Chapter 46

30 2 0
                                    

Hindi ko alam kung paano ako naka-tulog kagabi.

Basta ang alam ko na lang, gising na ako ngayon.

Masyado pang maaga.

Pero ayos lang naman.

I'm a morning person. And I love waking up early in the morning, knowing that later, I'll be moving to make my day real productive.

Pero halos sumakit ang ulo ko nang maalala ang 'pag-mamagandang loob' ng boss kong barkada pa yata ni Sebastiane. Ang layo-layo ng age gap nila pero kung maka-hingi ng pabor sa kaniya si Sebastiane ay akala mo kasing-edad niya lang ang matanda. For all I know, ang lola ang ka-edaran ng boss ko.

Nailing ako sa isiping iyon.

I don't want to ruin my morning though. Isa ito sa mga bihirang umaga kung kailan hindi mainit ang ulo ko bunga ng morning sickness.

Kaya naman bumangon na ako at sandaling nag-stretch ng katawan.

Hindi rin kasi maganda na buong maghapon akong nakaupo lang sa swivel chair ng opisina. Dapat din ma-unat ko naman ang mga parte ng katawan ko. Makatutulong din iyon para sa mas maayos na conception at delivery.

Nang matapos ako ay sandali akong nag-pahinga at nagpasiya nang maligo.

Warm bath this time. Dahil hindi mainit ang ulo ko.

Ang sarap sa pakiramdam na dumadampi sa balat mo ang katamtamang init ng tubig habang malamig ang umaga.

I felt rejuvenated after that warm bath.

May ngiti sa labi akong nag-tungo ng kusina at agad na nag-hanap ang diwa ko ng kape.

Pero ganon na lang ang pag-busangot ko nang maalala na hindi nga pala ako pinaiinom ng kape.

I talked to the obstetrician privately. She told me, then, women under pregnancy were advised not to take any caffeinated products at all, but nowadays, they weren't that strict anymore about preventing pregnant women from drinking coffee, as long as it won't be exceeding the limitted amount of the consumption that they were allowing. But then, the OB also asked me why must I settle for a coffee when I can provide my child and my self better wellness by drinking milk instead.

Dahil doktor na ang nag-sabi, hindi na lang ako nakipag-talo pa. Hindi na nga ako nagpumilit na uminom ng kape. Kaunting sakripisyo lang naman kung tutuusin.

Napabaling ako sa direksiyon ng pinto nang marinig ang hudyat na may tao.

Napakunot ang noo ko.

Nagpa-schedule ba ako ng pagpapalinis ngayon ng unit?

Mabilis ko na lang iyong nilakad at walang ano-anong binuksan ang pinto.

Natigilan ako at nagulat nang makita si Sebastiane!

Ang aga!

Ilang sandali pa akong pakurap-kurap sa harapan niya!

I suddenly got conscious.

Hindi pa ako nagbibihis ng pang-opisina kaya naman simpleng pambahay lang ang suot ko ngayon.

Pinasadahan ko ng tingin ang damit ko. My clothes originally felt so comfortable, but I guess I'm already starting to doubt them now.

Naasiwa ako.

Disente naman akong tingnan dahil kumg-tutuusin, maayos naman ang suot ko.

But looking at Sebastiane in his formal attire this early in the morning makes me wanna go back inside of my room out of intimidation.

Nakita ko ang unti-unting pag-salubong ng kilay niya.

Nagtataka sa reaksiyon ko.

Naasiwa ako pero inayos ko na lang ang sarili. Hindi ko ugali ang mag-pakita ng pagkakapahiya kaya naman dapat walang pinag-bago ngayon.

"Ang aga mo."

Agad na lumapad ang ngiti niya sa sinabi ko.

"Just wanna make sure you really won't be cheating in terms of coffee consumptions . . ."

I boredly looked at him.

"Wala na ni anino ng kape sa unit ko. Sana masaya ka na."

Parang tanga kaming dalawa na nasa hamba ng pintuan nag-uusap.

Hinila ko na lang siya dahil nakakapagod nang ulit-uliting banggitin pa sa kaniya ang pag-pasok sa loob.

Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin siya pumapasok sa loob ng unit ko nang walang nagsasabi. Minsan ay nag-tatanong muna siya at papasok lang kapag tumango na ako.

"At kailan ka kaya magkakaroon ng kusang-loob?"

Puna ko dahil dati ko pa rin ito gustong sabihin sa kaniya.

"What?" He was smiling.

Ni hindi man lang umupo ng couch dahil walang nag-sasabi.

Nakakapang-init siya ng ulo.

"Kapag pinag-buksan ka ng pinto, ibig-sabihin pinapapasok ka." Nangiti lang siya at hindi man lang natakot sa kawalan ko ng tuwa sa mukha. "At matuto ka ring umupo ng kusa."

Ngumuso na siya dahil doon.

"Ang aga-aga ang init ng ulo. Moring sickness?" Nakapamulsa siya at magaan ang mga matang nakatunghay sa akin.

Parang hindi naman nag-aalala. Alam niya yatang hindi naman talaga ako ngayon inaatake ng morning sickness.

"I didn't have one until you came in."

Iniwan ko siya roon na humahagalpak sa tawa.

Though he followed me this time.

Mabuti naman at natututo na siya.

"Do you want me to leave now?"

Mabilis akong nag-tapon ng matalim na tingin sa kaniya.

Nangingiti lang naman siya ng malapad. Kampate yatang wala sa ugali ko ang mag-palayas ng bisita.

"How should I make it up then?" Mabagal siyang lumapit at binuksan ang cupboards ko nang hindi nag-bibitiw ng tingin.

Hindi ko siya sinagot.

"Hindi ka nga uminom ng kape, hindi ka rin naman uminom ng gatas."

Puna niya nang walang makitang bakas ng pag-inom ko ng gatas.

"I was about to make a one when you suddenly entered the picture." I stoicly said.

Actually, hindi ko alam kung may plano ba akong uminom ng gatas kanina. Baka nga mag-settle na lang ako sa mainit na tubig bilang kape sa umaga eh. Pero dahil nandito siya, wala na akong kawala.

Nagpipigil na naman siya ng ngiti. Pero mahirap para sa kaniya ang gawin iyon lalo na at hindi pumapayag ang dimple niya. Nagpapakita pa rin.

"Sorry for the interruption." He didn't sound sorry though.

May ngiti sa labi siyang nagtimpla bg gatas at agad na ibinagay sa akin pag-katapos.

Alanganin ko iyong tiningnan.

Inilahad niya uli at wala akong nagawa kundi ang kunin sa kaniya.

Hindi agad ako uminom. Wala pa ay nauuta na kaagad ako sa amoy.

He motioned me to drink it.

Kahit hindi ko gusto, uminom ako.

It's alright Persephone. Milk is rich in calcium. Good for the bones. So as potassium. Good for the heart. Protein. Phosporus. Iodine. B2. B12.

I kept on reciting in my head all the right reasons why must I drink this milk, until I finally drank it all in.

Mariin kong tinitigan si Sebastiane.

Nangiti lang siya at marahang tinapik ang bumbunan ko.

"Good mommy."

Best MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon