Chapter 49

29 2 0
                                    

Sebastiane and his words . . . sometimes, I just can't get the audacity to take him in.

Naiipon na ang mga ganiyan niyang banat. But I always decide to believe it was nothing but a playful remark. Na ganiyan naman talaga siya. Mapag-laro. Kaya wala lang dapat.

Bumalik kami sa opisina pag-katapos kumain at mubuti naman dahil mukhang hindi na ako inaantok gaya kanina.

Minabuti kong tapusin na lahat ng ginagawa ko ngayon. Natigil kasi ito kanina dahil sa mga pinag-iisip ko kaya naipon ng kaunti. But I can manage.

Buong araw namang naka-bantay sa akin si Sebastiane.

Seryoso talaga siguro siya nang sabihin niyang kinabahan siya sa nadatnang hitsura ko rito kanina.

I didn't mean to cause him some reasons to be fearful, but I find his reaction adorable.

"Drink it, please . . ." Si Sebastiane nang kalaunan ay maglapag siya ng gatas sa mesa ko pag-patak ng hapon.

Hindi ko kasi iyon tiningnan dahil nagkukunwari akong walang napansin. But of course, he's not a fool.

Inilapit niya pa iyon lalo sa akin at talagang binanggit niya pa.

Wala pala talaga akong takas dito.

Inilipat ko ang tingin sa kaniya.

He smiled softly.

Hindi nang-iinis. Hindi nang-uuyam. It was a warm one. 

Enchanting.

Lalo na at namalayan ko na lang ang sarili kong sinunod nga ang gusto niya.

Napapikit ako sa rehistro ng lasa ng gatas para sa dila ko. It was never good for my taste. So I needed another round of reciting in my mind all the good things I'll be benefiting from this glass of milk.

Siyempre, ako lang ang may alam ng ginagawa ko.

I wouldn't want anyone to know how weird I was when it comes to drinking a glass of milk. That'll be too horrific.

Naubos ko ang baso ng gatas na para bang may nainom na maasim. Ilang buwan ko ring gagawin ito kaya dapat na akong masanay.

Narinig ko ang mahinang tawa ni Sebastiane.

Tiningnan ko siya. May kaunti pa ring pait sa mukha ko.

"Does it taste that bad for you?"

Nagtanong pa talaga siya. Huh.

Nag-kibit balikat ako at walang gana siyang tiningnan.

"What do you think?"

Natawa na naman.

Pinanood ko siyang mahinang matawa at mapa-iling sa ugali ko.

"Ang sungit."

Hindi ko na siya pinansin pa at tinapos na talaga ang mga gawain ko.

Maya-maya ay nag-karoon yata siya ng sariling gagawin dahil tumunog ang phone niya at parang may mahalagang tawag na sinagot.

Nag-paalam naman siya sa'kin bago niya tuluyang sagutin iyon.

Hindi ko nga lang alam kung bakit kailangan niya pang mag-paalam sa akin. But I nodded anyway.

Sandali na naman akong natulala at halos ni hindi maintindihan kung ano-ano ang mga pinag-iisip ko.

Am I just beginning to . . . ?

I didn't let my self entertain the thought. I didn't let the thought get inside me.

Best MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon