11

27.2K 388 8
                                    

•°•°

"Ate Qrayh, okay na ba yung lines ko?" Tanong sakin ni Lime habang hawak-hawak nya ang napaka kapal na papel na may nakasulat na script. Tumango ako.

"Oo okay na, maganda na yung pagka-arte mo." Sagot ko. Huminga sya ng malalim atsaka humiga sa sofa.

"Nakakaasar naman kasi, vacation ko daw tapos may mememoryahin pa pala akong lines." Sabi nya na naiinis at halatang pagod.

Tinutulungan ko kasi syang magbasa ng lines nya, tignan ko daw sya kung tama na yung emotions nya habang sinasabi nya yung lines nya. Three days ng andito si Lime, atsaka parang nasanay nalang ako.

Kung tinatanong nyo kung magkaaway sila ni Travis, hindi ang sagot ko. Umamin sakin si Lime na pag Lillian na daw yung tawag sa kanya ni Travis means to say galit na kaya ayun natakot sya kasi nakakatakot daw si Travis magalit.

And hindi naman daw nya talaga nakita yung ginawa namin sa terrace, pagkarating nya kasi sa terrace timing daw ng pagkasabi ko na "not here" kaya ayun nakahinga ako ng maluwang. Nakakahiya kasi eh. Pero nakakahiya parin!

"Teka nga, Ate Qrayh bat wala ka sa office today?"

"Tapos na kasi yung auditions, pumipili nalang. Ewan ko ba dyan kay Travis gusto nya sya na daw mamili tapos tignan ko daw kung okay na," tumango sya.

"Paano pala kayo ni Kuya Trav nagkakilala?" Napaisip ako. Gagawa ba ko ng story? O sasabihin ko na nagkakilala kami sa office?

"Uh, nagkakilala kami sa office yun na yun." Sabi ko. Kumunot yung noo nya.

"Yun na yun? Paano? Na love at first sight ka ba kay Kuya Trav? Naasar?" I chuckled.

"Hindi ko alam, basta ang alam ko sya yung napili ko." na maging daddy sa future baby ko. Idadagdag ko sana yun kaso baka kung ano isipin nya. Tumango naman sya.

"Okay, I won't ask again." Biglang tumunog yung doorbell.

"Baka si Kuya Trav na yun," sabi ni Lime. Tumayo naman ako.

"Ako na bahala," sagot ko.

Binuksan ko naman kaagad yung pinto pero laking gulat ko kung sino yung nasa harap nito.

"Who are you?" Maarte at mataray nyang tanong. Tinignan nya ko mula ulo hanggang paa.

"So Ate Qrayh si Kuya Trav na ba ya--Ate Ainsley?!" Gulat na tanong ni Lime.

"Oh Hey Lian, can I come in?" Tanong nya.

"Pagsinabi ko bang hindi susundin mo? Diba hindi? Papasok ka parin?" Mataray na tanong ni Lime.

"Well, you're actually right. Gusto ko lang maging magalang kahit papaano?" Tumawa ng sarcastic si Lime.

"Magalang? Wag na di bagay sa ayos mo," and then naglakad na paupo si Lime sa sofa. Ako nakahawak parin sa door knob. Tinignan nya ko na parang naiiinis.

"Excuse me," maarte nyang sinabi atsaka tinulak ako ng medyo malakas. Aba! Sumusobra na to ah. Mamaya ka lang.

Inilibot naman nung Ainsley na yun yung mata nya sa condo. Umupo naman sya sa sofa. Naiinis ako sa kanya, lalo na dati. Hinding-hindi ko makakalimutan ang mukhang yan lalo na sa Coffee Shop.

Mahaba nga at medyo messy na curly ang hair, red lipstick, may mole malapit sa mata, sexy dress and fashionable jacket at higit sa lahat maputing-maputi. I admit mas maalindog sya sakin, pero wala parin sya sakin.

"Lian, where's Travis?" maarte nyang tanong.

"Work," labas sa ilong na sagot ni Lime habang nakatingin sa hawak nyang script.

I Got PregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon