"Hey, are you alright?" Agad na lapit sa akin ni Sebastiane.
I must have probably looked that awful. Dahil parang nag-aalala talaga siya sa naabutan niyang posisyon ko rito.
Napagod lang naman ang utak ko sa kaiisip kaya naman isinubsob ko na ang mukha ko sa mesa.
"Yeah . . . I'm fine . . . don't worry."
Nanghihina kong saad.
Hindi naman ako nahihilo. Hindi rin masakit ang ulo. Talagang pagod lang.
Dapat pala nag-pasalamat na lang talaga ako nang 'nagmagandang loob' ang boss ko. Dahil ngayon, dag-dag pa ang mga gawain ko sa dami ng mga iisipin ko.
"You don't look fine, Persephone."
His voice started tuning deeper than the usual again as his tone turned more serious.
And he was calling me again by my name. Ganon ba kalala ang hitsura ko para mag-alala siya ng ganiyan?
Bawal na bang mapagod ngayon?
Napagod lang naman talaga ako.
Pero wala akong planong makipag-talo sa kaniya.
I still need to think about a lot of things.
"Really, ayos lang ako."
I tried convincing him.
Inangat ko ang paningin ko at ngumiti.
Ang bigat talaga ng talukap ng mga mata ko ngayon. Inaantok ako.
"I'm just a little bit . . . sleepy."
Mas lalo lang kumunot ang noo niya.
"Are you staying up late at night?" His tone got even more strict over the seconds.
I slightly smiled. Ang cute niyang magalit.
"Kagabi lang naman."
Umigting ang panga niya.
"Ano bang ginawa mo at kailangan mong mapuyat?"
Nangiti ako nang maisip ang sagot sa tanong niya.
Magagalit kaya siya kung sasabihin kong puyat ako dahil inisip ko siya?
Ilang sandali akong nag-isip. Pero sa huli ay umiling na lang ako.
Bakit ko naman sasabihin?
In the first place, bakit ko ba naman kasi siya iniisip?
Ganito na ba ako kalala ngayon?
"Mama called . . . umaga kasi sa kanila kagabi . . . "
Hindi naman kasinungalingan iyon dahil totoo namang tumawag kagabi ang Mama.
Pero ginamit ko nga lang na palusot.
Isa pa, maaga namang natapos ang tawag namin.
But I saw it's effect on Sebastiane.
Unti-unting humupa ang init ng ulo niya.
Maya-maya ay nakita kong marahan siyang tumango.
Pinapantay ang pag-hinga at kinakalma ang sarili.
"Didn't she know yet?" Maingat niyang tanong kalaunan.
Ngumiti lang ako.
I know he understood what I meant by that.
Marahan naman siyang tumango.
"Alright." Kinakalma niya pa rin siguro ang sarili. "I'm sorry." Napabuga siya ng malalim na hininga. "Nag-alala lang ako. You looked scary on that position of yours."
BINABASA MO ANG
Best Mistake
RomanceWe might have started wrong, but I regret nothing. The world may give me all the chances to right it, but I choose not to change anything. 'Cause to me, you're the best prize of my worst action. The only right thing I've got when I failed to have my...