Ang labis kong ipinagtataka ay kung bakit noong masilayan kita ay isa ka lamang bolang nagliliwanag ngunit ngayon ay heto ka sa aking harapan taglay ang perpektong pigura na parang sa tao." Nagtataka kong tanong.
Tumayo ito at nagsimulang maglakad kaya agad akong sumunod rito. "Noong ako'y iyong masilayan bilang isang bolang nagliliwanag sa oras na iyon ay hindi pa ako tuluyang tinatanggap ng iyong puso't isipan kaya wala pa akong sapat na lakas upang magabayan kita sa lahat ng bagay at magpakita sa ganitong anyo. Ngunit noong ako'y tuluyang tanggapin ng iyong isipan ay dito na nabuo ang aking lakas upang tayo ay ipagbuklod. Samantala, ang aking wangis ay nakabase sa ugali at kilos ng taong nangangalaga ng regalong hawak mo. Sa kadahilanang dalisay at malinis ang iyong hangarin ay umayon ang aking anyo sa bawat pagpintig ng iyong puso na tila musika sa aking pandinig sa tuwing maririnig ko ito, ngunit kung ang nangangalaga sa regalong hawak mo ay may masamang hangarin, maaaring isa akong halimaw ngayon at nakakakilabot kung ako'y iyong pagmamasdan.
BINABASA MO ANG
Glowing Gems
Fantasi'Pang-unawa' ang siyang tanging namumutawi sa bawat pusong naghahangad na malagpasan ang bawat pagsubok na dumaraan sa isang indibidwal. Samahan ang mga bagong karakter na magbibigay buhay sa bawat paniniwala at paninindigan para sa mga taong pinan...