REMINDERS:
The views of the author doesn't reflect in any specific events already happened or might just happen. What you're about to read is only an imaginative composition of the author. This is a BxB genre which may not suitable for the readers ages 18 year old below. Hereof, the composed story is exclusive solely for 18 year old and above and may encounter some inappropriate use of words you might read later on. And if you are against at same sex relationship or not comfortable reading this kind of thoughts, you are free to leave this page.
BE OPEN-MINDED.
______________________
Nakaraan...
Tahimik...
Hindi ko mahagilap ang ano mang ingay na nagmumula sa kapaligiran. Maging ang dalampasigan ay bigla na lamang kumalma. Pinagmasdan ko naman ang kapaligiran at mula dito sa itaas ay kita ko ang aking mga kasama na patuloy akong pinagmamasdan.
Maya maya pa ay bigla na lamang umihip ang napakalakas na hangin kasabay nito ang sunod sunod na pagkulog ng malalakas na tila nagagalit ang kalangitan. Nasa ganoong pagkagalit ang kalangitan ay ang magkakasunod na kidlat na bumulusok sa aking kinaroroonan partikular sa aking kaliwang kamay. Dito ay nakikita ko na may mga bagay ang nauukit sa aking mga kamay at sa bawat pagtama ng kidlat ay nagiiwan ito ng hindi maipaliwanag na marka.
Ilang saglit pa ako sa ganoong tagpo nang bigla na namang lumabas ang isang imahe na minsan ko nang nakita. Ang imaheng ito ay ang espadang nagliliyab sa may bundok habang may mga dragon ang nakabantay dito dahilan upang bumilis ang tibok ng aking puso.
Patuloy na tinatadtad ng kidlat ang aking mga kamay at ramdam ko ang hapdi at pagkalapnos ng aking balat kaya dito ay napasigaw na lamang ako.
"SAGRADONG SANDATA"
Quicke_Ow
Part 23
Sa mga sandaling iyon ay pinagsaluhan namin ang mga pagkaing nakahain sa aming harapan ng may ngiti sa aming mga labi.
Hindi naman mawaglit sa aking isipan ang mga naganap kanina at ang tungkol sa sagradong mga sandata. Sinabi sa amin ni Gael na isasalaysay daw niya sa amin ang tungkol sa mga sagradong sandata ngunit bago iyon ay kakain daw muna ito dahil sa gutom ito.
Tahimik...
Tahimik naming pinagsasaluhan ang mga pagkaing nakahain sa aming harapan. Walang pakialamanan ang peg ng mga ito dahil sa gutom na kanilang nararamdaman.
Ilang saglit pa kaming kumakain nang agad kaming natapos kaya hindi na nagpaligoy ligoy pa si Gael at agad na nga itong nagsimulang isalaysay ang mga bagay na may kaukulan sa sagradong mga sandata.
Bumuntong hininga na muna ito bago magsalita. "Ang bawat elementong inyong pinangangalagaan ay nagtataglay ng sandata at may kakaiba itong lakas at kapangyarihan kung sakaling matuklasan ito ng mga tagapangalaga. Ang bawat sandata ay maaaring maging kalasag at iyon ang hawak ni Gilom. Sa aking pagkakaalam ay labis na kinalugdan si Gilom kaya bilang gantimpala sa kanya ay iginawad ng elemento ng apoy ang pamaypay na kanyang hawak bilang kalasag ngunit ang kanyang sandata ay hindi ko alam kung saan ito nakahimlay.
Kung sakali mang makuha at mapasakamay nila ang mga sagradong sandata ay may kaakibat itong isang mabuting sumpa. Ang sumpang ito ay ang pagbabago ng inyong mga anyo bilang pangalawa at makapaminsalang lebel ng inyong mga kapangyarihan. Marahas, makapangyarihan, malakas, at natatangi ang taglay na kapangyarihang tinataglay ng mga sandata na maaaring maihanay sa kataas taasang diyos ang kakayahan nito kung sakali mang ito ay pagsasama samahin. Ngunit huwag kayong mangangamba dahil ang sumpa ay hindi nakakawala sa sarili bagkus binibigyan ka nito ng labis labis na lakas upang gampanan ang inyong mga tungkulin.

BINABASA MO ANG
Glowing Gems
Fantasy'Pang-unawa' ang siyang tanging namumutawi sa bawat pusong naghahangad na malagpasan ang bawat pagsubok na dumaraan sa isang indibidwal. Samahan ang mga bagong karakter na magbibigay buhay sa bawat paniniwala at paninindigan para sa mga taong pinan...