•°•°
Pagkalabas ng pagkalabas ko sa office ni dad napaisip ako.
Matagal na?
Matagal nang naterminate yung merging contract? Pero anong ibig sabihin ng mga messages na yun? Yung messages ng father nya? Ano 'yun?
Biglang may kumatok sa pinto.
"Pasok,"
"Ma'am?"
"Yes Dannah?"
"CEO Evans, wants you to go to the Hit Music Building." My eyes widened.
"Now?"
"Yes, isama nyo na daw po yung artist na napili and you'll go. Magsisimula na daw po kasi agad-agad pag-aralan yung song na na composed na,"
Ugh. Why dad? Ang bilis naman. Kakasabi na sakin kanina tapos pupunta na ko dun agad-agad. Hindi pa ako handa.
•°•°
"That is the recording studio," sabi ni Piper sabay turo ng isang room.
"Kyd, you can do it." Sabi ko sa isang artist namin na makikipag collaborate sa babaeng artist din dito, akala ko album lang eh pati pala movie. Tumingin sakin si Kyd. Tumango sya.
"I will,"
"Pasok na po kayo," I nodded.
Sabay naman kaming pumasok ni Kyd sa recording studio.
"Ma'am Qrayh," lumingon ako kay Piper.
"Ingat po kayo mamaya baka mabasa po kayo," she whispered.
I frowned. What? Mabasa?
Hindi ko nalang pinansin si Piper at tuluyan ng pumasok sa recording studio.
And there nakita ko yung composers atsaka iba pang staffs kasama na dun yung babaeng makaka collaborate namin.
Syempre introductions yung naganap, sinabi yung schedules kung kailan yung practices or ilang months bago mag comeback and then pinag-usapan na rin yung movie.
Too bad kasa-kasama ako sa lahat ng schedule na yun, bat pa kasi ako yung napili ni dad? Pero I should be professional.
After that pinag-break muna kami. Well, except sa artists namin para magkakilala pa daw sila sa isa't-isa. Ibinilin ko nalang si Kyd sa manager.
Habang naglalakad ako palabas ng building para pumunta sa coffee shop sa tapat, someone bumped me and too bad natapon sakin yung coffee. At nahulog yung bag ko.
"Great," I said sarcastically.
"I'm sorry Miss," sabay naman naming pinulot yung things ko.
"Here," tumayo naman ako ng maayos. At inabot nya sakin yung bag ko.
Halos mapanganga ako, pakiramdam ko hindi ako nabuhusan ng kape, nabuhusan ng yelo ang buong katawan ko.
"Y-you!?"
"Qrayh?"
No, no. This can't be.
Tinignan nya ako mula ulo hanggang paa, yung tipong hindi makapaniwala na ako ang nasa harap nya.
"Next time tumingin ka sa dinadaanan mo, ng hindi ka nakakaabala." Sabi ko habang pinipilit na punasan yung damit ko. Bat ba palagi nalang akong nababasa?
"Qrayh its you!" Bago pa ko magsalita he hugged me.
How I miss this.. his scent.
No! Wake up Qrayh!
BINABASA MO ANG
I Got Pregnant
Literatura KobiecaSi Qrayh Franche Evans ay isang dating modelo at performer, siya na ngayon ang Vice-President nang kanilang kompanya. Isang araw sinabi nang doktor niya na kung gusto niya pang magkaanak ay gawin na niya kung hindi ay hindi na sya magkakaanak. Nagh...