GLOWING GEMS 24: PANGUNGULILA SA MGA NAIWAN NI GILOM

79 9 2
                                    

REMINDERS:

The views of the author doesn't reflect in any specific events already happened or might just happen. What you're about to read is only an imaginative composition of the author. This is a BxB genre which may not suitable for the readers ages 18 year old below. Hereof, the composed story is exclusive solely for 18 year old and above and may encounter some inappropriate use of words you might read later on. And if you are against at same sex relationship or not comfortable reading this kind of thoughts, you are free to leave this page.

BE OPEN-MINDED.

______________________

Nakaraan...

Ilang saglit pa kaming kumakain nang agad kaming natapos kaya hindi na nagpaligoy ligoy pa si Gael at agad niya itong isinalaysay.

Bumuntong hininga na muna ito bago magsalita. "Ang bawat elementong pinangangalagaan ay nagtataglay ng sandata at may kakaibang kapangyarihan kung sakaling matuklasan ito ng mga tagapangalaga. Ang bawat sandata ay maaaring maging kalasag at iyon ang hawak ni Gilom. Sa aking pagkakaalam ay labis na kinalugdan si Gilom kaya bilang gantimpala sa kanya ay iginawad ng elemento ng apoy ang pamaypay na kanyang hawak bilang kalasag ngunit ang kanyang sandata ay hindi ko alam kung saan ito nakahimlay.

Kung sakali mang makuha at mapasakamay nila ang mga sagradong sandata ay may kaakibat itong isang mabuting sumpa. Ang sumpang ito ay ang pagbabago ng inyong mga anyo bilang pangalawang lebel ng inyong mga kapangyarihan. Marahas, makapangyarihan, malakas, at natatangi ang taglay na kapangyarihang tinataglay ng mga sandata na maaaring maihanay sa kataas taasang diyos kung ito ay pagsasama samahin. Ngunit huwag kayong mangangamba dahil ang sumpa ay hindi nakakawala sa sarili bagkus binibigyan ka nito ng labis labis na lakas upang gampanan ang inyong mga tungkulin.

Bakit kailangan magbago ang anyo ng isang tagapangalaga kung gagamitin ang sagradong sandata? Dahil hindi makakayanan ng mga tagapangalaga ang kanilang ordinaryong katawan kung sakaling gagamitin ang mga ito sa pakikidigma dahil ang sagradong mga sandata ay nagtataglay ng mas pinalakas, pinakamakapangyarihan, at makapaminsalang bagay na iyon. Maaring ikapahamak ng gagamit nito kung sakaling hindi magiiba ang kanyang anyo. Iyan ang sumpa na taglay ng mga sandata..." saad nito at dito pinalapit kaming magkakapatid ni Gael at pinaporma ng pabilog at pinaghawak ng aming mga kamay. "...Kaya nais kong itanong sa inyo, nais niyo bang tanggapin ang sagradong sandata na igagawad sa inyo ng mga elementong pinangangalagaan niyo?" Tanong sa amin ni Gael dahilan upang kami ay magkatitigang tatlo at agad na tumango.

"PANGUNGULILA SA MGA NAIWAN NI GILOM"

Quicke_Ow

Part 24

Gabi na noong ako ay magising at labis na pamimigat ng aking pakiramdam ang biglang lumukob sa aking katawan. Hindi ko mailarawan ang kakaibang pakiramdam na ito na tila naubos ang aking lakas dahil sa patuloy na panghihina ng aking katawan.

Bahagya naman akong bumangon nang may maramdaman akong may umaalalay sa akin kaya dito ay binalingan ko kaagad ito ng tingin at dito tumambad sa aking paningin si Lee na may labis na pagaalala sa mga mata ang makikita dito. Hindi ko manlang napansin ang presensya nito kaya isang napakatamis na ngiti naman ang aking isinukli dito at maya maya pa ay bigla itong tumayo at lumapit sa akin sabay na hinalikan ang aking noo dahilan upang ako ay kiligin.

Nasa ganoong tagpo kami nang mapansin ko din ang mga taong nasa kabilang gilid ng silid na ito dahilan upang ako ay makaramdam ng pagkahiya. Hindi ko alam kung nakita ba nila ang ginawa ni Lee o hindi kaya labis labis akong nahihiya sa kanila. Dito ay napagalaman kong naririto pala ang aking mga kapatid, Danny, Gurong Yunim, at Lee. Ayon kay Danny ay inaantay nila akong magising dahilan upang ako ay mangiti.

Glowing Gems Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon